On-The-Love Training
midnyt_princess
CHAPTER 7
MAKI - Point Of View
"Ha?! Ano yung sabi mo?!" Sigaw na tanong ko kay Bambi.
"Sabi magpapa agaw daw ng souvenir mamaya. I need it! Dapat makakuha tayo non ha!", sigaw na sagot niya.
Hanep naman kasi...
Ang ingay ingay! Ilang banda pa kaya ang papatapusin sa pag kanta bago lumabas si Jin Chua?! Hindi ako inip much dahil gusto ko syang makitang magperform. Or what so ever, gusto ko lang matapos na ito at makauwi na.
Malapit na din kasing mag umaga.
Kanina pa kami nasa venue. Okay at cosy ang mini stadium nila. Talagang ginawa para sa mga party nights na tulad nito. Kaso nga lang ay hindi ako sanay sa ganitong mga crowded na lugar. Yung madilim at may pakundap kundap pang liwanag sa paligid.
Masakit sa mata!
Plus!
Nakatayo lang ang lahat kaya nakakangawit! Kung gusto daw umupo. Abay! Dapat pang bumalik sa may bar section. Medyo malayong lakaran pa.
Nakakatamad.
Napabuntong hininga ako. Siguradong maglalabasan ang mga varicous veins naming magkakaibigan. Hindi man lang nag abala yung Pub Royale na maglagay kahit mono block chairs lang. Bakit ba kasi napapayag nila kong sumama?
Kainis!
Malapit na ding sumabog ang banban ng tenga ko sa lakas ng mga speakers! Nag ngangalit kasi talaga sa sounds yung mga instruments. Kamalas naman kasi na nadasog na kami ng nadasog sa gawing side na may mga speakers. Samantalang maaga kaming pumasok para lang makapwesto ng maganda.
Asar naman kasing mga party animal yan!
I mean, mga party people nato.
Naglulundagan pa pag may mga sikat na bandang kumakanta. Kaya ang nangyayari ay nagkakapalit palit pa ng pwesto. Kanina pa ang reklamo ko pero hindi nila ko pinapansin.
Oo na!
Ako na ang puro reklamo!
Ayaw ko naman kasi talaga sa ganito. "Whoooo!!! Ang gwapo mo Rex!!!" Tili ni Cham na apura pa ang wave ng kamay. Bali haling hinan sila ni Bambi sa pag sigaw.
Tignan mo nga itong mga bruha nato.
Lahat na lang yata ay gwapo sa paningin nila.
Nakakaloka!
"Praning talaga yung kambal! Basta yata may hawak na mic, gwapo na agad sa kanila!" Malakas na bulong ko kay Marga.
"Ha? Ano yon Maki?"
"Wala! Sabi ko, maganda ka nga! Bingi ka naman! Magtext ka na lang dyan! Push mo yan te!"
Hawak kasi niya ang cellphone nya at apura ang text sa suitor niya.
"Nag e-enjoy ba kayoooo?!!!" Sigaw ng emcee na babae.
"Hindeeee!!!" Sigaw ko na tinakpan ko pa yung tenga ko.
Kasi nga ako lang yung sumigaw non at ang lahat ay oo!
Kaya anong laban ko sa mga boses nila diba?
"Okay! Nag e-enjoy naman pala sila partner.." Sabi ni girl emcee sa boy emcee na kasama nya sa stage.
"Yun naman pala partner, wag na lang natin ipakilala ang ating next guest!"
Si boy emcee yon.
Sabay sabay na nag ungulan bilang protesta yung mga tao. Napapikit ako sa sobrang inis. Sa isip ko ang oa ng mga to. Ipapakilala din naman bakit kailangan pa ng sobrang suspense moment? Hindi pa ba sapat ang 2 hrs na paghihintay ng mga tao?
Bibitin bitinin pa.
"Without further a do! Let's give around of applause... Jin Chua!"
Omg!
Kung kanina mabibingi lang ako.
Ngayon ay bingi na talaga ko.
Shete pala ang tilian talaga sa mga live na ganito.
"Jin!!!!"
"L.O.V.E. Jin!!!!"
Ayon..
Kung ano ano yung sigaw nila.
Tumitig akong mabuti sa stage.
Wala pa naman don si Jin Chua. Kung maka cheer naman ang mga to ay wagas na agad.
Maya maya nga lang...
Biglang puma ilanglang ang music kasabay ang smoke effect.
Tapos buhat sa ilalim ng stage tapos unti unting umangat yung flatform. Nandon nga si Jin Chua.
Ansabe?
Grand entrance sya!
Kahit madaming beses ng nagamit yung concept na yon sa mga concert ay patok na patok pa din. Grabe yung tilian ng mga tao halos mabingi na talaga ko. Tapos ay nabubunggo pa ang katawan ko ng mga katabi ko. Galawan kasi sila ng galawan.
