KATE
.
.
"Hoy gaga! Bat mo yun ginawa? Pag iyon malalaman ni Sir Klayde naku lagot ka talagang bata ka!" sabi ni Dani, napakamot nalang ako sa aking batok dahil alam ko talagang mangyayari yan.
"I won't tolerate that kind of behavior again Kate ah." dagdag niya pa na ikinatango ko.
"Pasensya na Dani, don't worry haharapin ko si sir at tanggapin ko kung ano magiging parusa at desisyon nya." sabi ko naman na ikinahawak nya sa kamay ko tsaka tinapik ako sa likod.
"Gaga ka kasi! Bat mo kasi tinapon yung spray." natatawa niyang saad.
"Siraulo e." tanging sagot ko lang, hindi ko kasi kinukwento sakanya ang buong nangyari. Mahirap na, medyo may mali din naman kasi ako hindi ko na lock yung pinto agad HAHA.
"O siya umuwi ka na ng makatulog, si Paul na mag duduty kapalit sayo ngayong umaga." dagdag niya pa na ikinatango ko tsaka tumayo na para kunin ang mga gamit.
"The nerve, sana matanggal." napatingin kami kay Kiara na masama ang tingin na tumalikod, tch hindi ko ito napansin kaya siguro narinig niya buo kong kwento. Chismosang babae talaga.
"Pigilan moko Dani baka mapitik ko bibig non. Kanina pa yun ah, echoserang babae." gigil kong sabi, tumawa naman si Dani at hinawakan nga ako sa braso.
"Chill ka lang beh baka madagdagan kasalanan mo, matuluyan ka pang matanggal." natatawa niyang saad bago ako binitiwan. Huminga namn ako ng malalim bago pumunta na sa locker ko.
Kakagigil tong gabi na to nakakahigh blood mga nakasalamuha ko ngayon.
"Uwi na ako Dani, kapag hinanap ako ni Owen sabihin mo nagresign na ako." sabi ko na ikinatawa niya.
"Baka magwala yun hahaha." sagot niya naman na ikinangisi ko. Nagpaalam na ako sakanya at agad lumabas ng staff room.
Tinanguan ko lang iyong iba kong kasama na kakatapos lang din sa paglilinis at papasok pa lang sa staff room. Lumabas na ako ng hotel at nagpara lang ng taxi pauwi. Alas singko pa ng umaga kaya medyo madilim pa ang paligid.
Dumiretso na ako sa apartment ko at pagkarating ko pa lang hindi na ako nakapag half bath pa, diretso higa agad ako sa kama dahil sa pagod hanggang sa makatulog.
Kaka pikit ko pa lang pero nagising ako dahil nag ring bigla yung cellphone ko na nasa gilid. Naka ekis ang kilay na inabot ko ito at agad sinagot ang tawag ng hindi tumitingin kung sino ang tumawag.
"Oh sino to?" may inis sa boses na tanong ko sa tumawag.
"Hey missy you drop your handkerchief in my room—"
"Pake ko, tapon mo nalang." singit ko sa tumawag at agad binaba tsaka pumikit ulit, ilang segundo pa ang lumipas bago ako napamulat ng mapagtanto kung sino ang tumawag.
Wtf, san nya nakuha ang phone number ko??
May tumawag ulit kaya sinagot ko ito kaagad.
"Tanginamo san mo nakuha phone number kong hinayupak ka?!" galit kong sigaw at naupo.
"Woah woah awit sakit sa tenga ng sigaw mo. Ang aga aga highblood ka na."
napatingin ako sa tumawag at napangiwi ng makitang si Owen pala ito.
"Lul bat di ka nagsabi, ikaw pala yan. Oh ano kailangan mo? Pagod ako kaya sabihin mo na gusto mo sabihin." saad ko at nahiga ulit tsaka pumikit.
"Gusto kita." natatawa niyang sabi na ikinasimangot ko lalo.
Mas lalong sumakit ulo ko dahil sa kagaguhan niya.
"Tanginamo, ibaba ko nalang to."
"Joke lang hahaha chill, bat dimo sinabi sakin nag sub ka pala wala tuloy akong kasama ngayon." sabi niya.
"Arte neto, para namang ikakamatay mo pag hindi ako kasama. Nanjan naman si Janna, Jonas, at Zemy." sagot ko na ikinatawa niya ulit.
"Mas masaya kapag ikaw kasama, napupuno ng mura araw ko." sagot niya na ikina ungol ko lang.
"Yun lang ba sadya mo? patulugin mo na ako awit naman."
"Nasa labas ako ng apartment mo." sabi niya na ikinamulat ko ng mata.
"Anong ginagawa mo dito?" masungit kong sabi bago bumangon at binuksan ang pinto.
