On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 85 MAKI- POV Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatanaw sa buong syudad. Mula sa lugar na kinatatayuan ko ay napagmamasdan ko ang malungkot na kalangitan. Bukod kasi sa madilim ito ay wala man lang makikitang bituin kahit ang buwan ay tila nagtatago din. Tanging yung liwanag na nanggagaling lang sa mga naglalakihang gusali sa paligid at ang ingay ng mga sasakyan na nagdadaanan sa highway ang tanging bumubuhay sa paligid. Nakakatuwang panuorin yung mga sasakyan dahil parang mga alitaptap sa li-liit at mga nag iilawan. Tapos pag naman tingin ko sa gawing ibaba ay matatanawan ko naman ang malaking swimming pool na kulay bughaw. May mga mangilan ngilan ding tao ang nagswi-swimming kahit pa nga ba ang ginaw gin

