Kath’s Point of View It’s fun to be silly for a while. Paikot-ikot lang kami sa Tagaytay. Walang batang kasama. Puro kalokohan, lalo na si Diane. We ended up sa Sweet Bells. Ginulo namin si Bella na kasalukuyang nagbi-bake. Parang hindi natatapos si Bella dahil kinakain namin ang ibang naluluto niya. Nawala ng slight ang hinanakit ko sa buhay dahil sa cupcakes na kinakain ko. She even let us decorate some of her cupcakes. Sam’s phone kept on ringing pero hindi niya ito sinasagot. I turned off my phone before we left Country Club. “Ayaw mong sagutin?” puna ni Diane kay Sam. She waved her hands as if it was nothing. “Uuwi din naman ako. Hayaan mo si Kyle paminsan-minsan,” Sam replied. Maya-maya, ang phone naman ni Cheska ang tumunog. She picked it up knowing na iti-trace siya ni Ace kapa

