On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 82 MAKI- POV Para mawala kahit papano ang mga agam agam na nararamdaman ko kanina pa sa dibdib ko, ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang papasok kami sa Convention Center. Dito kasi ginaganap ngayon ang kaarawan ng isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Ang Papa ko. Kaya nga lang... Sa kasamaang palad ay hindi naman talaga ako invited. Nagkataon lang na may trabaho ako ngayon dito. Kung hindi ay baka hindi man lang ako nakatapak sa lugar na to. Sa pintuan sa likuran kami nagdaan kaya hindi ko naman nakita ang itsura ng buong bulwagan. Pagpasok pa lang namin ay umalingawngaw na ang ingay. Mukhang nag start na ang kasiyahan dahil may mga nagpe-perform na sa stage. Madam

