Chapter 3

1191 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 3                     MAKI- Point of View   Nadagdagan pa tuloy ang kasalanan ko.   "Well, seat down GIRLS!"   Napatingin ako sa mga classmate namin na parang happy pa. Mga chismosa talaga! Tapos tumingin ako kay Bambi.Very apologetic ang itsura nya at nag-peace sign pa nga sa akin ang gaga!   "You're so dead!" ‘Yun ang buka ng bibig ko sa kanya. Sabay senyas ko nang ginigilitan ang leeg. I have enough for today. Pakshet na billboard kasi ‘yan!   Wala!   Wala lang akong maisip na sisihin.   Tumahimik na ako buong klase ni Ms. Stella.Nakikita ko naman si Bambi na text nang text habang ‘yung cellphone ko sa bag ay nagba-vibrate. Aba! At hindi pa rin sumusuko ang bruha kaya naman sinilip ko cellphone ko.   21 text messages at 4 missed calls.   Papansin talaga, ha! Pwes! ‘Di ko babasahin ang text niya. Manigas nga siya! Hoho!   Bong Bong Bong Bong!   Ayun na ang tunog ng mahiwaga at pambansang alarm clock ng school namin. Hudyat na tapos na ang homeroom class ng lahat. Sa maniwala kayo at sa hindi ay talagang bong bong bong ang tunog non.   Nung una distracted ako.   Pero nakasanayan ko na rin.   At hello, favorite ‘yan na naririnig ng lahat! Pumusta pa kayo.   "Ms. Agra, come here..." Sinenyasan akong maupo ni Ms. Stella sa malapit sa kanya. Naglayasan na rin ang mga classmate ko. Inulit-ulit niya ‘yung diniscuss niya kanina regarding sa special job training namin.   Yearly kasi...   Nagpo-provide ang school ng ilang companies and institution na friendship nila, kung saan ay pwede kaming mag-apply for training. I mean, kaming lahat na mga candidate for graduation. Hindi kami pwedeng mamili ng company or establishments na pag-a-apply-an.   Admin ang nagde-decide.   Kaming lahat ay sabay-sabay na magsa-submit ng resume. Tapos ang school ang bahalang mag-distribute sa respective companies. Halos wala namang pinagkaiba ang SJT sa nakasanayang OJT. Pareho naman na nag a-apply para matanggap.   Pareho rin gumagawa ng report.   At pareho rin na dapat kang pumasa o better aim for a high grade. The only difference is…   Sa OJT na nakasanayan ay related dapat talaga sa work mo sa future ang pag-a-apply-an mo to learn and gain experience   Sa SJT namin dito... Any training job na ibibigay sa ‘yo ng place na pinili para sa ‘yo ng admin ay dapat mong pasukan. As in any available position. May related sa course at mayroon ding hindi. Ang mahalaga, matanggap ka. Nakapagtataka man pero suportado ng mga magulang ang policy ng school regarding sa SJT. Siguro para mas may thrill sa anak nila na halos buhay prinsesa na sa ganda ng mga buhay. Paano naman kung na hire ka nga tapos super ayaw mo talaga sa job na ‘yon? Maraming ganitong cases, sa mga choosy s***h maarte.   Well...   Pwedeng mag-back out.   Tapos ay mag-pass na lang sa iba.   Pero ang grade na mare-recieve mo no matter how hard you try sa next offer would be red mark 75.   Meaning...   Wala ka nang pag-asa tumaas pero may pag-asang bumaba pa or yet mauwi na talaga sa failure.   Depende sa performance. Kaya ‘wag na dapat maarte pa!   Natanggap na nga ay mag-iinarte pa!   Ano ‘yon, ‘di ba?   So...   Paano naman kung hindi ka matanggap sa unang try na pag-a-apply?   Oh, eh, paano nga?   E, ‘di sorry!   Ang grade mo would be mark blue 75. Basta dapat lang ay makahanap ka ng next na a-apply-an at matanggap ka. Open ang grade mo for improvement. Madalas mangyari ang mga rejection cases. But since may mga sinabi sa lipunan ang mga nag-a-apply, nagagawan naman agad ng paraan pero depende sa mabuting usapan. At ang nangyari sa CASE ko as in capital letters lahat yan.   Ay...   Inayawan ko ang SJT ko kahit 3 days pa lang. Bakit? Eh, ang manyak ng naging boss ko, eh!   Kaya ayon...   Talagang nasapak ko siya.   Ang sama kasi n’ya!   Hindi na umabot pa sa demandahan ang nangyari. Dahil school na rin ang nag-decide na ‘wag na raw. Lalaki lang ang usapan. "So alam mo na ang rules, right?!" sabay abot ni Ms. Stella sa akin ng resume ko.   Ano pa nga ba? Ako na ang bahala sa sarili ko ngayon.   Hay...   What a life...   Plus ang grade ko ngayon ay red mark 75 na.   "You have to inform me kung may napasukan ka na or wala. I'm willing to help you and please, make it fast. You're one week late. And be sure to attend report class every Saturday, okay?!   "Yes, Ms. Stella, Ma’am. Thank you po."   Tumango tango lang siya. Syempre tumayo na rin ako at dismiss na ‘ko.   "And one more thing..."   Nakita ko na ipinatong niya sa kanyang table ang note ni Bambi kanina. Inabot nya sa akin yon.   "Just keep in mind, na ang nilalang lang ng ating Panginoon sa mundo ay isang babae at lalaki... Bata pa kayo, you'll over come it in God's time..." Litong tumango lang ako at umalis na. Bakit ako kailangang i-pray over ni Ms. Stella?   Siya yata ang may sapi ng masamang espiritu, eh. "You'll overcome it, in God's time?" ulit ko sa sinabi niya. Nagtataka man ako ay lumabas na ako ng room. Ganun na ba kasalanan ang pagpapasahan ng note? And what's with the phrase na lalaki at babae lang ang nilalang ng…   Doon lang nag-sink in sa akin ‘yung note.   Napahinto ako.   At mabilis kong binuklat ang papel na niluma na ng pasmado kong kamay kanina.   "I love you! I love you!"   ‘Yun ang note na nabasa ko sa may side ng scratch paper ng bwisit na si Bambi. Sure ako na ito ang mesaage na nabasa ni Ms. Stella kanina.   Shet!   Kaya pala kumunot ang noo nya! Tapos ay may mga dialog pa siyang galing sa bibliya. Napagkamalan pa tuloy kaming T-bird!   I mean tomboy.   ‘Yung original note kasi kanina ay nasa kabilang side. Hindi na halos mabasa dahil nga pencil ang ginamit na panulat.   "Ms. Agra!" imitate ni Bambi sa boses ni Ms. Stella. Naglalakad na ‘ko sa hallway papunta sa canteen nang sumulpot siya. "Che! Tumigil ka nga d’yan!" Inirapan ko sya.   "What happened? Napagalitan ka ba?" Nasa himig naman niya ang pagiging concern.   Tapos napatingin siya sa resume na hawak ko. "My poor Maki, okay lang ‘yan. Madami naman tayo mahahanapan."   "Don't worry, na okay? Kaya ko na ‘to..."   "Sure ka? Siguradong bitter ka, noh?!"   "Hindi naman, pero pahamak itong note mo." Sinalpak ko sa noo nya ang lamukos na papel ng pabiro.   Kinuha naman niya ‘yon at tiningnan.   "OMG!" exaggerated na sigaw niya na napahinto pa.   "OMG talaga na napagkamalan pa tayong lovers! Kadiri, ha. Kung tomboy ako, hahanap naman ako ng sexy!"   "Che! Hindi yon noh! Look naman here. Napunit ko pala ‘yung special notebook ko na para lang kay Jin my loves! Nakakainis! ‘Kala ko kasi scratch!" hinayang na hiniyang na sabi pa nya.   "Ah, naku! Eto na naman po kami. Ang corny mo talaga!"   "Wait! May ipapakita nga pala ako sa ‘yo." Nagmamadali niyang inilabas ang cellphone nya.   "Tada!"   Itutuloy.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD