On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 84 MAKI- POV Napahinto ako sa paglakad ko. Tapos ay napapikit ako ng madiin ng marinig ko ang mga sinabi ni Nicole. Nag iilusyon lang pala ako ng sabihin ko na sa wakas ay matatapos na ang kalbaryo ko. Dahil kung kailan ako umasam ay saka naman sya parang isang kabute na bigla bigla nalang na susulpot sa likuran ko na tila nagbabadya na naman ng gyera ang bruha na to. "Sa sobrang kapal ng mukha mo, hindi mo man lang makaya ang iharap yan sa akin? Ano Katrina? Nagandahan ka ba sa party ni Papa? Ay sorry ha, hindi ka nga pala invited! pero teka, kung hindi ka invited, bakit nandito ka?", pagtataray at sarcastic na sabi niya. Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Kahit masama sa loob ko ay hinarap ko na din sya.

