On-The-Love Training
midnyt_princess
CHAPTER 4
MAKI- Point of View
"Oh ano yan?" Sabay hawak ko sa kamay ni Bambi. Inilayo ko ng konti ang cellphone nya na nakatutok na sa pagmumukha ko. Sa sobrang lapit ay halos maduling na ko sa pagtingin ng image don.
"Edi picture!"
Inilapit pa ulit niya sa mukha ko yung cellphone. "Yeah, i know! Teka nga! balak mo bang ipakain sa akin cellphone mo?!" Tinabig ko ang kamay nya.
Umungol sya na parang nagtatampo sya.
"Eh ayaw mo naman kasi tignan.." Tapos sya na lang yung tumitig don sa image na pilit nyang pinapakita sa akin kanina. "Nakita ko naman. Alam ko naman na picture yan ng billboard ng prince charming mo."
"You knew naman pala. That's my point. Sure na nadaanan mo to kanina pero di mo man lang naisip na picturan para sa akin. Nagpapasa lang ako sa first year...", parang batang tampo pa nya.
Napataas ang kilay ko. So yun pala ang ibig sabihin ng nasa note nya na "nakita ko daw ba?"
Yun lang pala!
Bakit hindi pa sya nakapaghintay kanina?
Kaloka!
"Ang arte mo Bambi ha! What do you expect me to do kanina? Mag pictorial sa tulay at makadagdag sa traffic? Tsaka matagal pa dun yung billboard na yon. Hindi yon aalisin agad kaya wag kang atat. Pwede mo yon puntahan mamaya at magpakasawa ka.", sermon ko sa kanya.
Inirapan lang nya ko.
Tapos maya maya ay nabago na rin ang expression nya.
"So, ano naman tingin mo? Ang gwapo ba nya?!" Excited na tanong niya.
Syempre nag isip muna ako.
Inalala ko yung nakita ko.
Gwapo si Jin.
Pero wala syang appeal sa akin.
"Di ko masabing gwapo sya don. Kasi nga pa side view yung face nya eh. Siguro in-emphasize nila yung damit na suot nya. Over all, maganda yung damit.." explanation ko sa kanya.
"Ewan ko sayo!" Umirap ilit sya.
Nung tignan ko yung mukha nya ay hindi na yon maipinta.
So gloomy.
Medyo na guilty naman ako pero nagsabi lang naman ako ng totoo. "Bambi, tinanong mo ko, sumagot lang naman ako ah!"
"Hindi mo kasi alam tumingin ng gwapo kaya wala kang boyfriend!" Irap na naman nya sa akin. Sobrang nahe-hurt talaga kasi sya pag feeling nya ay inaapi ko yung idol nya. "Wow, look who's talking! Nakakahiya naman sayo. Ikaw te? may boyfriend ka?", hirit ko pa sa kanya.
"Maki babes naman eh.", ungol pa nya.
Isa kasi sya sa number 1 fan ni Jin Chua.
Kwento nga nya sa akin...
First appearance pa lang daw ni Jin sa tv ay nag bloom na agad ang kanyang pag hanga. Alam nyo ba yung super fanatic na para ng may sayad na sa utak?
OO...
Isa sya don!
Kaya nga hindi ko maikwento sa kanya na nakita ko yung idol nya kanina. Sure kasi na magpi- freak out sya. At baka magyaya agad syang bamalik kami don sa tulay. Natatawang pinag masdan ko na lang si Bambi.
Tahimik na lang tuloy sya.
Siguro ay nainis na naman sya sa akin.
Sa canteen naman.
Agad kong natanawan yung dalawa ko pang friendship.
Si Cham at si Marga.
"What took you guys so long?!" Bungad sa amin ni Cham.
Short for Charmaine, siya ang payat version ni Bambi. As usual ay busy na naman sya sa pagkalikot ng netbook nya.
Yes.
Kambal sila ni Bambi.
Ayon sa kanila ay mas matanda daw ng 5mins si Cham.
Identical sila dati.
Pero pinag iba na sila ng lifestyle. Si Bambi naman kasi napabayaan sa kusina kaya iyon, tumaba.
"Hi girls!" Si Margarita La Peña or Marga at siya ang masasabi ko na mas close ko sa tatlo.
Bakit nga hindi? Sya ang mas nakakausap ko ng matino. Sya lang ang di masyadong adik adik sa mga idols na yan. Kaya kami lang minsan ang pareho ng usapan. Yung kambal naman kasi ay may mga sarili ng mundo pagdating sa idol nila. Ang pamilya naman ni Marga ay madaming mina-manage na mga apartments at condos.
"Sorry, kanina pa kayo?!", tanong ko.
Sabay baba ko ng mga gamit ko sa table. Sure na nauna silang magpunta dito dahil na meeting pa nga ako ni Ms. Stella kanina. Mag classmate si Marga at Cham. Pareho silang nasa first section.
Sorry naman at hindi ako ganon ka bright.
Napag usapan namin ang tungkol sa mga SJT. Syempre automatic na kasama na don ang malagim na sinapit ko.
I mean ng boss ko.
Well...
Ang SJT ni Cham ay sa Mid- SPA Hotel. Kwento nya boring daw ang ginagawa nya don. Pero madami syang nakikitang artista kaya enjoy na rin sya. Si Marga naman ay sa isang Modeling Company. At si Bambi na masikreto, ayaw pa ring magkwento.
Kainis! May pa secret secret pang nalalaman. Pagkaraan nga ng mga kulitan namin ay nag order na kami ng makakain. "Maki, look at this oh." Excited na sabi ni Cham na tinabihan ako.
Nilapag ang netbook nya sa harapan ko. Nag play agad sya ng uploaded video sa youtube. "Ah pwede bang kumain muna?!" Alibi ko, nagpapasaklolong tumingin ako kay Marga na nangingiti lang.
"Maki manood ka na.", pilit pa sa akin ni Bambi.
Shet!
At nakupot na naman ako ng mga freak. "Saglit lang to friend..." Lambing ulit sa akin ni Cham. Pinindot ko yung button to see kung sandali nga lang. "Naman Cham, sandali ba to? Eh 30mins ah. Aabutin tayo dito ng forever.." Reklamo ko.
Intro na ng video.
"Ang oa mo, syempre hindi tatapusin yan...kaka download ko nga lang nyan. Fresh na fresh at na air yan 20mins ago." Helpless akong tumingin kay Marga. Sumenyas lang sya na pag bigyan ko na.
About sa video naman...
Well...
Interview ni Jin yon sa isang talk show.
Okay, at si Jin na naman. He's telling the people na mag gu-guest sya sa opening ng new branch ng Pub Royale mamayang gabi. Isang sikat na bar yon na madami ng branch all over the country.
So ayon..
Ini-invite lang nya yung mga tao. Tapos nag dance number sya.
Alright.
He's also good at it kaya madami talagang nagkakandarapa sa kanya. Alam naman ng lahat na multi-talented sya. Kaya nga sya tinatawag na Genius Prince di ba? "Friend ang gwapo nya noh!?" Kinikilig na napayakap pa sa akin si Bambi.
So where's the gloomy face go?
"So?!.." Tanong sa akin ni Cham
"So...!?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Maki naman...!" Sabay unggol ng kambal.
"Okay! Ang gwapo nya at ang galing nyang sumayaw. Ano? happy na ba mga friends!?"
"Ay hindi po yon. Ang bengots mo naman eh.", reklamo ni Bambi.
Napakamot pa sya sa noo nya.
"Ang ibig nilang sabihin, you're also coming right?" Paglilinaw ni Marga habang apura pa din ang text nya.
Sa aming apat ay siya lang talaga ang may malinaw na lovelife.
Nag isip ako...
Pero sorry...
Hindi ko talaga maintindihan. "Hello naman Maki!... remember... Pub Royale... Opening... you know...", pagbibigay clue ni Cham.
"Ah!", tatango tangong sabi ko.
Bigla ay parang may naalala ako. Mamayang gabi na nga pala yon. Ofcourse pupunta na naman ang mga ito. "Come on Maki, Saturday night naman. Tapos malapit lang sa area natin, kaya magpunta na tayo." Tampo na naman si Bambi.
Para talaga syang may konti.
"Oo nga naman. Para apat naman tayo, tsaka last month pa natin napag usapan to eh.." Add pa ni Cham na tumaas taas ang kilay.
Napatingin ako kay Marga.
Wow!
Sasama ang bruha?
Madalang din kasi ang pangyayari na sumasama sya dahil very strict ang daddy nya. Kabaligtaran sa daddy ng kambal. Todo suporta lang naman sa kanila ang tatay nila. Last debut pa nga ng dalawa ay pinagpilitan nilang kunin na guest si Jin. Okay naman sa daddy nila kahit gumastos pa.
Kaya lang...
Sa kasamaang palad ay may show ito sa ibang bansa.
"Maki ano na?"
"Teka nag iisip ako."
Lagi nila kong kinukulit na sumama sa mga gig ni Jin tuwing pupunta sila. Para naman daw ma-experience ko yung saya. Pero everytime ay tumatanggi lang ako.
Una...
Dahil ayoko.
Pangalawa...
Hindi ko gusto.
"Ah basta pupunta tayo! Kasi sayang naman effort namin ni Cham sa pagda-drama kay papa kung hindi natin gagamitin to!", Sabay labas pa ni Bambi sa 4pcs tickets sa pouch nya.
"Hirap makakuha nyan ha, limited lang kasi. " dagdag pa ni Cham.
"Tsaka Maki babes..." Lumapit pa lalo sa tabi ko si Bambi.
May inabot syang print out at stationary.
Hindi na yon scratch.
Malaki na at maayos pa.
"Dating gawi babes ha!" At kumindat pa sya.
"Oo na! Ano pa nga ba?!", walang choice na sabi ko.
Pinapa re-write nya sa sulat kamay ko yung love letter nya. Isasama niya kasi yon sa gift nila mamaya na ipapa abot sa idol nila. Masuka suka nga ako pag binabasa ko yung mga message nila eh. Tinitiis ko lang talaga para sa kanila.
Ewan ba...
Bakit wala silang kasawaan sa pag e-effort nila. Parang wala naman silang napapalang kakaiba. Sabi ko nga sa kanila baka ipinamimigay lang din ni Jin Chua lahat ng mga binibigay nila.
So sayang lang ang time at effort nila.
Itutuloy