"Surprise!" sabi niya na ikinangiwi ko, nakaayos na siya suot ang uniporme niya. May kataasan si Owen maputi at medyo chinito, pogi din pero diko bet. Isa si Owen sa Bellboy at valet ng hotel alas sais pa naman kaya siguro napadaan tong mokong na to, 8 pa start ng trabaho nya.
Napatingin ako sa dala niya at napataas ang kilay na senenyasan siyang pumasok.
Nice nagdala ng jollibee at milktea.
"Nakakita lang ng dala ko pinapasok na ako kaagad, pano nalang kaya kung wala akong dala?" sabi niya at natatawang pumasok.
"Syempre! Inistorbo mo nanga tulog ko wala ka pang dalang pagkain talagang hindi kita papasukin." sabi ko na ikinangisi niya tsaka nilapag ang pagkain sa mesa. Agad akong lumapit roon at kinuha iyong isang milktea tsaka ininom.
"Nakakatampo ka na ah! Dimo din ako ininvite, nag bar pala kayo ni Mia!" sabi niya dahilan para mabilaukan ako. Pucha pinaalala pa! Pilit ko na ngang kinalimutan e.
Napaikot ako sa aking mata at pinunasan ang bibig.
"Lol buti nalang talaga wala ka, baka imbes kami ang magpapahatid pauwi baka ikaw pa unang ma knock down. Weakshit ka pa naman pagdating sa inuman ka lalaki mong tao mahina tsk tsk." sabi ko at kumuha ng fries bago ito sinubo.
"Sakit mo talaga magsalita, san ka kaya nagmana. Hindi naman ganyan ka tabas ang dila ng mama at papa mo." sabi niya at kumain din. Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
"Aabsent nalang din kaya ako?" bigla niyang sabi na ikinataas ulit ng kilay ko.
"Sira ka ba? Bakit naman."
"Napaka boring kapag wala ka, as in!" sabi niya, inismiran ko siya at tinapunan ng tissue.
"Oa ka, oa. Dami mong alam, umalis ka nanga alas syete na oh!" sabi ko at tinignan ang cellphone ko. Oh may text pala, binuksan ko ang message at napataas ang kilay ng makitang iyong sirang Zion na lalaki ang nagtext.
(09********40: You drop your handkerchief missy, I would've throw this but something interesting caught my eye.
09********40: sent a photo)
"Put—!" mura ko ng mabuksan ko ang picture. Gago! Yun yung panyo pala na nahawakan ni Zion noon nung intrams namin. Sinulatan ko pa yun ng Kate yung panyo nayon, anak naman ng.
"Ayos ka lang ba? Ano ba yan? Pa chismis din ako." sabi ni Owen at astang titingin din sana sa cellphone ko pero agad ko itong inilayo sakanya at sinamaan ko siya ng tingin.
(09********40: I didn't know you like me that much.) text niya ulit na ikinasama lalo ng paningin ko.
(Me: GAGO! SIRAULO! IBANG ZION YAN, WAG KANG FEELER. SABING ITAPON MO YAN E!) gigil na text ko pabalik.
"Lagi ka nalang galit, kung laser lang yang tingin mo sira na yang cellphone mo. Ayos ka lang ba talaga hahaha." sabi ni Owen na ikinalipat ng tingin ko sakanya at sinamaan din siya ng tingin. Nagpeace sign naman siya bago tumayo.
"Pagamit ng banyo— loh teka ano yan?" tanong niya na ikinatingin ko sakanya. May tinuro sya sa leeg ko kaya napakunot nalang ang aking noo at agad ito tinakpan.
"Kagat ng lamok adoh, umalis ka na nga." pang segway ko ng usapan na ikinatawa niya tsaka tumalikod.
(09********40: I can feel your rage through the phone missy haha. Anyways I won't throw this, this could be a good souvenir from my fan.) putangina talaga, tamo bukas ka lang. Ma suntok na talaga kita.
"Katie, aalis na ako. Ubusin mo na lang yan. Malapit na 8." napatingin ako kay Owen na kakalabas pa lang ng banyo atsaka tumango.
"Buti naman! Oh sya lumayas ka na ng makapagpahinga na ako." sabi ko sakanya na ikinailing niya.
"Kiss ko misis?" nasira lalo ang timpla ng mukha ko at agad siya pinakyuhan.
"Tanginamo kay Zion lang ako hahalik." saad ko at napangiwi ng maalalang may nakahalikan na pala ako sa bar at may isa pa akong kilalang Zion na asungot.
Wala sa dalawang iyon, dapat specific na pala. Kay Zion Fuentes lamang hahalik!
"Ouch, sabi ko nga e hahaha. O sige alis na ako!" sabi niya na ikinatango ko at kaagad sinara ang pinto ng makalabas na siya.
"Wow! Napakagaling! Di man lang ako papanuorin umalis." rinig kong sigaw niya na ikinangisi ko.
"Kaya mo nayan, malaki kana!" natatawa na sigaw ko pabalik, may sinabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan pa at nilinis na ang pinagkainan namin bago nahiga ulit sa kama.
Umilaw ulit ang cellphone ko pero hindi ko na ito pinansin pa at tinakluban ang mukha ng unan. Tama na yung nailabas kong inis, baka mangunot noo ko kapag ipagpatuloy kong makausap pa yung hinayupak na yon.
Nakatulog na ako ng mahimbing at nagising lang ulit ng mag ala una na. Kinain ko lang uli yung natirang Jollibee kanina atsaka naligo. Pagkatapos ay agad na nag ayos, gusto ko mag grocery ngayon wala na akong makain dito sa bahay.
Nilock ko na ang pinto bago nagpara ng taxi papuntang sm. Pagkarating dumiretso agad ako sa grocery at kumuha ng cart tsaka ito tinulak papuntang de latahan.
Kakakuha ko palang sa isang corn beef ng bigla nalang akong may natanggap na text galing sa asungot nayun.
(Impostor na asungot: Hey are you going to work today?) tanong nito na ipinagtataka ko, ano nanaman ba kailangan nito? Hindi ko ito sinagot at nagpatuloy lang sa pagkuha ng mga grocery.
Nag notif ulit na may text
sya kaya inis na tinignan ko ito.
(Impostor na asungot: Clean my room again
missy.)
"Tf, demanding sa dinami dami ng housekeeper ako pa talaga papalinisin." inis kong bulong at nagtipa sa cellphone.
(Me: Linisin mo mag isa yang silid mong kasing dumi ng utak mo! ) sabi ko sa text at senend ito kaagad. Hah akala niya ah, pwede naman sya mag request ng ibang tao! At haler obviously wala akong work ngayon, kung meron edi sana nakita niya ako sa hotel diba bonak na lalaki yun.
(Impostor na asungot: Nah its much better if ikaw ang maglilinis. Just follow what I said when you come back to work.)
(Me: Asa ka namang susundin kita.)
(Impostor na asungot: Should I tell Klayde about what happen last night? Or maybe uh give him a feedback that his employee is kinda rude and doesn't accept requests?) napahigpit ang hawak ko sa bote ng tubig na kinuha ko at nanggigil ang mukhang nagtipa.
(Me: As if I will believe you. Get lost asshole.) huling sabi ko at blinock ang number niya. Nagpatuloy nalang ako sa pag grocery at pagkatapos ay bumili saglit ng pagkain para pang dinner bago umuwi.
Kumain muna ako saglit pagkarating sa bahay at pagkatapos ay nag half bath. Napatingin nalang ako sa salamin ng mapansing medyo nag fade na yung mga chikinini sa aking leeg.
Potangina talaga swerte naman nong kupal na nakauna sakin at natikman niya ang dyosang katulad ko?
Hindi na rin masyadong masakit yung ibabang part, malaki siguro yung sakanya nakalimutan ko na sa kalasingan e. Chos tanginang yan, buti nalang pala talaga hindi ko na yun naalala baka masuka lang ako dahil sa nangyari. Hindi na talaga ako uulit pa.
Nagbihis na ako at kaagad lumabas ng banyo ng magring ang cellphone ko, inabot ko ito kaagad at sinagot ng makitang si Dani ito.
"Yes Dani?" tanong ko ng maaccept ang call niya.
"Huyyy gurll!!! Bad news! Pinatawag ka ni fafa Klayde! Kakausapin ka daw niya bukas! Naku naku lagot na." sabi niya na ikinangiwi ko, putanginang Zion talaga yan ginigigil talaga ako.
"Ah okay, sabihin mo pupunta ako bukas before duty ko." sabi ko at agad binaba ang tawag para iunblock si Zion atsaka siya tinawagan
"Tanginamo talaga! Ano ba kailangan mo sakin ha?" inis kong sabi ng sagutin niya ang tawag ko, rinig kong tumawa siya ng mahina bago sumagot.
"I knew you'll talk to me back hahaha." mababa ang boses na sabi niya at napalunok nalang ako dahil ang manly ng bos— iw manly my arse.
"Bastard." tanging na sabi ko at masama ang tingin na ipinukol sa pader.
"Hmm.. I know that already."
"Stop pestering me! damn you're really getting on my nerves." inis kong wika.
"You did it first now it's my turn." huli niyang sabi bago binaba ang tawag, nagtaka naman ako sa sinabi niya at agad inambahan ang cellphone na suntukin.
Grrrr.. bukas ka lang!