Chapter 1

1908 Words
On-The-Love Training midnyt_princess March 29, 2016 CHAPTER 1   MAKI- Point of View     Beep Beep Beep!   Alam mo ba kung ano ang isa sa pinakanakakainis na pangyayari sa buhay ng isang estudyante? Iyon ay ang mag-effort na gumising nang maaga. Tapos ay male-late lang din pala nang dahil sa traffic. "Ano na naman kaya ang dahilan ng traffic ngayon? Asar naman talaga oo!" Iyan ang madalas na himutok ko tuwing umaga. Paano naman, 48 years na yatang hindi gumagalaw ang mga sasakyan sa kalsada.   Inip na inip na talaga ko.   Maya't maya na nga ang ginagawa kong pagsulyap sa wrist watch ko.   Beeeppp!!! Beeeppp!!!!!   Muli kong pinindot ang busina ng sasakyan ko at nakipagsabayan na talaga ko sa mga driver na matagal na ring naipit sa traffic. ‘Yung para bang sa ganitong paraan ay mababawasan ang inis na nararamdaman.   Matagal ko nang reklamo ang mag-taxi at ma-traffic, kaya nung nag-debut ako last year at binigyan ako ng sarili kong sasakyan, akala ko mas magiging okay ang lahat basta mas aagahan ko lang ang alis ng bahay ay okay na.   But its a big NO! Dahil kapag nilayuan ka ng swerte dahil kahit sobrang aga ay may traffic pa din.   I sigh.   Tapos naisipan ko na lang mag-music.   Pantanggal din ng inip. I usually listen sa mga songs nila Avril Lavigne, Michelle Branch and some pop and punk music. Kaya lang wala pala ang usb ko sa fort, kaya nag FM radio na lang ako. Nakailang turn din ako ng button bago ako nakasagap ng descent signal.   "Yeah, it’s for them to find out," sabi ng lalaki sa isang interview.   Tapos ay natatawa pa sya.   Nagpa-plug siya ng something about sa career nya.   "Let see then, siguradong maraming girls ang nag-aabang n’yan! Syempre, alam naman nating lahat na ang kaharap ko ngayon, bukod sa napaka gwapo ay isang sikat na singer/ song writer, composer, dancer, model... ah ano pa ba? You can also do rapping! Alam mo napanood ko ‘yung segment na yon ha! Ang galing mo, promise!! Ang talented mo talaga," madaldal at kinikilig na sabi ng DJ.   "Thank you, but I think, that's too much," ang pa-humble at natatawa na namang sagot ng lalaki.   "Mga kaibigan, nagba-blush na siya! Sayang at ‘di n’yo makikita! Ah Jin, baka pwede mo naman kami sampolan ng kahit isang maikling kanta bago tayo tuluyang magpaalam," hiling ng DJ   "Sample, sample!" sigawan ng mga pabebeng audience na nasa radio station din.   Natawa naman ang lalaki at nagpaunlak.   Palakpakan at tilian na naman.   "Okay, guys! let’s hear it again from the one and only Genius Prince- Jin Chua!"   "Okay... uhm," bwelo ng lalaki.   Katahimikan.   Then he started singing...   Nakinig ako sandali sa kanta.   Maganda naman ang boses niya kahit sa acapela. Kinakanta niya ang chorus ng kantang Jealous ni Nick Jonas na isang synthpop. When he made a cover of that song ay halos maya't maya yata ay naririnig kong pinapatugtog kung saan saan. At may mga todo adik pa na ginagawang ringtone.   "We love you Jin!" sigaw ng mga adik.   Este ng mga fans pala.   I rolled my eyes and I turn off the radio.   Actually…   Im not against naman sa mga popular na tao. So hindi ako matatawag na 100% insecure. Wala pa lang talaga ako nakikitang ia-idolize sa mga artista, dancer o singer lalo at hindi kay Jin Chua. Ang mama ko lang at ang mga jologs kong mga kaibigan ang super duper fanatic.   A fan, or fanatic sometimes also called aficionado or supporter, is a person who is enthusiastically devoted to something or somebody, such as a band, a sports team, a book, a movie or an entertainer.   What's there to like ba naman and get crazy over with, ‘di ba?   Gwapo at magaganda?   I mean what's the big deal?   