Chapter 5

2156 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 5                     MAKI- Point of View   Bakit wala silang kasawaan sa pag e-effort nila. Parang wala naman silang napapalang kakaiba. Sabi ko nga sa kanila baka ipinamimigay lang din ni Jin Chua lahat ng mga binibigay nila.   So sayang lang ang time at effort nila.   Kaya lang, mga hindi naman papapigil. So ano pa nga ba?   Edi oo na lang din! Ako ang taga gawa nila ng placards na pang welga. I mean yung mga banners na winawagayway nila twing a-attend sila ng mga kachorvahan. Ayaw kasi ng kambal ng basta tarpaulin na pina-print lang.   Gusto daw nila na isipin ng idol nila na may effort at puso ang pag hanga nila. Pasalamat sila at talented ang kamay ko. Sa pag sulat, drawings, cut outs ng papers, sa pag me-make up at hair styling.   Anyway...   Yun lang naman ang mga talent ko.   Wala na!   Kaya dapat pagyamanin. Hoho   "Sumama na tayo ha, sabi ko kay Papa kasama ka, kaya pumayag sya." Paniniguro ni Marga.   "Dinahilan mo pa ko, eh makikipag date ka lang naman don.."   "Hindi ah!" at siniko siko pa nya ko na parang nahihiya.   "Aysus! Nag ba-blush ka oh! Kaya wag mo ng itanggi pa. Huli na kita!", natatawang sabi ko.   "Oo na! Kaya sumama ka na please!", amin naman nya.   "Ha? totoo ba?", gulat namang sabi ko.   "Oo nga. So please? Gusto mo ba na ipagpaalam kita kay tita Diane? O ayaw mo lang talaga makita si Jin? Hate mo pa din sya hanggang ngayon?", usyoso pa niya.   Dala siguro ng pamimilit nya.   Napalinga linga ako.   Buti nalang at parehong nasa malayo yung kambal. Nilulon ko muna yung kinakain ko bago ako magsalita. Kung makapag bigay naman ng statement itong si Marga para namang may malalim kaming nakaraan ni Jin Chua.   "Okay lang kay Mama, hindi naman tututol yun eh.."   "So, ang tanging dahilan lang ay Jin-hater ka pa din talaga?, three years ago na yon ah. Baka nga hindi ka na natatandaan non ngayon eh. Bakit hindi mo pa patawarin?"   "Ma at pa!, Wala na din sa akin yon, basta hindi ko lang talaga sya feel!", tinuloy ko na lang ang pagkain.   Ma- malay ko Pa- paki alam ko   Tapos naalala ko tuloy...   ---->>> flashback mode   To that - walang ka-kwenta kwentang three years ago.   Nung time na yon. Na invite kami ni tita Virgie. College friend sya ni Mama at super close talaga sila. Sumama kami na mag happy happy sa resort ng fiance nito sa Palawan for 1 week. 16 yrs old pa lang ako non kaya naman sunud-sunuran pa lang ako sa gusto ng aking mudra. Ang alam ko super excited ako non. Kasi nga may kasama daw kaming artista.   Ayon...   Si Jin Chua nga yon.   Nakikita ko na sya sa tv non.   Sa ilang commercial.   Tapos ay kumakanta at sumasayaw sila ng mga ka grupo nya sa mga Tv shows. Then, biglang di na sila active. Nag aral daw yung iba, tapos yung iba napabalitang naka rehab.   Nag drugs daw kasi.   Sa madaling salita.   Hindi naman sikat masyado si Jin Chua non. Medyo exaggerated lang yung mama ko. Sabagay sabi lang naman nya ay artista. Hindi naman nya sinabi na sikat.   Well...   Nung una kong makita si Jin.   He's so simple pero rock!   He's just wearing a cap on his head na nakasuot ng pabaliktad. Tapos naka sando at shorts lang sya na pang summer. Bali nung 2nd day na ng tour ko sya nakita. Nakakainis mang i-admit pero nung masilayan ko sya ay para akong namatanda.   Or yung na engkanto ba yon?   Ewan!   Ayaw ko namang gamitin ang term na Love at first sight.   Basta ang alam ko.   I stared at him.   Napatulala ako while I'm holding my breath. Tapos parang napako na ko sa kinakatayuan ko.   Hindi kasi ako makagalaw, o parang ayaw ko lang talagang gumalaw dahil ayaw ko syang mawala sa paningin ko. Para kasing that time lang ako nakakita ng gwapo.   Yung standout talaga.   Okay at hindi lang sya basta gwapo!   Kundi yung gwapo na may appeal at may dating.   Yung mukha nya...   Yung height nya...   Yung kutis nya..   Basta!   May something sa kanya na kakaiba!   Nasabi ko yon kasi...   Kaka graduate ko pa lang ng high school sa isang University sa province namin sa Nueva Ecija. Kaya madami din naman ako nakitang boylet sa school.   Mga gwapo din...   Halos mga ka-age din naman nya pero yung dating kasi, ibang iba.   Basta!   Basta!   Kay Jin kasi...   Parang tumibok t***k yung puso ko at parang nakalimutan ko ng huminga. Ganito pala yung moment na parating na si crush!   Na habang papalapit sya ay para akong nahihipnotismo! Feeling ko nakatingin din sya sa akin at nakangiti sya. Yung ganung factor! Parang kami lang sa lugar na yon. Mahihiling mo na lang na maging endless na yung time na yon. Tapos nun pala ako lang yung nag de-day dreaming.   Boom Basag!   It so embarrassing! "Excuse me..", narinig kong may nagsabi na lalaki.   "Maki..." ,tawag din sa akin ng mama ko.   "Hoy, nak.. tabi ka. dadaan na sila..", sabay kalabit pa sa akin ng mama ko.   Tapos don na ko parang natauhan.   "Ha?!"   Back to reality.   Okay para akong tanga.   "Aakyat din sila..", ulit ng mama ko.   Tapos nakarinig ako ng tawanan.   Syempre...   Napapahiyang bumaba na ako ng tourist bus. Naka harang pala ang beauty ko sa akyatan. Bali my kasama si Jin na apat pa sa likuran nya. Tapos non ko lang napansin na may dala pala syang box na hindi naman kalakihan tapos naka packaging tape yon. "Pasensya na kayo, hindi sanay nakakakita ng gwapo yung anak ko eh..", dagdag biro pa ng mama ko.   Nagtawanan ulit.   Tapos si Jin, ngiting ngiti din.   "Ma!", saway ko sa kanya.   Yung mukha ko parang nilagyan ng plastic. Kasi pakiramdam ko na stretch na at pulang pula.   Napapahiya kasi ako. "Diane, halika my ipapakilala ko sayo.." singit ni tita Virgie.   "Ah Maki, you should group up with Jin for the meantime." dagdag nito ng mapansin nito na susunod ako sa kanila ng mama ko.   "Po?"   "Oh, Jin since kayo lang halos ang kabataan dito. Kayo muna nila Maki ang magkakasama ha."   Tapos ayon...   Iniwan na nila kami.   "Hoy! Kunin mo to.." sabi ni Jin maya maya.   Nagulat ako.   Kasi bigla nalang nyang ipinasa sa akin yung dala niyang box.   "Ano naman to?, bakit ako magdadala nito?!", reklamo ko.   Hello!   Kung ano man yung laman ng box.   Pwes!   Ang bigat ah!   "I don't know.. sa inyo yan eh.. see.." sabay turo pa nya sa printed name na c/o Ms. Diane.   "Kahit ba! Hindi mo ba alam ibig sabihin ng salitang gentleman?"   "Ikaw, hindi mo din ba alam yung salitang annoying? Now, you know na mabigat yang box. Tapos ang tagal mong nakaharang sa daanan kanina. Parang nangangarap ka pa. Ngayon ka lang ba talaga nakakita ng gwapo at natulala ka ng ganon?"   Ilang sandali akong natigilan.   Manghang mangha kasi ako.   Wow!   Heavy ah!   Eh mas malakas pa pala ang ere niya sa hangin ng bagyong Yolanda!   "Excuse me!, nagbiro lang yung mama ko, naniwala ka naman agad? Kung nakakita talaga ako ng gwapo? So na saan?" Super tinaasan ko sya ng kilay.   "Nag aaway ba kayo?"   Nasa ganon akong mode nung nakangiting lumapit sa amin si Mr. Rocafort.   Sya ang fiance ni tita Virgie.   "Hindi po tito, sa sobrang BAIT po niya. nakakahiya naman po kung aawayin ko pa sya..", pasaring ko tapos plastik akong ngumiti.   "Yeah, ako na magdadala ng box. Nakakahiya naman kung ikaw pa magbibitbit nyan... kahit ba sa inyo talaga yan eh.", ngumiti si Jin at kinuha ang box.   "Wow, thank you ha. Ang BAIT mo talaga noh? nakakatuwa ka naman..",   Ang plastik ng shet na to!   "That's my boy!", proud na proud si Mr. Rocafort.   "Itong si Jin, barkada ni Bobby kaya parang tunay na kapatid na din ni Virgie kaya hindi na rin sya naiinggit kay Diane having a good child like you Maki"   Si Bobby daw yung kapatid ni tita Virgie na nasa abroad ngayon. Honeymoon daw at kakakasal lang. Hindi ko tuloy sya nakilala. "So sabi ko sa tita Virgie nyo, agahan na namin ang pagpapakasal para magkaroon kami ng sariling anak.."   Tingin ko ay kumikinang ang mga mata niya.   Ganon yata talaga pag in love ka.   "Tama po yan. Wish ko po na magka baby agad kayo.", sincere na sabi ko.   "Yeah, thanks. if it is a girl, I'm sure , she'll be a pretty girl like you.."   Banat ni Mr. Rocafort.   Yun ang alam ko na hindi sincere.   "Tito naman, hindi naman ako maganda eh.."   Aw!   Truth hurts!   "That's the truth! Maganda ka.. Come on Jin.., tell her that she's pretty..", dagdag pa ni Mr. Rocafort.   Aba!   Nang aano ba talaga to?   "Yeah, she could be prettier kung wala syang braces. Boys now a days would prepare girls with their teeth alone.. And consider to have a bangs.. Ang laki kasi ng noo mo eh.."   Toot.. toot.. toot..   Choppy ang line..   Sa daming sinabi ng Jin Chua na yan na kung ano ano tungkol sa itsura ko ay hindi ko na na-absorb pa. Eh halos sabihin na nya na dapat akong magparetoke ng buong body parts ko para lang matawag naman nya akong maganda.   "And yeah, try to lose weight too.."   Yon ang last dialog niya bago ako tuluyang lubayan.   O sige na! Sya na ang perfect. Kung na gwapuhan man ako sa kanya, binabawi ko na!   Nung gabi nga na yon...   Madaming beses kong tinitigan ang ngipin ko sa salamin na my braces pa.   Hello!   Kaya nga may braces dahil gusto ma- correct ang sungking ngipin eh. Hindi sa gusto ko lang pumorma o tawaging sosyal. Tapos pati ang noo ko na walang kamalay malay, talagang pinansin pa nya. Ang tactless naman nya! Kalalaki pa naman nyang tao.   Oo na!   Malaki na ang noo ko.   So what!? Ang malaking noo ay asset! Hindi ba sya nagbabasa man lang sa f*******:?   Ang sabi sa isang blog don. Ang tunay na maganda parang paliparan ang noo!   Pag malaki ang noo, matalino!   Yun yon!   Matagal kong tiniis ang inis habang nakikita ko sya sa resort nung time na magkakasama kami. Sabagay hindi rin naman nya ko pinapansin. Pero may mga time pa din na nagkaka encounter kami dahil sa mga oldies. Like one time na dala ko ang camera ni mama. Ako nagpresinta na taga picture tapos kinuhanan ko na din yung magagandang view. Sabik din kasi ako sa mga lakad na ganito.   Dahil sa province nga ako lumaki at ngayon ngang mag college na ako tsaka lang kami lumipat ng Manila. Yun din kasi gusto ng Papa ko. "Ay kabayo! Shet..".   Nagulat ako at napamura.   Bigla kasing may tumapon na juice sa harapan ko. Una kong pinunasan ang camera na nakasabit sa leeg ko.   Deym naman oh!   Ang mahal pa naman daw nito.   Nasa may gawing tower ako non.   So busy ako sa pag pipicture ng surroundings...   Then, sa pag harap ko nga ay may nakabungguan ako. "Kabayo talaga!?", sabi ng bengots na naka bungguan ko.   Si Jin.   "Hindi ba dapat sorry ang una mong dialog?", inis na sabi ko. Apura pa din ang punas ko sa camera at sa sarili ko. Hindi ko pinansin ang ka gwapuhan nya kahit natutukso pa ko. "You're at fault, hindi ba dapat ikaw ang mag sorry?"   "Ha? ano!?"   Sabay taas pa niya ng baso ng juice na hawak nya.   Parang sinabi na rin nya na "natapon ang juice ko ng dahil sayo."   "Kanina pa kita nakikita na kuha ng kuha ng pictures. Hindi kaya, ako talaga yung pini-picturan mo? Baka naman talagang ini-stalk mo ko?", tatawa tawang sabi niya.   Napabuga ako ng hangin.   Pinipigilan ko ang inis na unti unting nagpapa high blood sa akin.   "Wow, iba ka talaga eh noh? ganyan ba lahat ang ugali ng mga tao sa showbiz?, una hindi marunong mag sorry, pangalawa, feeling almighty at makakapal talaga ang face?!"   "Woah! Ang dami mo agad sinabi. Wait, relax ka lang.. come on, let's take a picture. Bahala ka, you'll never know baka one of this days ay sikat na sikat na ako and you'll never have a chance like this again."   Tapos nag try syang lumapit sa akin.   Kung pa cute at pa bebe lang ako baka nag selfie nga ako kasama sya.   Pero sa dami nyang pintas sa akin!   NO!   "Alam mo, kahit sumikat ka pa, dahil alam kong ugali mo, never akong magpapa picture sayo noh! che!"   Tapos ayon...   Nag walk out ako. Naririnig ko pa yung tawa nya habang papalayo ako.   Nakakainis!   Nakakasira ng araw!   ----> end of flashback   "Nakakasira ng araw!" sabay lamukos ko sa hawak ko.   Hindi ko alam na nai-voice out ko pala yung nasa mind ko.   "Friend! okay ka lang ba? ano nangyayari sayo?!", takang tanong ni Cham.   "No!, Maki naman eh, why mo naman nilukot yung love letter ko..", busangot na inagaw ni Bambi yung hawak ko.   "Sorry love letter mo nga pala yan, kala ko basahan."   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD