Kath’s Point of View “Uy, lover boy,” narinig ko ang boses ni Tristan nang madaan ako sa down town area. Nasa iisang coffee shop sila. “Tapos ka na bang mag-deliver ng sulat mo? Hindi ko alam na pangarap mong maging kartero,” pang-aasar ni Kyle nang makalapit ako. “Gago. Dagdag points ‘yon,” I replied. Tapos ko nang ibigay sa delivery boy ang sulat ko. Natatawa na nga siya sa akin. Ang jologs daw ng love letter. Ako na lang daw ang gumagawa. “Huh! Nirereklamo kaya kayo ng mga asawa niyo,” ganting pang-aasar ko. “Pinagse-seminar nga kayo sa akin. Kahit yata sa text hindi kayo nagrereply.” “Tangina, ‘yan na nga ba. May pauso na naman. Dati itong si Cloud na gago. Ngayon ikaw naman,” Tristan commented. “Minsan kasi mag-e-effort din kayo. Hindi puro papogi,” I replied. “Wala pa bang