It's very natural!   Artista nga, ‘di ba?   Trabaho nila ‘yon.   Talented?   Madami namang may talent na hindi artista. Tapos halos maubos ang time, effort at memory ng lahat ng gadget mo mai-save mo lang ang lahat ng pictures at videos nila. Tapos aalamin mo lahat ng mall tours nila, guestings at susundan na daig pa ang pambansang stalker. Pati kamag-anak nila interesado ka, para lang makilala mo silang maayos.   “Eh ikaw ba kilala nila? ‘Di ba hindi? Pero hindi naman ako sobrang AP, ha. AP means, Anti-Popular. Basta! Kanya-kanya lang talaga siguro ng trip at wala na lang basagan,” ang bulong ko sa aking sarili.   After ilang minutes ay luminga-linga ako ulit sa daanan.   Hay nako!   Wala pa ring improvement.   Napatingin tuloy ako sa car clock ko ay 7:37am. Oo at hindi pa naman ako late sa ngayon. Pero sa future ay malamang na oo. Bakit ngayon pa? Baka ma-late ako sa klase ko kay Ms. Stella na adviser ng class namin at laging mainit ang mata nya sa akin.   Nako hano!   Patay na naman ako nito, napakatok-katok ang daliri ko sa manibela habang matiyagang nag-aabang pero mamaya ay mauubos na rin ang pisi nito. Inip much! Sa tagal ko sa byahe, inis na naman akong bumusina.   Beep! Beep! Beep!   Sa inip ko kung ano ano tuloy ang naiisip kong pagdiskitahan.   Bitter na kung bitter.   Yap.   Isa akong mainipin at bratinelang babae.   Aminado naman ako na nung nagsabog ng magandang ugali ang Diyos, eh baka natutulog pa ako no’n o itinatago ako ng mama ko. Baka kasi feel n’ya na magkaroon ng pasaway na anak. Nahinto ako sa mga naiisip kong kamalditahan nang may unipormadong pulis na kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Binaba ko ang car window at kinalma ko ang sarili ko. Wala naman siguro akong violation.   "Yes po?!" plastik kong bati with a smile. Pilit kong tinago ang inis ko.   "Saan po ang punta n’yo ma’am?"   "E, ‘di sa pupuntahan," ‘yan sana ang isasagot ko pero syempre ay hindi pwede dahil pulis kaya ang kausap ko. Hindi pa ‘ko handang mapasok sa loob ng malamig na selda for assaulting a police officer.   "St. Brigette College po, bakit po? hindi po ba pwedeng daanan ‘yung tulay, sir?" Mas pinaamo ko pa ang boses ko na para malambing ang dating.   "Turn left na po tayo, ma'am, mas iwas traffic po."   "Po? Pero sir, may exam po kasi ako ngayon, ‘pag nag-detour po ako, lalo po ako male-late, bakit po ba hindi pwede ang straight ahead?" alibi ko pa.   "Pasensya na, ma'am. May ikinakabit kasing billboard, hindi na pinapadaanan at delikado na,"   "Ano po ‘yun?!" Napakunot-noo ako.   May sinenyas-senyas s’ya, tapos ay may itinuro-turo pa sa gawing labas.   Asar! As if naman na maiintindihan ko ‘yon agad. Syempre, curious ako kaya ang ginawa ko ay pilit kong nilusot ‘yung pagmumukha ko sa labas ng kotse.   Napakunot talaga ‘yung noo ko sa nakita ko. Madami pa ngang mga worker at malalaking truck ang naghambalang sa kahabaan ng tulay. Kaya pala hindi madaan-daanan at inihinaba ko pa ng konti ang leeg ko para mas masilip ko ‘yung dahilan ng asar na traffic.   Ah, billboard nga.   May ikinakabit na isang dambuhalang billboard.   Ang nice ng picture, ah!   ‘Yung model na lalaki sa billboard ay ‘yung sikat na singer na guest sa FM radio kanina. "Army Jeans" ang basa ko sa advertisement name. Papasikat na clothing line ito like penshoppe, bench etc.   Kaka-introduce pa lang ng brand nito sa bansa ay nag-in na. So si Jin Chua pala ang napiling endorser. May alam kasi ako ng konti sa clothing business dahil may ilang branch ng boutique ang mina-manage ng mother ko.   Nilingon ko ulit ‘yung billboard.   Naks!   Ang ganda ng kuha, ah!   Umaanggulo ang lolo n’yo.   Ah, siguro magaling ‘yung nag-edit. Winner na winner talaga! Hindi niya kaya alam kung ilang milyong tao ang naperwisyo a pagkabit ng billboard na ‘yan?   Sa malamang ay hindi. E, ‘di wow! Siya na ang may malaking billboard! "Oh, ma'am, sunod na lang po tayo sa instructions. Pasensya na ho ulit," anang pulis na sumaludo pa. Ako naman ay umayos na ng upo. Tapos ay bumusina ako sa pulis bilang farewell sa kanya. Umusad ang mga sasakyan patawid ng tulay pero kita ko nga na bumabalik din sila para mag-detour.   May mga harang kasi na parang ‘yung sa mga checkpoint.   Nasa kalagitnaan ng tulay ang likuan pabalik.   Sa kabilang daan ay totally blocked na.   Sayang...   Natatanawan ko na ang St. Brigette, nasa malapit na lang sana ito sa pagbaba ng tulay   "Stupid billboard!" bulong ko sa sarili ko. Kung may amaterasu lang sana ako, (power yon ni Uchiha Sasuke sa anime na Naruto kung nanood kayo) paglalahuin ko talaga ang billboard na ‘yan. Tingnan ko lang kung hindi mapangiwi ang model na ‘yan.   Napabuntonghininga ako at nagpatuloy na sa pagda-drive. Malapit na ako sa likuan ng mapansin ko ang isang black Nissan Patrol Royale na hindi kumikilos. As in nakatambay lang ‘yun doon.   Naisip tuloy ako...   Baka pwede ko namang pakiusapan ‘yung driver na mag-move forward lang nang konti. Kasi sa liit ng Kia Picanto car ko, siguradong makakaraan ako kung pagbibigyan lang nila ako. Bumusina ako nang madaming beses. Syempre, para malaman ko kung may nakasakay sa car na ‘yon, ‘di ba?   Tapos, ayun.   Successful!   May signal light sa likuran at hindi ako nagdalawang-isip na bumaba after ko ayusin ang aking bangs at ang palda ko na nalukot na sa tagal ng traffic.   Yes, at naka-uniform ako at isang cute typical uniform na korean style.   Korean kasi ang isa sa may-ari ng school namin, isang private school for college girls.   So, eto ba ang tamang panahon i-discuss ang uniform?   Mamaya na lang ‘yon.   Mabalik tayo sa pagbaba ko sa sasakyan.   So, ayun nga...   Dumiretso agad ako sa gawing passenger seat. Kinatok-katok ko ‘yung tinted car window.   Matagal din ang sandaling pinaghintay ko.   Inis na inis ako.   Kasi hindi man lang mag-abala ‘yung sakay ng sasakyan na ibaba man lang ‘yung car window. Gustong-gusto nang lumabas ng sungay ko. Balak ko nga ay hampas hampasin na ang salamin ng sasakyan.   Pero syempre, pinigilan ko ang sarili ko.   Kumatok na lang ulit ako.   Maya-maya nga ay dahan-dahan ng bumababa ang car window. Salamat at may naawa rin sa akin. "Yes?!" nakangiting bungad ng isang lalaki.   Tingin ko ay nasa early 20's lang siya.   Medyo kahawig nga ito ni Dennis Padilla nung kabataan nya.   Maputing version nga lang ito.  Inikot muna ng malikot kong mata ang iba pang sakay.   Sorry at ‘di ko napigilan. Syempre for security purpose lang, ngayon ko lang naisip na delikado pala ang ginawa kong ito. Baka mga armadong kalalakihan pala ang mga sakay nito o adik.   What if nga, ‘di ba?   Lumipat ang tingin ko sa gawing driver seat.   Matanda ‘yung driver!   Ayos!   Medyo kaya ko pang padapain sa sipa si Tatang, if ever. Then, nahagip pa ng mata ko ‘yung isa pa nilang sakay.   Napakunot-noo talaga ako.   Parang pamilyar kasi sa akin ‘yung lalaking natutulog sa gawing likuran ng sasakyan. Kahit nakapikit ang mga mata niya, may neck pillow at naka-earphone siya.   Ay, pamilyar talaga siya.   Ewan ko ba...   Wala sa sariling napatingin ako sa malaking billboard.   Just to make sure na hindi lang ako dinadaya ng paningin ko.   Tapos ay napatingin ako ulit don sa lalaki.   CONFIRMED!   Si Jin Chua!   Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD