Kath’s Point of View Totoo ba ang sinasabi nito? Seryoso ba siya? Katanga e. “Kath, in fairness kay Marcus, ako ang may kasalanan noon,” pinakadiin ni Kyle ang noon. “Hindi ko naman alam na hindi siya nagpa-second opinion.” Kung naiba lang ang sitwasyon, isa ako sa nakikitawa sa mga kaibigan ko. Nakakatawa, in a way. Pero nakakainis din. “You didn’t even give me the benefit of doubt when I told you about this baby. You just assumed I have someone else when all this time I was worried about you. Mas masakit ‘yon kaysa sa bukol na inabot mo sa akin kanina,” I exclaimed. “Kath, I’m so sorry.” Umiling ako. “You lost your easy chance earlier. If you want a place in my life, work for it. Hindi dahil libre ang pagiging tanga, aaraw-arawin natin.” “What can I do for you to forgive me?” “Ew

