Tana Buhat-buhat naming dalawa ni Lei ang ilang kahon na pinadala sa amin. "Mamayang gabi. Malalaman ng buong mundo kung gaano kagaling si Master. Siya ang magbabago ng mundo ng mahika." Natutuwang sambit ng lalaking kasama namin. Kabilang ito sa mga tagasunod at taga silbi ng mga Disciples. Ang laman ng mga kahon na dala-dala namin ay walang iba kung hindi mga camera. Gusto pa nilang gawing live ang kabalastugan na gagawin nila mamayang gabi. Pasimple na lamang kaming ngumiti at tumawa ni Lei. Pareho kaming nagkatinginan dahil sa pandidiri. Hindi ko kayang sikmurain na gawin to kahit pagpapanggap lang. Kung hindi lang sinabi sa amin ni Xena. -2 days before- Wala akong tigil sa pag-iyak mula nang dinala kami rito sa kastilyo sa Frencide. Isang araw pa lamang ang lumipas pero paki

