Chapter 6

1899 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 6                       JIN - Point of View   Beeepp!!! Beeepp!!!! Beeepp!!! "s**t! What's that?!" Di ko napigilan ang sarili ko na imulat ang masakit ko pang mata. Sunod sunod na busina ng makulit na sasakyan sa likuran namin ang gumising sa pag tulog ko. Inis akong lumingon sa pinanggagalingan ng ingay. And I saw a white kia picanto na nakaparada sa likod ng sasakyan namin. Wala kaya itong balak huminto ng pag iingay?   That's a violation!   O baka naman nag passed out na ang driver at nadiinan ang busina. I didn't get much sleep sa byahe. Una ay dahil hindi ako komportable sa sinasakyan ko ngayon. The service that I usually use ay natapat naman na coding. Late at night na natapos ang show sa province na pinuntahan namin. And we have to leave early para maka abot naman sa isang interview before lunch. Kaya hindi na kami nakapag check in man lang sa hotel.   Umayos ako ng upo.   And then again...   I look around.   Nakahinto na pala kami sa tulay. Dito daw yung site na pagtatayuan ng new billboard ko. Actually ay kaka photo shoot lang non nung isang araw.  Newly endorser ako ng papasikat pa lang na clothing line na ARMY. "Kala ko hindi ka na magigising eh,”  iro ni Bobby sa akin.   Naka upo sya sa tabi ng driver at siya ang tumatayo bilang assistant manager ko. Ang ate naman niya na si Virginia or kilala sa tawag na miss V ang manager. Madalang sumama sa mga lakad ko si miss V lalo ngayon na isa na sya sa officer ng network. Si miss V ang nag scout sa akin na pasukin ang showbiz when I was 17 years old.   High School pa lang ay classmate na kami ni Bobby. Naging close kami dahil he likes music as much as I do. Kasama ko din syang nag ba-banda noon sa school club namin.   Bali...   5 years na pala ako sa industry but to full extend ay hindi ako active sa ibang years na yon. Dahil I'm attending a college degree ng mga panahon na yon. "Parang kaka idlip ko pa lang ah, sumakit lang yung ulo ko." Reklamo ko.   Hinilot hilot ko pa yung leeg ko na nangawit sa pagkaka idlip ko. Walang nagawa yung neck pillow na suot ko. “So what do you think?" He's pertaining sa billboard. Tinanggal ko yung shades ko para tignan yung board. Utos ni miss V na tignan namin ito since on the way naman sa next schedule namin.   Nakita na namin ang layout nito. I was expecting a bit smaller frame. Pero malaki nga ito tulad ng sabi ng management. Naalala ko tuloy yung unang billboard na kasali ako. Nag i-start pa lang ako non. Kasali pa ko sa group na Skul rulers! Nag endorsed kami ng italian pizza ng isang kilalang fast food. And we even played part sa kanilang tv commercial. Four kami sa group, we sing, we dance, we played instruments etc.   Ngayon.   Solo performer na lang ako dahil yung ibang mga kasama ko noon ay naging busy na sa kanilang mga profession.   Tumingin ako ulit sa billboard.   "Ok lang.. Since it's already posted, wala naman na tayong magagawa.."   Natigil ako sa pagsasalita ko. Bigla kasing may kumatok sa labas ng car window doon mismo sa gawi ni Bobby. Hindi lang kasi yon basta simpleng katok. Malalakas na kato kaya agaw eksena talaga. "Sino naman yan?!" tanong ko.   Napakunot noo ako.   Nginuso ko yung girl sa labas.  Hindi ko naman kasi sya masyadong makita. Napakibit balikat lang si Bobby. Tapos sinipat sipat muna nya yung babae. "Baka magpapa autograph?", panghuhula pa niya.   "Sir sya po yung driver nung Kia sa likod." Sabi ni mang Bert. Driver sya ni Bobby.   Again.   I looked at the girl.   