On-The-Love Training
midnyt_princess
CHAPTER 2
MAKI- Point of View
CONFIRMED!
Si Jin Chua!
ABA! Mukhang mapayapang siyang natutulog, ah. Wala siyang kaalam-alam sa perwisyong nagaganap sa kapaligiran niya. O bakit nandto siya? Kakarinig ko lang sa kanya sa radio, ‘di ba?
O, well...
Hindi pala ‘yon live? Peke! bulong ng isa sa katauhan ko. Bale madami kasi akong katauhan. hoho.
Funny right.
"Hey miss, what can I do for you?" ulit ng lalaki na kamukha ni Daniel Padilla sa sinabi n’ya kanina.
I mean ni Dennis Padilla lang pala. Sabay taas pa niya ng bintana hanggang half nung mapansin n’yang tinitingnan ko ‘yung artist na kasama nila. Lalong napakunot ang noo ko.
Shet!
Napagkamalan pa ‘ata akong magpapa-autograph. Sa inis ko ay sarcastic na ngumiti ako.
"Don't worry, I’m not a fan,” sinadya kong lakasan ‘yung sinabi ko, para maipaalam ko sa kanilang lahat na kahit papasukin pa nila ako sa sasakyan nila ay never kong dudumugin ng yakap o halik ‘yung precious artist nila. Hindi ako katulad ng ibang babae na magpapaka-cheap! Hindi ko na binigyang pansin pa ‘yung reaction ng kausap ko.
Basta sinabi ko na lang ‘yung totoong pakay ko.
"Ahm, just wanna ask kung pwede sana makisingit ng daan. ‘Yung pupuntahan ko kasi is just around the corner. Kesa mag-detour pa ako, ‘di ba? And Yeah, it maybe possible but you have to talk to the officer incharge." At nginuso nito ‘yung papalapit na pulis.
‘Yung nakausap ko kanina.
"Patay." ‘Yun ang naisip ko pero dinaan ko pa rin sa smile.
"May problema po ba ma’am/sir?!"
At ayon nga...
Usap usap.
Usap usap.
‘Di ko nga namalayan na nakasakay na ‘ko ulit sa car ko at naghihimutok na umiba ng daan. Promise! Gusto ko pa nga sanang suhulan ‘yung pulis, eh. Pero very determined siya kaya sumunod na rin ako. May mga police officer pa palang ganun ngayon?
Yeah!
Proud to be pinoy!
Kung adik lang din ako mag-sss at twitter...
Aba’y post na agad ‘yan! Pero buti na lang at hindi masyado. 20 long minutes bago ako makarating sa school namin. Mabilis pa akong mag-drive no’n, ah.
Pagka-park ko…
Kinuha ko agad ‘yung mga gamit ko at nagtatakbo ako papunta sa Late Booth ng mga Senior. Eto ang isa sa MAGANDA na PANGET na system ng ST. Brigette College. Madidisiplina talaga ang mga student na ‘wag ma-late.
Maganda, ‘di ba? E, paano naman ‘yung mga ayaw ma-late na sa kasamaang palad ay na-late?
Nasaan ang hustisya?
Every 8am nag-i-start ang mga klase.
So, after 8am nagsasara ang main entrance ng school. Ang mga late ay dapat na pumila sa late booth per year level at mag-sign.
Pumila ako.
Madami palang late.
Hindi lang ako.
Malamang ay dahil sa traffic.
"You probably can't imagine right?" maarteng sabi ng 3rd year na nakatapat ko sa pila.
"Really ba? I saw nga ‘yung billboard nya. Buti na lang talaga na late ako. Cause you know naman na kakakabit lang daw no’n, eh. Jin is so handsome and super hot!" sagot naman ng kausap nya.
Napataas talaga ang kilay ko!
Ano daw?
Buti at na-late siya?
May ganung factor?
Samantalang ako nga halos isumpa ang billboard na ‘yon! "Give me naman ng copy ng picture."
"Sure naman friend, nasa printing press pa ni Mama ‘yung raw materials nila, authentic ‘yun, ah!"
"Wow, friend! pretty please."
"Pretty please," ulit ko sa nadinig ko in sarcastic way.
Pretty please, my ass! Pero syempre sa isip ko lang din ‘yun. Ayaw ko naman na kuyugin nila ako at magkaroon ng wanted poster. Inapura ko na ang pag-sign. Then, I head towards to our classroom. Para akong ninja na tumatakbo ‘pag walang nakakakita.
Bawal kasi sa hallway ang anumang ‘di maayos na paglalakad. Kung pwede siguro at ganitong late na ko aba’y ‘di lang ako tatakbo. Baka gumulong-gulong na rin ako makarating lang agad sa classroom namin.
Ang St. Brigette ay exclusive lang sa mga college girls, halos lahat ng nag-aaral dito ay anak ng mga may sinabing tao sa lipunan. Sa taas ba naman ng tuition fee, baka hindi makayang magpaaral ng mga regular na empleyado lamang. So, could you imagine kung gaano kaganda ang school na ‘to? Lahat ng facilities, rooms, gym, staffs etc. ay walang maipipintas. Graduating na ako at mga friend ko sa course na Fashion Communication and Marketing. I don't particularly like it pero nagustuhan ko na rin.
Anyway...
Eto at sa wakas ay nasa tapat na ko ng classroom naming pero kinakabahan at kapal muks na pumasok ako. "Good morning Ms. Stella, Ma’am," bati ko habang nag-aalangang pumasok tapos ay alanganing ngumiti ako.
Halos pigilan ko pa nga ang paghinga ko.
‘Wag lang nila mapansin na grabe ang hingal ko.
Syempre lahat ay nakatingin.
"Ms. Agra, you're too early for your next subject. You almost cut half of my class..." Tumingin pa si Ms. Stella sa relo nya. Tapos ay itinaas ang bumabang salamin sa mata.
Typical…
A prof with matandang dalaga style.
"Nakalimutan mo na ba na ito ang first Saturday ng report ninyo regarding sa training ninyo?" dagdag pa niya na hindi pa rin ako tinatantanan.
Kaya sa pagmamadali ko ay natisod pa ko.
Blag!
Napapikit ako.
I was so careless na nahulog ko pa ‘yung folder na dala ko. Ipapatong ko na lang sana ‘yun sa desk ko. Ang swerte ko talaga ngayon!
Jusko!
"I'm sorry, Ms. Stella, maam," nakangiwing sabi ko.
"Just take your seat quietly... so class as I was saying, I'm happy na halos lahat sa inyo dito ay very good sa first week of SJT..."
(Special Job Training)
"Maki, psst!!
Impit ang boses ng tumawag sa akin.
Anyway…
They call me Maki because of my name Ma. Katrina Isabel.
"Maki!!!”
May naghagis sa akin ng nilukot na papel just to get my attention.
"Maki…" bulong na tawag ulit sa pangalan ko nung nag bato ng papel.
Alam ko na syempre kung sino. Kaya pag-upo ko pa lang, madiskarte ko nang pinulot ‘yung papel.
Humarap ako sa kaibigan ko nang konti. Bale, nasa row three kasiang chair ko sa gawing dulo tapos ito sa row five. Basta nakaupo siya sa gawing kaliwa ko sa hindi kalayuan.
Siya si Barbie Rios a.k.a Bambi.
Yeah!
Ako lang ang nagpauso ng nickname niya. I love giving pet names sa mga tao sa paligid ko. Anak sya ng isang businessman na naka-base ang business sa Hongkong. Magpo-four years na din kaming naglolokohan bilang magkaibigan. Nung magtama ang paningin namin ay ngumiti sya nang maluwang. Bumuka naman ang bibig ko na parang sinasabi ko sa kanya na "ano na naman ‘to?"
Sumenyas naman siya na basahin ko ‘yung note sa papel. Pinanlakihan ko siya ng mata at sumenyas din ako na mamaya na lang.
Pero mapilit ang bruha.
Winasi- wasiwas pa niya ang hawak niyang pencil na may feathers.
Ibig niyang sabihin ay rush ‘yon.
Apat talaga kami sa grupo.
