KATE
.
.
Pucha sinabi ko ba kaninang madali lang linisin ang vip rooms? pwes nagkakamali ako.
Eto ata ang mas pinakamaruming kwarto kesa sa first, second, at third floor na mga kwarto. May walong vip room kasi at tatlo lang ang occupied. May lilipat rin bukas sa mga available na vip rooms kaya nga eto nililinis ko.
Napangiwi akong iniistretch ang braso ng makalabas ako sa pangatlong silid, grabe na to sakit ng likod ko.
Malapit na mag aalas dose ng gabi at break time na namin pag midnight na, dumiretso na muna ako sa Linen Room para ilagay ang trolley na dala tsaka ito tinutulak na inilagay roon. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa staff room para magbihis ng damit saglit bago kumain ng snacks sa sarili naming canteen.
"Oh ayan na pala si Kate." napatingin ako kina Diana ng banggitin nila ang pangalan ko pagkapasok sa staff room tsaka sila tinaasan ng kilay.
"Beh may naghahanap sayo kaibigan mo raw. Mia pangalan, hintayin ka daw niya sa restobar ng hotel." sabi ni Isha na ikinatango tango ko.
"Ano daw sadya?" tanong ko saka dumiretso sa locker ko para kunin iyong iba kong gamit.
"Hindi sinabi e." saad ulit ni Isha na ikinatango ko ulit tsaka dumiretso sa banyo para magbihis. Pagkatapos ay tinawagan ko si Mia habang naglakad papalabas ng silid.
"Hoy anong kailangan mo? Hating gabi na ah bat kapa pumunta rito." pasigaw kong sabi at napangiwi ng makitang pinagtitinginan ako dahil sa lakas ng boses.
(Ganda ng bungad wala man lang hi o hello, punta ka dito inom tayo.) sabi niya na agad kong ikinasimangot.
"Lol may trabaho ako ano kaba, papunta na ako." sagot ko sakanya na ikinatawa niya ng malakas, lasing na ata tong babaeng to. Hindi na siya nagsalita kaya binaba ko na ang tawag.
Dali dali kong pinuntahan siya at ng makarating sa resto bar nakita kong nandoon siya sa tabi may kausap na lalaki at kaunti nalang maghahalikan na silang dalawa.
Landi talaga nito.
"Hoy babae! Anong ginagawa mo dito? Ikaw naman umalis ka nga jan! May jowa nayan chupi ka." sigaw ko tsaka sinamaang pinaalis iyong lalaki na kasama niya.
"Uy Kate beshyyy ikaw na pala iyan." lasing niyang sabi at tumatawa pa na hinampas ako sa braso.
"Bakit naglalasing ka nanaman? Nag away ba kayo ni Kurt?" tanong ko na ikinatutok niya sa boteng hawak tsaka tumango tango.
"Ano nanaman pinag awayan niyo? Wag mo sabihing nag cheat sya?? Kakalbuhin ko talaga yun kapag ganun." sabi ko at tumikhim kaunti ng ininom niya.
"Hindi ah, loyal yun noh. Inaway ko siya kasi hindi niya ako sinundo kanina! Nakatulog daw siya dahil kagagaling niya lang sa Cebu." nagmamaktol niyang sabi at agad ni power off ang cellphone ng may tumawag roon.
"Anak naman ng, parang yun lang inaway mo na? Malay mo napagod sa byahe! Ano ka ba naman." panenermon ko na ikinasimangot niya, minsan din talaga maarte tong babaeng to.
"Tatawagan ko iyon para ipakuha ka, teka lang." sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa bag, umasta siyang pipigilan sana ako kaso lasing na nga ata siya dahil hindi na siya makapagsalita ng maayos at kinukurap kurap niya na ang kanyang mata.
"Oy lalaki, nandito shota mo sa Restobar ng Sandiego Hotel. Lasing at nagmamaktol punta ka nalang dito para kunin siya. Bilisan mo daw gusto niya daw madiligan." sabi ko at narinig ko nalang ang tawa nung shota ni Mia bago ito binaba.
"Gasghu khabtalagas Kate." sabi niya na ikinangisi ko atsaka tumingin sa paligid, nawala yung ngisi ko ng may kalalakihang dumating at isa na roon ay yung si elevator boy na nakatingin na pala sakin. Ngumisi ito bago ako kinindatan dahilan para samaan ko ito ng tingin bago umirap.
Feeling close amputa, creepy pa.
Tumawag nalang ako ng waiter at nag order ng makakain at mainit na sabaw para kay Mia.
Hindi rin ito agad nagtagal kaya pinakain ko na iyong isa at kumain na rin ako.
30 minutes nalang ang break time ko nang dumating na iyong shota ni Mia. Agad niya na ito inalalayan bago ako tinignan.
"Kate una na kami ah, salamat sa pagbantay sakanya." Sabi nito na ikinatango ko.
"Ingat kayo, sabihan moyan bukas may utang sya sakin. Gumamit kayo ng protection ha, gusto ko na maging ninang pero bata pa kayo kaya wag muna." sabi ko na ikinatawa lang nito tsaka sila tuluyang umalis.
Pinagpatuloy ko nalang kainin iyong sweets na binili ko tsaka napatingin sa paligid ng maramdamang may nakatingin sakin, napahinto ang tingin ko sa may bar counter at napataas ang kilay ng makita ko nanaman iyong lalaki na nakasabay ko sa elevator kanina na nakatitig sakin.
Ano bang problema nito? May hawak siya maliit na baso habang pinapanood akong kumakain, o ako nga ba? Lumingon ako sa magkabilang side ko baka kasi may tinitigan lang sya doon ngunit wala naman, paglingon ko ulit sakanya ay tumawa ito ng mahina dahilan para irapan ko ito at agad na tumayo.
Kita kong napahinto ito sa pagsasalita sa kasamahan niya ng tumayo ako tsaka naglakad na palabas.
Hindi ko alam kung paranoid naba ako pero dali dali akong tumakbo palabas ng Restobar at agad dumiretso sa staffroom, napangiwi pa ako ng may mabangga ako sa braso at agad ito hinimas.
"Anak naman ng.." bulong ko at tinignan iyong nabunggo ko.
"Para kang hinabol ng multo inday." sabi ni Dani na siyang nabangga ko, nag peace sign agad ako atsaka ngumiti ng malawak.
"Break time mo na ba?" tanong ko sakanya na ikinatingin niya sa orasan tsaka tumango.
"Yes gurl, o sya time in mo na chupi kana mag boboyhunting ako saglit sa restobar." sabi nya na ikinanlaki ng mata ko.
"Hoy! hahahaha kapag malaman yan ng nakakataas lagot ka talagang bakla ka." sabi ko na ikinangisi ngisi niya lang tsaka nag flip pa ng buhok kahit wala naman non.
"Okay lang iseseduce ko nalang yung CEO para malakas kapit ko, chars hoy bumisita iyon kanina with his friends!" sabi niya at tumingin tingin sa paligid bago lumapit sakin.
"Pogi niya anteh! Makalaglag panty. Mga friends nya pa mga bigatin! Iyong isa nga niyang friend nag check in doon sa vip room sure ako makikita mo yun hihi." dagdag niya pang sabi na ikinanlaki ng mata ko, hindi ko pa nakita yung ceo dito.
"Anong room ba? Nang mabisita ko." bulong ko sakanya bago kumindat at umayos ng tayo tsaka ngumiti sa mga guest na dumadaan.
"Hindi ako sure, ayy mga vacant rooms lang pala lilinisin mo. Tsk tsk no choice ka, mag dasal ka nalang na mag request yun ng clean up sa room nya nyahaha." nakangisi nitong sabi na ikinasimangot ko. Nagpaalam rin siya ng ilang sandali kaya wala na akong nagawa kundi bumalik ulit sa staff room.
Saktong pagkarating ko pa lang sa staffroom ay syang pagdating din ni Diana.
"Boring pala magtrabaho ng nightshift, nakakaantok lalo pag walang poging makita." sabi ko na ikinatawa niya.
"Malamang tulog na yung mga tao, yaan mo makakita ka rin mamaya. Anong room ka ba naglilinis kapag umaga?" tanong niya habang may kinuha sa locker niya.
"Random lang beh mekus mekus lang mas marami kasi lilinisin sa umaga. Hindi na kami magkamayaw sa gawain, badtrip pa dahil ako lagi pinapalinis don sa pinakamaruming kwarto." saad ko at agad na nagbihis ng uniform ulit.
"Maganda din kasi performance mo, di na ako magtataka kung maging executive housekeeper ka one day. O di kaya ay bat di kanalang mag switch, dun ka sa front desk oh maganda ka naman tas soft din yung boses kung walang kaaway HAHAHA." sabi niya na ikinangiwi ko.
"Iw no never baka makahambalos pa ako ng mga tao dun, minsan pa naman masasakit sa ulo ang ibang guest." sagot ko na ikinahalakhak niya ulit.
"Wag talaga! Baka sunod kang awayin ni Kiara, insecure s**t panaman yun ayaw malamangan. Hindi naman maganda." panlalait niya dun sa nakassign sa front desk na ikinatawa ko tsaka lumingon sa pintuan para siguraduhing walang nakarinig.
"Hinaan mo boses mo oy baliw to Hahahaha." tawa ko na ikinangisi ngisi niya lang.
"Asus dapat niya lang marinig, dami niya ng inaway na mga staff dito dahil ayaw niya magpalamang. Iniunderestimate pa niya yung trabaho nating nga housekeeper. Janitor lang daw tayo, nila 'lang' niya lang ampota." gigil niyang sabi na ikinatawa ko, pati ako nanggigil din sa narinig.
"Yaan mo pag marinig ko galing sakanya yan hilahin ko kaagad yung buhok para sayo." sabi ko na ikinaapprove niya tsaka ngumiti.
"Yan gusto ko yan! Kaya siguro hindi ka kinakanti non kasi alam niya bugbog abutin niya pag ikaw aawayin." natatawa nitong sabi, napailing nalang ako bago kumuha ng panyo at inilagay sa bulsa.
"O siya mauna na ako ah, malapit na time in ko." sabi ko sakanya na ikinatango niya tsaka nagpaalam. Napabuntong hininga nalang ako pucha sakit ng ulo ko, tagal ng oras! Gusto ko na umuwi.
Dumiretso na ako pabalik sa linen room at pagkarating ay nadatnan ko roon si Jules, siya yung nakaassign sa laundry valet ng night shift.
"Uy himala ah night shift ka na ngayon?" tanong nito na ikinangiwi ko rito.
"Hindi noh, nakipag sub lang nakakastress kapag gabi mag linis." sabi ko na ikinatawa niya.
"Sayang naman."
"Bakit naman?" tanong ko tsaka kumuha na ng ibang bagong mga pillowcase, bedsheets at towels.
"Wala lang, sabagay din wag pala talaga baka malungkot si Owen pag mag nanight shift ka. Ikaw pa naman inspiration non HAHA." panunukso niya bago humalakhak.
"Loh baliw maissue to oh." sagot ko na ikinangisi ngisi niya lang at tinginan ako ng may panunuya.
"Hahahaha maissue talaga kasi halata naman gusto ka non manhid ka kasi. " sabi niya pa tsaka ibinigay sa kin ang ibang mga toiletries, susi at panglinis na need sa room.
"Nyenye tama ka na iha, aalis na ako." natatawa kong sabi na ikinatango niya.
Dumiretso na ako sa taas ulit kung saan ang mga vip rooms, dalawang rooms nalang rin naman ang lilinisin ko kaya payts na to pwede na ako makauwi pagkatapos nito.
Inabutan ako ng dalawa at kalahating oras bago natapos ang paglinis napakamot nalang ako sa ulong naupo sa sahig ng last na vip room at napabuntong hininga.
Para akong nakipagbakbakan beh tumulo tulo na pawis ko, kung pwede lang pindutin yung aircon dito ginawa ko na. Kinuha ko iyong panyo ko tsaka pinahid ito sa noo bago ko inayos ang mga gamit ko at agad inilagay sa trolley. Siniguro ko munang wala akong naiwan bago lumabas sa silid at agad ito isinara. "Hays salamat makakauwi na rin sa wakas!" bulong ko at pumunta na pabalik sa LR para isauli iyong mga gamit na dala ko bago dumiretso sa staff room. Kakarating ko pa lang doon ay agad na akong napahinto ng makita si Dani na para bang kanina pa naghintay doon.
Napatingin ako sa front desk area ng mapansing may nakatitig sa akin at napataas nalang ang kilay ko ng makitang nakatingin sakin si Kiara at masama ang tingin nito.
Hindi ko nalang ito pinansin at binaling nalang ang tingin kay Dani na nanlaki ang mata ng makita ako.
Agad niya akong hinila papasok sa staff room na ipinagtataka ko.
Anong problema nito?
"Gurlll! Nagdilang anghel ang dila ko kanina!" sabi niya na ipinagtataka ko.
"Saan don? Yung maseduce mo yung ceo? Hala ngi pangit ng taste ng ceo." sabi ko na ikinasimangot niya, tumawa naman ako tsaka siya tinapik sa braso.
"Gaga hindi! Nag request ng clean up yung kaibigan ng ceo! At alam mo kung anong mas nakakagulat?" sabi niya na ikinatango ko tsaka hinintay siyang magsalita.
"Nagrequest yung friend niyang IKAW daw ang mag linis doon."
"ANO? Anak naman ng gusto ko na umuwi! Pwede bang sa iba nalang siya magrequest?" gulat kong sabi.
"Hindi pwede gurl, kaibigan ng ceo nayan bawal tanggihan. Swerte mo naman uy! Sana ako nalang yun hihi, teka pano ka niya nakilala? Kilala mo?" natutuwang sabi ni Dani at saka niyugyug pa ang braso ko.
"Aba malay! Hindi ko nga kilala yun! Ah kaya pala matulis tingin ni Kiara sakin kanina tsk. Teka alam mo ba pangalan nong kaibigan niya?" tanong ko sakanya na ikina tingin niya sa kisame.
"Uhmm ano nga ulit pangalan non? Son? Cion? Ahh Oo naalala ko na, pangalan ata non.. Zion."
Fuck!