Inutusan muli si Cassandra ng kanyang mga magulang para magdala ng sariwang gatas sa bahay ng mga Sebastian. At ganun na lang ang lungkot niya ng hindi niya naabutan doon si Renzo ng makarating siya sa bahay nito. "Sino ang hinahanap mo Cassandra? Si Sir Renzo ba?" Pilyang tanong ni Sarah sa kanya. Napansin pala nito ang paglinga-linga niya sa loob ng bahay ng mga Sebastian habang inilalagay niya muli sa mesa ang mga bote ng gatas na dala niya. "H-ha...? Ah, hindi naman Sarah. Bakit mo naman nasabi yun, ikaw talaga." Nakangiwi niyang balik na tanong dito. "Sus! Wag na magdeny. Ano ba ang sinabi sa iyo ni sir Renzo noong nakaraan na pinapunta ka niya sa library?" curious na tanong nito muli sa kanya. Ano nga ba ang sinabi sa kanya ni Renzo noon? Tinakot?