Si Bambi ang pinakamalusog sa amin.
Chubby!
Yap, chubby lang at hindi obese kasi ang lakas niyang kumain, eh. Siya ang pinakamatampuhin sa lahat. Pero ang tampo niya ay mabilis lang lumipas. Since ako ang may pinakamasamang ugali sa amin, ako lang naman ang lagi n’yang nakakatampuhan. Itinirik ko muna ang mga mata ko at napilitan na rin akong basahin ‘yung note niya.
Binuklat ko ang lukot na papel.
ANO? NAKITA MO BA?!
‘Yun ang nakasulat sa note niya na medyo faded na, sulat lang kasi ‘yon sa lapis. Not to mention na ang panget pa ng sulat niya! Maitatanong mo na nga lang kung aspiring doctor ba siya?
Bumuka ang bibig ko.
Sabi ko, "Ano ‘yon?"
Ang slow ko.
Clueless talaga ko.
Sobrang occupied ako sa read my lips portion namin ni Bambi.
Kaya hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa amin si Ms. Stella.
"Ms. Agra! Ms. Rios!" galit na tawag niya.
Once a teacher calls for you during class, for whatever purpose it maybe, you have to stand on your feet and respond. That's one of the rules na nakalakihan na sa St. Brigette.
"Yes, Ms. Stella, Ma'am," sabay naming sabi ni Bambi habang tumatayo.
"What made you two so busy? Pwede kayo mag-share dito sa harap kung gusto n’yo," umuusok ang ilong na sabi pa niya.
Napalunok ako, papalapit si Ms. Stella sa gawi ko.
Shete naman!
Hawak ko pa ‘yung note ni Bambi!
Pahamak talaga!
Patay sa akin mamaya ‘yang si Taba! Pasimple kong itinago ‘yung right hand ko sa back ko. Of course, nandun ‘yung paper. “Swallow the evidence!” sigaw pa ng evil side ko.
Naisip ko nga talagang gawin yon.
Pero hindi pa ako gutom. Hoho.
Erase erase.
"Hand me that thing, Ms. Agra!"
"Ah, ano po ‘yun?"
Denial stage.
Mas tinikom ko pa ‘yung kamay ko at pawisan na nga ito sa kabila ng malakas na aircon sa classroom. Wish ko nga na sa sobrang pasmado ng kamay ko ay matunaw na ‘yung papel.
Tahimik sa buong klase.
Syempre...
All eyes silang lahat sa amin.
Nagwa-warning na tiningnan ako ni Ms. Stella. And she leaned forward sa akin. ‘Yung parang kissing scene sa isang romance novel kung saan umiiwas ‘yung bidang babae sa paghalik ng bidang lalake.
Sweet, ‘di ba?
Kaya lang ‘yung nangyayari ngayon ay hindi romance!
Horror!
Pursigido si Ms. Stella na makuha ‘yung papel sa akin. Just to feed her curiosity. Pilit pa rin niyang inaabot ‘yung tinatago kong kamay. "Ms. Stella, wala naman po, eh," depensa ko.
Pero tinitigan niya ako nang masama.
Ano kaya kung itulak ko na lang siya!?
Tapos sabay takbo, ‘di ba?
"Give me that or else..." inis na warning nya.
Naisip ko...
Homeroom teacher ko siya kaya bago pa n’ya ako ibagsak, dapat ay sumuko na ako. ‘Tsaka ano nga naman pala kung makuha n’ya ‘yung papel? Eh, kahit ako nga ‘di ko ‘yon ma-gets.
Siya pa kaya?
Dahan-dahan kong nilapit ‘yung palm ko kay Ms. Stella. Agad n’yang kinuha ‘yung mas nalukot ng papel.
Dismayado niya ‘kong tiningnan. ‘Yung kulang na lang ay sabihin niya sa mukha ko na "ibibigay mo din pala, dami mo pang arte!" Pinanood ko ‘yung mukha ni Ms. Stella habang binabasa nya yung note ni Bambi.
Tapos bigla siyang natigilan.
"Ms. Agra, we'll talk after class."
‘Di ko halos nakuhang tumango.
Itutuloy.