Mukhang hindi maganda ang dinadanas niya. Tingin ko ay inip na inip na sya. Dahil na rin sa paraan ng pagkatok katok nya. I can't see her full frame dahil nasa gawing likod ako. Ang alam ko lang ay makapal ang bangs nya   But anyway...   I don't care much.   Bahala na sila.   Then...   She started to knock again and again. This time mas malakas pa, napatingin sa akin si Bobby. "Pagbubuksan ko na ng bintana, since she looks cute!" Tatawa tawang sabi pa nya.   "Bahala ka." Napa iling na lang ako.   Kahit may asawa at isang anak na si Bobby ay babaero pa din talaga sya. College ng makabuntis sya at napilitan na ngang magpakasal. Ngayon nga ay 3 yrs old na ang inaanak ko sa kanya.   Tinatamad na sumandal na lang ulit ako.   And I closed my eyes.   Umaasa na kahit kaunti ay makapag pahinga pa.   "Yes?!"   Narinig kong tanong ni Bobby na pinaliit pa ang boses. Gusto kong mangiti dahil halatang nagpapa cute sya. "Hey miss, what can I do for you?!" tanong ulit niya ng hindi sumagot ang kausap.   "Don't worry, I'm not a fan..." confident na sabi ng babae.   Tapos nakikisuyo sya na kung pwede syang paraan-in. Since malapit lang daw ang pupuntahan nya. Male-late na daw talaga kasi sya sa school.   Sa isip ko...   She really talks a lot for a student na male-late na.   Kung yung time at effort nya sa pag busina, pagkatok sa window car, at pakikipag usap kay Bobby ay nag detour na sya.. Baka nasa school na sya ngayon. Gusto ko sanang dumilat, then, maki alam but I decided not to. Tutal naman. She's not my fan, right?!   "Wohohoho.. Jin narinig mo ba yon?.. Yung "don't worry, I am not a fan!"..."   Natatawang gaya ni Bobby sa dialog nung babae kanina.   "Hindi ka ba nagulat pare? Usually basta girls ay very popular ka. Tapos meron pa din pala na hayagang magsasabi na hindi mo sya fan. Sabihin ko nga kay ate V na dagdagan pa ang training mo..."   "Alam mo naman ang sasabihin ng manager mo na yon di ba?" Dagdag pa niya na nang aalaska.   "Jin! I told you not to be so snob! Pretend! If you have to. just be nice sa mga tao sa paligid mo even you don't want to.." Ginaya pa nya ang boses ng ate niya.   Napapagalitan talaga kasi ko lalo at may mga feedback na nan- deadma ako ng fan.   Isa pa...   Bihira kasi kami maka encounter ng scene na tulad nito.   Usually pag girls ay nagkakandarapa pa para lang makapag pa-picture sa akin or makapagpa autograph.   "Shut up tol!"   Napadilat ako.   Tapos ay ibinatukal ko sa kanya ang unan na nakapa ko sa tabi ko. Pero nailagan nya lang yon. Medyo nagunita ko pa kasi sa isip ko ang galit na mukha ni miss V pag pinapagalitan nya ko. Natanawan ko sa labas ng bintana yung girl na kausap ni Bobby kanina. Kausap nya yung police at may pinadidiskusyonan sila.   A typical college girl.   Wearing her long sleeve blouse at paldang maikli na pinapayagan na ng DepEd ngayon kahit parang hindi naman komportableng isuot yon during classes hours.   I stared at her face.   She looks familiar...   Pero sa dami ng tao na nakikita ko araw araw ay parang hindi ko na sya matandaan "Sino tinitignan mo?! Yung hindi mo fan?!" Narinig kong sabi ni Bobby.  Hindi ko napansin na may balak pala syang ibalik sa akin yung unan kanina. Hindi ako nakailag kaya tinamaan ako sa mukha. "Hindi ko sya fan, baka kasi ang mga type nya ay yung mga maniac na tulad mo!"   "Go to hell pare!" Natatawang sabi niya bago sagutin ang nag ri-ring na cellphone.   So after ng eksena sa tulay.   Time flew really fast.   Nag guest ako sa isang variety show. Nakipag jammingan ako at nag plug ng mga whereabouts ko sa mga susunod na panahon. Tapos ay pahinga ng konti kasi mamaya ay may show ulit. "Thank God!", masayang sabi ko.   I stretched my body.   Thankful ako dahil wala akong nakasakay sa elevator paakyat sa hotel room. Sa lobby kasi ay madaming tao ang nagpa-picture. Kala ko nga ay wala ng katapusan. Buti at trained ang mga security sa gagawin nila.   Kaya eto...   Naka escape nga ako at ang una kong naisip ay ang matulog.  Kaya nagmamadali akong pumasok sa designated room na sinabi sa akin ni Bobby. "Jin ipapa akyat ko na ba yung mga gamet mo ayy?!" Bungad ni ate Rita sa akin.   Personal Assistant ko.   Shit!   Nagulat talaga ako!   Kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka napatili pa ako sa pagkabigla.  Mapagkamalan pa akong bading or worst I swear baka nasuntok ko pa sya sa mukha. Hindi ko naman alam na pag bukas ko ng pinto ay sya agad ang mabubungaran ko. Bata pa lang ay matatakutin na talaga kasi ako or yung sinasabi nila na maguni-guni. Kakapanood ko siguro ng horror films noon.   "Jin ano na ayy? Ipapa akyat na po ba ang mga gamet mo? Aling malita lang?" Ulit na tanong niya.   "Okay... yung nasa black bag lang. " Napipilitang sagot ko.   "O umurder ka daw dito at putla ka na sa gutom, mag rest na din po ako." Sabay abot niya sa akin ng menu na naka display sa room table.   "Ate Rita, sa susunod wag mo kong tatakutin ah!" Sabi ko ng makabawi ako sa pagkabigla.   Papalabas na sana sya ng pintuan. "Papahinga ka na ba Jin? May sasabihin lang ako."   Hindi pa tuluyang naisasara ni ate Rita ang pinto ay sumilip na don ang mukha ni Bobby.   Mukhang mang iistorbo na naman.   "Hindi ba pwede na mamaya na lang yan tol? Antok na talaga ako eh, see may eyebags... Baka sumuko na ang katawang lupa ko mamaya sa performance sa Pub Royale?!" Reklamo ko na inamba kong isasara yung pinto.   "Inaatake ka na naman ng kasungitan mo. Kaya pala di nakapag paalam sayo si ate Rita."   Pinapasok ko na sya.   "Nagpaalam na sya. Ayaw ko lang ng madramang paalaman-an. Para namang hindi na sya babalik."   Naalala ko pa nung nagpaalam sya.   Nanggigilid ang luha niya dahil mamimiss daw nya ang pagod at puyat na kasama kami na mga ka-grupo nya.   Actually...   Last day na yata ni ate Rita bukas.   Basta!   Magpapakasal daw kasi sila ng half canadian na boyfriend nya na nakilala nya sa isa sa mga gig ko. Mag 30 years old na din naman sya kaya dapat lang na lumagay na sya sa magulo. What I like about ate Rita is sanay na sya sa akin. Sa two years ko syang nakasama sa trabaho. Pareho naming nirerespeto ang privacy ng bawat isa. Hindi sya pala tanong o mausisa. Tapos kabisado nya ang mga bagay na kailangan ko sa work.     "Okay, alam ko na malungkot ka sa pag alis nya pero hindi naman yon ang ipinunta ko dito... Eto..." Sabay abot niya ng long brown envelope sa akin.   May logo yon ng isang school.   "Ano to!?", takang tanong ko.   "Tatanggap tayo ng On the Job Training..."   "No way! I'll talk to miss V personally. She told me hindi na sya tatanggap ng trainee." Ibinalik ko ang envelop sa kanya.   "Iiwan ko na lang yan muna sayo, kung gusto mo lang tignan. O pano? Aalis na ko." Tinapik niya ang balikat ko at lumabas na ng kwarto.   Hinayaan ko lang sa table yung envelope at nag ready na akong matulog.   As if naman na gusto ko pang may makasama na trainee sa mga lakad ko.   After what happened before.   Not again!   Paglapat ng likod ko sa malambot na kama.   Agad na akong nakatulog.   Itutuloy..          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD