Xena Pare-pareho kaming nakasilip sa labas. Palubog na ang araw, ito na ang oras na kikilos kami. Kumunot ang noo ko nang makitang napupuno ng camera ang paligid ng kastilyo sa Frencide. Mukhang gusto talaga nilang ipakita sa buong mundo ang gagawin nila. "Are you ready?" Marahang tanong ko kay Haritha. Sumakay ito sa lobo at tumango sa tanong ko. Lumapit ako sa kanila at pareho silang hinawakan ng lobo. "5 minutes. Yan lang ang oras na eepekto to maliwanag?" Pagpapaalala ko sa kanya. "na eínai aórato." Bigkas ko. Unti-unting naglaho sa paningin namin si Haritha at ang lobo. They're invisible for 5 minutes. "Well then, see you again Astria." Rinig kong sambit ni Haritha. Hindi ko na ito nakikita at nalaman ko na lang na lumabas na ito nang bumukas ang pinto. Narinig namin ang mab

