Chapter One:
Mabilis akong bumangon at nagmumug pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ko
at pumunta sa elevator pababa, Nasa ikaapat na palapag ang kwarto ko actually kaming magkakapatid nasa ikaapat na palapag ang kwarto.
Sa unang palapag ay ang mga silid ng mga katulong at kung saan nandoon ang receiving area dining area, living room at ang
kitchen.
Habang sa ikalawang palapag ay ang guestrooms habang sa ikatlong palapag ay ang masters bedroom at ang iba pang mga bakanteng kwarto na para sa mga ibang kamag anak namin.
Lumabas na ako ng elevator ng tumigil ito sa unang palapag.
Hmm....nakakapagtaka, bakit ang tahimik yata?.
Lumiko ako pakanan kung saan nandoon ang daan papuntang receiving room and then ay ang living room, dining hall at ang kitchen.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko sa living room ang mga magulang ko.
Napataas ang kilay ko ng hindi lang sila ang nandoon pati ang mga kapatid ko even my cousins.
Biglang nagsalubong ang kilay ko ng mapansin ko ang ate ko, kapatid ko sa ama kasama ang kanyang asawa.
Hmm...anong nangyayari? may reunion ba? at bakit parang ang weird yata ng reunion nila??.
Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila lahat at nagtagumpay naman ako saka ako lumapit sa kanila na nakaupo sa magkabilaangmalalaking sofa.
" Anong nangyayari? tanong ko sa kanila
" Anong nangyayari?" balik tanong sa akin ni ate Peach na may pang uuyam na syang ipinagtaka ko.
" Alam mo bang kung anong kahihiyan ang ginawa mo?" galit nitong tanong na mas lalong ipinagtaka ko.
" Ano? hindi ko kayo maintindihan?" nalilito kung tanong habang tinitingnan sila isa Isa.
" Wow! feeling inosente ah!" biglang singit ni Peanut. yeah! ang weird ng name niya.
Tiningnan ko lang sya ng masama
cause really? hindi ko sila maintindihan
" Ano bang nangyayari ha! spill the beans!" baling kong tanong sa kanila, naguguluhan na ako..... seriously? bakit hindi nalang nila sabihin agad para maintindihan ko ang mga pinagpuputok ng botse nila.
Ng biglang tumayo si papa na may hawak na brown envelope at pabalibag nya itong ibinato sa akin.
" Explain!" galit at malamig nyang sabi, naguguluhan man ay tiningnan ko ang Nasa loob ng brown envelope.
Napanganga ako sa gulat sa nakita ko at punong puno ng pagtatakang tiningnan ang mga larawan na hawak ko, nanginginig ang mga kamay ko habang tinititigan bawat larawan harapan ko na syang nagpapataas ng balahibo ko sa batok.
Ano 'to? Anong ibig sabihin nito? kailan pa ako lumabas ng bahay?
Tiningnan ko silang lahat lalong lalo na ang mga malalamig na mga mata ni Dad.
" A-ano 'to?" nanginginig kong tanong dahil hindi ko talaga maintindihan...I gasped loudly when my older sister Peach slapped me with so much force that it can leave a mark on my face.
" Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang ito!" sigaw nya sa harapan ko.
" Akala ko malinis ka! Inosente!....pero hindi pala! you really disappointed me Alszinn!" sabi nito.
" Kapag hindi mo naihaharap sa akin ang taong iyan Alstroemeria Zinnia! itatakwil talaga kita bilang anak!" galit na sigaw nito ng sumingit ang kapatid kong si Hyris.
" DAD NO! you can't do that! atsaka walang maihaharad sayo si Alszinn dahil hindi naman sya ang nasa pictures na Yan!"
"Oh? really? Hyris? pinagtatanggol mo iyang malandi mong kapatid?!" nang uuyam na sabi din ni Butter na kakambal ni Peanut.
Mabilis pa sa alaskwatro na nakalapit ang kapatid ko kay Butter na hawak na ang kwelyo nya.
" Watch your f*****g mouth! you b***h!" malamig at galit na sabi ni Hyris.
" Stop that Hyris!" galit na sigaw ni dad habang nanlilisik ang mga mata.
" Psh.." tsaka binitawan ng pabalibag ni Hyris si Butter na namumutla.
Bumaling ako kay dad para magpaliwanag
" Dad! wala akong ihaharap sa iyo, kasi wala namang nangyari. at isa pa hindi ako lumabas ng bahay ng araw na yan!" mahinahon kong sabi.
" Mr. Seville...I'm sorry for what happened! i'm here to take full responsibility for what happened to me and to your daughter!"
Halos sabay sabay kaming lahat na napalingon sa pinanggagalingan ng boses.
Napakuyum ang mga palad ko sa taong bagong dating.
Ng makita ko ang mukha nya gusto ko na syang katayin ng buhay sa kinatatayuan nya.
************
PurpleCrescent_Moon
************
**^_^**