Lundagan at tilian.
Daplis ko pa ngang makain yung light stick na winawagayway nung nasa likuran ko. "My God! Mamamatay na ata ako!!!" Malakas na sigaw ni Bambi.
Napahawak pa sya akin na parang hihimatayin.
Napatirik tuloy ang mata ko.
Sa bigat ni Bambi, ako pa ata ang unang mamamatay. "Ang bigat mo te ha, wag ka ngang umarte dyan!"
"Che! Ang KJ mo friend ha!" Inirapan nya ko.
Eh Kung tuluyan ko na kayang pamahingahin ang kaluluwa ng isang to? Abay ng hindi na nag sa- suffer pa, di ba? Pagka arte arte! Ibinalik ko sa stage yung tingin ko. Hindi naman kami masyadong malapit o malayo. Tama lang para makitang mabuti ang performance ni Jin.
Ayon nga...
Kumakanta na sya at nag gigitara.
Sa likod niya ay yung guest na banda. Naka white t-shirt lang sya at maong jeans pero masasabing iba nga ang aura niya. O dahil syempre, siya nga ang star sa stage kaya lahat ng atensyon ay nasa kanya.
Well...
Bukod sa maganda pala talaga ang boses nya.
(O baka dahil sa mic na gamit nya o baka hindi live?)
Ang gwapo din ng itsura nya habang nasa stage sya.
Kakaiba...
Parang...
Ang sarap nyang titigan.
(Nadaan siguro sa make up at spotlight.)
Isa pa...
Magaling din syang mag gitara. Naalala ko tuloy yung kwento ni Bambi. Madami nga palang alam na gamiting instrument si Jin. Mapa drums pa or piano.
O edi wow!
Sya na, di ba?
So ayon...
Ibinalik ko yung pansin ko sa mga audience nya. Sobrang enjoy na enjoy sila na para lang naman silang mga naka adik mode. Halos sinasabayan pa nga nilang lahat si Jin sa pagkanta eh.
Ako lang talaga yung naiiba.
Feeling ko talaga...
O.P. ako.
Hindi naman kasi ko dapat kasama dito.
"What's up Pub Royale!!!"
"Hey guys! I'm Jin and I'm happy to finally be here!"
Masiglang bati ni Jin nung matapos nya ang opening number nya.
Asar!
Napatitig ako sa kanya, ang ganda kasi ng boses nya.
At ouch! Lalong sumakit ang ulo ko sa lakas ng sigawan. "Maki! I'm dying!", oa na sigaw na naman ni Bambi. Sobra nya kung i-wasiwas yung banner na pinagawa niya sa akin. Kaya muntik pa nya kong tamaan sa mukha.
Buti ay naka ilag ako. "Ah talaga?! Gusto mo ako na lang pumatay sayo?"
"Ang Kj mo talaga!"
"Ikaw, ang oa mo naman."
Sa totoo lang.
Gusto ko nang batukan ang kambal. Ganito ba talaga ang mga ito tuwing a-attend ng gig ni Jin?!
Kaloka!
Para lang talaga silang tanga. "Ang galing mo pala talagang mag gitara Jin, at ang gwapo mo talaga upclose.." Banat ng pabebeng girl emcee.
"Thank you, thank you!" Natatawang sabi lang niya habang medyo habol pa nya ang hininga nya.
"Sa malapitan, talagang mas gwapo pa si Jin sa mga Kpop eh. Nakakabakla ka pre ha, kinis ng mukha mo..uhm!" Pakengkoy na sabi ng boy emcee.
Nagkunwari pa itong hahalik sa pisngi ni Jin.
Tilian at tawanan na naman.
"Wag ganon partner, baka mabugbog ka ng mga fans ni Jin at hindi ka na makalabas ng buhay dito..." Biro naman ni girl emcee.
"So Jin, kidding aside. How do you find this place? Pub Royale?"
"The place is great and so as the people..."
"Madaming magaganda noh?!" Pacute na naman si girl emcee
"Yeah! Pag dating palang namin kanina, madami na talaga kong nakitang magaganda." Pag sang ayon niya.
Tapos ay kumaway kaway pa sya.
Lalong lumakas yung sigawan!
Jusko pala!
Madami pang talk na nangyari.
Then...
Yung next na ginawa naman nya ay dance number.
Okay he's a good dancer.
(Nakuha siguro sa tagal ng practice.)
Bali after ng dance number nya ay kumanta pa sya ng ilan pang kanta nya.
Then...
In-announce na nila na bago nga magpaalam si Jin ay magpapamigay sila ng mga souvenir ng Pub Royale.