On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 86 MAKI- POV Sa dilim ng gabi, kahit walang bituin at buwan sa kalangitan ay mayroon pa ring liwanag. Yung liwanag na yon ay galing sa isang bituin na pilit nagniningning para sa akin. "Alam mo ba kung bakit sinabi ko na favorite area ko to? kasi tahimik talaga dito, madalas wala yung mga kapitbahay ko kaya pag frustrated ako, galit ako at malungkot ako, dito talaga ako pumupunta. Kahit kausapin ko pa yung sarili ko, tanungin ko ang Diyos sa sitwasyon ko, magsisigaw ako dito o magmura pa ko ng todo todo walang makakarinig sa akin, walang mgagalit at lalong walang mga camera na magpa flash para gawin akong headline bukas." "Gustong gusto ko rin dito kasi, sa ganda ng tanawin dito nakakapag compose pa ko ng mga kanta ko, naka

