On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 83 MAKI- POV Para naman kasi silang perfect couple sa itsura nila. Pareho silang gwapo at maganda. Nanibago man ako sa hindi pang aaway sa akin ni Angel ay parang lihim na din akong nagpasalamat. Atleast ay hindi na sumakit pa ang ulo ko sa kanya. "Hanga talaga ako diyan kay Angel eh. Biruin mo after ng mga issue sa kanya kahapon na nakikipag harutan sya kay Justin sa bar habang lasing na lasing, ngayon ay fully recovered na. Jusmeo, nakita mo ba yung mga pictures na nagkalat sa internet at sa mga tabloid? grabe talaga!", chika sa akin ni ate Cha na nakasunod din pala ng tingin kay Angel. Totoo nga ang sinasabi niya. Nabalitaan ko din yung iskandalo na sinabitan ng pangalan niya. Sobrang huling huli na nga

