KATE
.
.
"Kateee lumabas ka jan! Inom tayo!" nagulantang ako ng marinig ang malakas na boses ni Mia at agad tumayo para pagbuksan siya ng pinto.
"Anak ka naman ng, alas dyis na ng gabi oh!" sabi ko sakanya at napaatras ng pumasok siya kaagad sa loob, may dala pa siyang isang case ng beer. Naupo siya don sa sofa at inayos ang dala niya.
"Wala akong pake! Walanghiyang Kurt yon hindi na naman ako sinipot sa date namin!" sabi niya na ipinagtataka ko tsaka naupo sa tabi niya.
"Oh bakit na naman daw."
"May emergency daw siyang pupuntahan! Ako pa pinagloloko baka may kabet na yon!" kwento niya at binuksan iyong isang bote tsaka tuloy tuloy na ininom.
"Yung atay mo inday baka ma bigla, kakakasabi mo palang kahapon na loyal yang shota mo tas ngayon pinagdududahan mo na nangabet." saad ko rin at nagbukas ng isang bote. Isa lang iinumin ko may pasok pa ako bukas.
"Naging cold na siya beh. Nag away din kami nung gabi na hinatid niya ako. Baka may bago na awts." sabi niya at mukhang paiyak na, nginiwian ko naman siya bago kumuha sa chichirya na binuksan niya.
"Bat di mo sundan ng magkaalaman na." sabi ko sakanya na ikinalingon niya sakin na nanlaki ang mata.
"Gosh bat diko naisip yan?! Very good ka besh sige gagawin ko yan bukas na bukas." sabi nya na ikinatango tango ko. Natahimik kami saglit at maya maya lang ay napatingin ako sakanya para ikwento sana sakanya iyong nangyari kanina kaso paglingon ko sakanya ay nakatulog na pala siya.
Napailing nalang ako at itinabi iyong hawak niyang bote na walang laman.
Hanep naubos niya pa yon agad2?
Naupo nalang ako doon at tinapos iyong iniinom ko bago napagpasyahang matulog na.
Kinabukasan umalis din agad si Mia, hindi niya na dinala iyong mga beer na dala niya kagabi dahil nagmamadali na siya at baka malate daw sya sa trabaho niya.
Ayan kasi may painom2 pa alam namang may trabaho pa.
Naligo na rin ako atsaka nagbihis, ng matapos nakarinig agad ako ng busina sa labas. Suspetsya kong si Owen yan.
Agad kong binuksan ang pintuan at tinignan kung sino ito. Hindi nga ako nagkamali at ang hinayupak nga ang nandun.
"Good morning Katie!" sigaw niya na ikinaismid ko, ingay ng gagu alam namang may mga kapitbahay sa paligid.
Tumalikod na ako at niready na ang mga dadalhin, ng matapos ay lumabas din ako atsaka pumasok agad sa sasakyan ni Owen.
Malaking tulong din talaga tong lalaking to makasave ako ng pamasahe.
"Let's go!" natutuwa nitong sabi na ikinatango ko lang.
"Ganda ata ng mood mo ngayon?" tanong ko at nag lagay ng lipstick at kaunting make up.
"Syempre kasama ka e." sabi niya na ikinangiwi ko.
"Lul." ikli kong sagot na ikinatawa niya. Nagkekwento lang siya ng kung ano ano at tumango tango lang ako sa mga pinagsasabi niya. Wala ako sa mood makipag usap naiisip ko palang na pinatawag ako ni sir Klayde na hihighblood ako lalo kay Zion.
Kasalanan talaga ng hinayupak na yun ang lahat.
"Ayos ka lang?" tanong ni Owen na ikinataas ng kilay ko at agad napatikhim ng maramdamang madadamay ko na naman siya sa galit ko.
"Oo, wala lang sa mood." sabi ko na ikinangiti niya atsaka tumango. Ilang minuto lang ang lumipas nakarating din kami sa hotel, pag baba ko pa lang sa sasakyan ramdam ko kaagad ang dugo kong tumaas hanggang sa utak ng may mahagip ang mata ko sa di kalayuan.
Naroon sa labas ang asungot na lalaking gusto kong suntukin ng todo, nakasandal ito sa isang bmw na sasakyan at naninigarilyo.
Tch mabilaukan sana.
Sinamaan ko ito ng tingin ng magtama ang tingin namin, kitang kita ko namang tumaas ang gilid ng labi nito bago binaba ang hawak na sigarilyo.
Inirapan ko ito at kaagad na naglakad paalis.
"Wait for me!" rinig kong sabi ni Owen na ngayon ko lang naalalang kasama ko pala. Hinintay ko siya saglit bago naunang maglakad.
"Sino yun?" tanong niya sakin na ikinalingon ko sakanya. Nagtataka ko siyang tinignan na agad niya naman nakuha.
"Yung lalaki kanina? Ang sama mo kasi makatingin sakanya hahaha nakaaway mo ba yun? O baka inaway ka, resbakan na natin." tanong niya na ikinaikot ng mata ko, iyan din kasi talaga ang minsang nakakainis niyang ugali, masyado kasi siyang echosero daig pa chismosa kong kapitbahay.
"Wala." ikli kong sagot tsaka mas binilisan pa ang paglakad.
"Luhh sino nga huyy." rinig kong sabi niya pa. Dire diretso na akong pumunta sa staff room at nag time in bago inalagay sa locker ang mga gamit ko. Magsasalita pa sana si Owen kaso iniharang ko ang palad ko sa mukha niya bago nagsalita.
"Wala ka na dun, malapit na 8 mag time in kana." sabi ko na ikinakamot nito ng batok tsaka wala ng nagawa ng umalis na ako.
"Dani!" tawag ko kay Dani ng makita ito na kakalabas palang sa elevator. 8 time out nya kaya nandito pa siya ngayon, yung assistant niya naman na si miss Luna ang mag take over mamaya sa housekeeping.
"Nariyan ka na pala dahrlinggg, hinintay ka na ni sir Klayde doon kasama niya din yung fafable na si Zion. Shett sana pala nagtagal ako dun haysss." mahaba niyang sabi na ikinangiwi ko atsaka siya tinanguan.
"Sige sige alis na ako." sabi ko naman na ikinakindat niya, pilit lang akong ngumiti at naglakad na papuntang elevator.
Pucha talaga kapag ako talaga matanggal isusulit ko na talaga ang pagharap sa kanila. Sasakalin ko talaga yang lalaking yan!
Pinindot ko na iyong top floor kung saan ang opisina ni sir Klayde tsaka naghintay ng ilang minuto. Napalunok nalang ako ng maya maya lang ay narating ko na ang top floor tsaka lumabas ng magbukas ang pinto.
Hinanap ko iyong office ni sir Klayde at ng makita ay kumatok agad ako.
"Come in."
rinig kong sabi ng isang malalim na boses, agad ko naman binuksan ang pinto at dahan dahang pumasok.
Pagtingin ko kay sir Klayde ay yumuko agad ako ng konti bago muli siyang tinignan.
"Goodmorning po sir." nakangiting sabi ko at maya maya lang ay nakarinig ako ng halakhak sa gilid dahilan para mawala ang ngiti ko kanina at napalitan ito ng gigil ng tignan kung kaninong boses ito galing.
"Sorry, I didn't know you're that polite." saad ni Zion na naroon din pala, hindi ko kasi ito napansin kanina.
Inismiran ko ito at ngumiti ulit kay sir Klayde ng pilit.
Saglit na tumaas ang kilay ko ng makitang tama nga si Dani, may itsura din talaga tong si Sir. Matangos ang ilong, medyo blonde yung buhok at maputi, diko nga lang din type medyo may pagka strikto at seryoso kasi ang mukha niya.
"I heard what happen and I apologize for what my friend did." sabi ni sir Klayde na ikinangiti ko, rinig ko namang umalma si Zion kaya nangungutya ko itong tinignan.
"The heck Klayde, I thought you'll side me!" reklamo ni Zion na ikinangisi ko pa rin.
"Yeah yeah whatever, but.." napalunok ako dahil mukhang hindi ko gusto ang sunod na maririnig ko.
"I don't like what you did there, you also showed some nasty acts that you as a employee or a housekeeper should not do." dagdag na sabi niya na ikinayuko ko.
"Im sorry po sir." sagot ko na ikinatango niya.
"I won't fire you, I'll give you another chance. Since they said you're one of the best housekeeper in our hotel."
"Naks parang hindi naman." komento ni Zion na ikinasama ko ng tingin sakanya.
"As a punishment, you'll be the one I assigned to clean this guy here's room until he leaves. This would be a great training for you to manage you anger issues to our customers." nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni sir at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Ho? Ako ang maglilinis sa silid niya? I mean trabaho ko naman yun pero put—I mean pwede naman pong sa ibang room nalang. O ibang attendants ang maassign dun sa room niya, mabait naman po ako sa ibang customer mali—" reklamo ko at napatigil ng sumingit si Zion na ngayo'y mukhang natutuwa sa narinig. At ngumisi ngisi pang tinignan ako.
"Shut it missy, it's already been decided."
"What? No! tumahimik ka nga hindi ikaw kausap ko." inis kong bulong kay Zion bago lumingon kay sir.
"Okay now I guess it's already been settle—"
"NO!" sigaw na singit ko dahilan para manlaki ang mata ko at agad tinakpan ang bibig.
"HAHAHA damn." rinig kong tawa ni Zion na ngayo'y hawak hawak ang tyan. f**k this bastard.
"I mean.. sorry po. " agad kong bawi at sumulyap kay sir Klayde na nakangisi din. Anak ng pinagtripan siguro ako ng magkaibigan na to.
"Why do you hate Zion anyway?" tanong niya na ikinahinto sa pagtawa ni Zion at hinintay ang sagot ko.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil baka may masabi akong mga mura at ibang unappropriate words na ikagalit ni sir Klayde.
"Cause he's a pervert imposter shit." bulong ko ng palihim.
"Matigas po kasi ang bungo niya. He gets on my nerves everytime I see him." sagot ko na ikinangisi lalo ni Zion.
"Ah you hate me that much, the more you hate the more you love pa naman." sabi ni Zion tumawa naman ako ng pilit at inismiran siya.
"Asa ka naman." sagot ko bago tumingin kay sir Klayde na ngayon ay tumayo.
"Hahaha okay that's enough, that's already settled alright? You may leave now miss Romualdez." sabi ni sir na ikinatango ko ng pilit.
"Pero po, shems sge sir thank you." iyon nalang ang nasabi ko at wala nang nagawa na tumalikod. Pero bago pa ako umalis dumaan muna ako sa harap ni Zion bago siya nginitian at pasimpleng tinapakan ang paa niya na ikinadaing niya.
"Damn it." mura niya at nginitian lalo si sir Klayde na lumingon samin.
"Maya ka lang talaga." bulong ko bago lumabas ng office.