Chapter 1: Elevator

1999 Words
KATE . . "Aray ang sakit ng ulo ko putanginaaa!" daing ko ng magising ako kinaumagahan, hinihilot ang noo na nagmulat ako ng mata bago tumingin sa paligid. Ah nasa condo pala ako ni Mia, pano nga pala kami nakauwi? "Hoy babae bangon kana jan kumain ka na! Nag luto na ako ng ulam sa kusina, bilisan mo na jan may dapat kapang ikukwento sakin!" umalingawngaw ang boses ni Mia sa tenga ko dahilan para mapapikit ulit ako at agad nagtalukbong ng unan sa tenga. Napangiwi ako ng mapansing masakit ata ang aking katawan tsaka dahan dahang tumayo. "Put— ansakit ng katawan ko Mia!! Kasalanan mo to! Bat mo kasi ako dinala pa sa bar!" dumadaing kong sigaw kay Mia na hindi ata ako narinig dahil hindi ito sumagot. "Anong nginangawa mo jan! Maghilamos ka na at kumain!" biglang sulpot niya sa kung saan. Dahan dahan akong naglakad papuntang banyo atsaka naghilamos doon, nagsepilyo na rin ako at pagkatapos ay dumiretso na sa kusina. Pagkarating ko doon ay nagsimula na ring kumain si Mia, kaya naupo na ako sa harap niya. "Paano tayo nakauwi kagabi?" tanong ko sakanya at tumuhog ng isang hotdog sa plato. Tinignan niya ako ng matagal hanggang sa iyong mata niya ay sumingkit. "What?" nagtataka kong tanong sakanya. "Anong nangyari sainyo nung lalaking Zion na nakita mo sa bar?" nang aasar niyang sabi na ipinagtataka ko. "Lalaki? Si Zion? Anong pinagsasabi mo jan? Hindi ko pa nakita si Zion." sabi ko at kinagat iyong hotdog. "Eh sino yung lalaki? at ano yan?" sabi niya sabay turo sa bahagi ng dibdib ko na agad kong hinawakan, wala naman ah. "Pati din yan? Tapos iyong pag tawag sakin nung lalaking lagi mong bukambibig na pangalan ay si Zion?" dagdag niya na ikinangiwi ko tsaka tumayo para puntahan iyong oversize na salamin. Tinignan ko iyong tinuro niya at nanlaki nalang ang mata ng makitang may namumula roon. "WHAT THE f**k!?" sigaw ko at sinilip ang loob ng damit. Napamura ako ng ilang beses ng makitang hindi lang isa kundi more than 5 pa ang nakita kong namumula sa aking katawan! "Ano? ano? ano? Di mo naalala ano? Ayan kasi! Lasinggera ka kasi." pagsisingit ni Mia na nasa sala pa rin. "Tanginamo sino ba ang nag aaya kagabi? Kagat ng lamok lang yan." balik kong sabi tsaka naglakad pabalik sa upuan. "Laki naman ng kagat nayan HAHAHA. Oh wag mong ibalik sakin nag agree ka kaagad nung una ko pang aya sayo. " sabi niya at dinuro duro niya pa ako sa hawak niyang kutsara. Inismiran ko lang sya atsaka napatulala nalang habang inaalala ang nangyari kagabi. Pucha hindi ko talaga maala— "Does my name really turns you on?" "f**k me Zion.." napatakip ako kaagad sa aking bibig at napahampas sa aking noo ng may maalalang mga linyahang hindi ko na dapat inalala pa. "Putangina Mia, naisuko ko ata ang aking bataan." namomroblema kong sabi na ikinatawa niya, inabot niya ang cellphone niya ng magnotif ang messenger niya atsaka natatawa pa rin akong sinulyapan saglit. "Masarap ba? Mukhang pogi din naman ata yung lalaki na napili mo." komento niya na ikinaismid ko, aba sinuportahan pa iyong hindi namin pa kilala. "Tangeks! Feel ko hindi si Zion yun!" sabi ko at dinurog durog yung itlog na nasa plato. "HAHAHA hindi talaga! Baka kapangalan niya labg. Hindi ko masyadong nakita ng malinaw iyong itsura pero mukhang hindi nga si Zion yun, payat si Zion ah matipuno yung nakasama mo." aniya na ikinatango tango ko tsaka mas lalong dinurog ang itlog. "Inang kalandian to, imbes nirereserba ko ang keepie kong to para sa kasal namin ni Zion naibigay pa sa iba!" nagsisisi kong sabi atsaka hinampas ang noo sa lamesa. "Huyyy speaking of Zion, may reunion next week sa section nating lahat nung grade 10!" sabi ni Mia na agad na ikinanlaki ng mata ko tsaka siya tinignan. "Hoyyy seryoso??" sigaw ko na ikinatango niya tsaka ipinakita sakin ang kakagawa lang na gc kung saan naka add kaming lahat na dating magkaklase. Sinearch ko kaagad ang pangalan nya at ayun nakaadd narin siya. "Foc it! Wala na wala naaa! Kahapon pa ba to??? Bat hindi mo sinabiii!!!" sigaw ko atsaka binasa ang mga chats doon. Nanlaki ulit ang mata ko ng makitang nagchachat si Zion doon at nagsabing dadalo nga ito sa event, putangina talaga! Nawala na ang chance kong maangkin siya! "Tama ka na beh, akin nayang cellphone ko. Sobrang obssess kana ata jan sa crush mong hindi ka naman gusto. Tagal mo ng crush yan ah nung grade 10 pa? Gosh! Graduate na tayo ng college crush mo pa rin yan, bat di nalang iyong si hottie boy shotain mo mas bagay pa kayo." mahaba niyang sabi. Nakasimangot lang ako habang pinaglaruan ang pagkain na nasa harap, nawawalan na ako ng ganang kumain. Nakakapangsisi! Ah! Ano nalang ang maihaharap ko na mukha sa kanya? "Hindi naman na siguro kami magkatagpo ng landas nung lalaking nakita natin sa bar ano?" tanong ko sakanya na ikinatango tango niya. " Siguro, malawak naman ang mundo. Pag magkita kayo ulit gawan niyo nalang agad ng round 2." natatawa niyang sabi na ikinasama ko ng tingin sakanya tsaka tinapunan siya ng isang butil ng rice. "Siraulo ka talaga!" sabi ko sakanya na tumatawa lang. "Mas siraulo ka, wag mong paglaruan ang pagkain! Awit nito." saad niya at niligpit iyong pinagkaininan niya. "Wala ka bang pasok ngayon?" "Wala, sasama ba ako sayo sa bar kung meron?" masungit kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain, tumawa lang siya tsaka naghugas ng pinggan. "Isali mo na tong akin Mia, gusto ko ulit matulog." sabi ko sakanya na ikinangiwi niya. "Oo na, matulog kana ulit mahal na prinsesa! May pasok din ako mamaya kaya baka pag gising mo wala na ako. Lock mo nalang ang pinto pag aalis ka." sarkastiko nitong sabi na ikinangiti ko ng malawak tsaka tumango bago naglakad patungo sa kwarto niya. Buong araw lang akong tulog sa kwarto ni Mia, umalis lang ako ng mag dapit hapon na at umuwi sa apartment ko. Hindi pa ako napahiga ay may nag text agad sakin. (Visor naming boang: Kate! Need your help. Andaming guest today, pwede ka bang mag sub sa night shift? Tatlo kasi absent ngayon at kulang tayo ng Room attendants.) Napamura ako dahil masakit pa ang ulo ko at hindi ko kaya mag trabaho pag ganito. (Me: Ayoko baks, may hang over pa ako inang to wrong timing.) reply ko pabalik tsaka inintay itong magreply. (Visor naming boang: Daliii naaa promise bibigyan kita ng reward! Hindi yung katawan ko ah? Kahit ano gusto mo ibibigay ko plus may dagdag income ka pa o shala diba.) napaisip naman ako kung anong gusto ko at tamang tama lang dahil kaka pop up lang ng chatheads sa gc na reunion next week. (Me: Sure ba yan? Pag ba hihiling ako ng iphone 12 bigyan mo ko?) (Visor naming boang: Ay wow sosyal mo ah, hindi nanga makakain ang bakla pabibili kapa ng iphone.) (Me: Sabi mo kahit ano e. Grabeng supervisor to,ikaw lang siguro supervisor ng hotel na mahirap. O sya next week sa Saturday may reunion kami ipag day off mo ako.) nakangiti kong pag send. (Visor naming boang: Oo na! Bilisan mo na jan, maraming tao ngayon. May special event pa na magaganap sa function room later and tomorrow. Nagbook sila ng maraming rooms.) huli niyang txt. Napailing nalang ako, buti nalang talaga hindi mastrikta tong supervisor namin at madali lang itong pakisamahan. Napabuntong hininga nalang ako at pilit na tumayo tsaka naligo. Alas singko palang at mostly 7 pm ang inn ng night shift. Nagbihis na ako ng uniform tsaka uminom muna ng gamot pampawala ng sakit sa ulo bago umalis ng bahay. Sumakay nalang ako ng taxi dahil mukhang maiipit ako sa daan kapag magjejeep pa. Ng makarating sa hotel dumiretso na ako sa staff room at agad nag time in, sakto lang din dahil pumasok iyong night supervisor namin kasama iyong isa ko pang kasama sa room attendant. "Katie dear, inassign ko na si Rona dun sa first floor, si Isha sa 2nd floor at etong si Diana sa third floor. At ikaw sa Vip rooms, okay ba?" sabi ni Danilo aka Dani, tumango ako atsaka sumabay sakanilang lumabas ng room. "Bat tatlo lang sila? San yung dalawa?" tanong ko kay Dani. "May emergency yung isa, yung isa naman nagsasakit sakitan! E nakita ko myday niya kakagaling niya lang sa pagligo ng dagat. Kakagigil e, ni hide nya nalang sana md niya ano para kapani paniwala rason nya. Nakakastress, o sya umalis na kayo marami pa akong haharapin." sabi ni Dani na ikinatawa namin ni Diana. Pumunta na kami sa Linen room at agad kinuha ang kanya kanya naming trolley. May nakahanda ng mga malilinis na bedsheets, towels, pillowcase at table clothes doon kaya agad na akong nag kuha. Natuwa pa ako ng maalalang sa Vip rooms pala ako naka assign, yan kasi minsan iyong walang masyadong lilinisin kasi kaunti lang naman ang rumerenta doon lalo na sa gantong panahon. "Mauna na ako Kate." pagpaalam ni Diana na ikinatango ko. Pagkatapos kong makuha ang mga dapat kong kunin ay agad ko ng tinulak ang trolley ko palabas ng silid atsaka dumiretso sa elevator. Naghintay muna akong bumaba ito at agad napalingon sa front desk ng may maraming mga tao ang naroon na magchecheck in. Buti nalang talaga room attendant ang inapplyan ko, baka mapapamura ako kapag ako ang nanjan sa front desk dahil sa sobrang stress at daming tao. Ting Pumasok na ako at saktong sakto lang dahil walang tao sa loob mapag isa ko ang luga— Napalunok ako ng may makitang lalaki na papalapit dito. Matipuno ito at matangkad, may itsura din pero ekis pa rin kapag hindi si Zion yan. Awit akala ko masosolo ko na tong elevator. Nagmadali itong lumapit habang may kinukuha sa maliit nitong bag, ng makalapit siya at nagtama ang aming mata ay nagtaka ako ng makitang gulat ang ekspresyon niya akong tinitigan. Medyo matagal din nya akong tinitigan dahilan para mapataas ang kilay ko. "Papasok ka ba o hindi?" medyo may irita na sa boses ko, hindi pa rin ito nagsalita kaya hindi ko na naiwasan pang ipakita sakanya ang irita kong ekspresyon tsaka pinindot iyong close button. Mukhang natauhan din ito ng unti unti ng sumarado ang pinto tsaka ngumisi. Creepy naman nito, pumasok na nga siya sa loob tsaka sumulyap ulit sakin. Tinaasan ko siya ulit ng kilay, anong problema ng lalaking ito? kapag talaga nakaka engkwentro ako ng mga ganitong lalaki ay hindi ko talaga mapigilang magsungit bahala na kung anong masabi nito sakin. "What?" masungit kong tanong na ikinangisi nito ulit hanggang sa unti unti itong napatawa ng malakas. Napasimangot ako tsaka ito inirapan, humarap siya sakin at unti unting lumapit dahilan para mapakunot ang aking noo at agad kinabahan sa inaakto niya. "Do you remember me?" tanong nito na ipinagtataka ko, sabog ba to? Ngayon ko pa ngalang sya nakita tapos naalala ko daw ba sya? "No and I don't want to remember you if ever we encountered already." sagot ko na ikinangisi nito ulit tsaka humakbang nanaman papalapit. "Ah I understand, since you're not in your state of mind that time." natatawa nitong sabi, hindi ko parin ito naintindihan nagkita na ba kami nito? O baka gumagawa ito ng kwento? Karamihan pa naman sa mga modus ngayon ganun ginagawa. "Ano bang problema mo? Umatras ka nga, irereport talaga kita sa security namin." pagbabanta ko sakanya, he chuckled then may tinignan sa dib dib ko dahilan para mapatakip ako roon. "Perv!" sigaw ko sakanya tsaka mas lalong umatras, tumawa lang siya ulit bago tumalikod at agad lumabas ng elevator ng bigla na itong bumukas, pero bago pa sumarado ito ay nakangisi niya ulit akong tinignan. "Nice name by the way, see you around missy." huli niyang sabi dahilan para takpan ko muli iyong tag name ko na nasa kaliwang dibdib. Gagu yun ah, lakas ng trip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD