Cassandra POV Kinabukasan ay maagang dumating ni Renzo sa bahay naming para sunduin ako. Nagpaalam siya sa mga magulang ko na uuwe rin kami sa hapon bago mag gabi. Nangako rin si Renzo sa aking mga magulang na walang mangyayaring masama sa akin at iuuwe siya nito ng ligtas. Dahil doon ay naging panatag ang loob ng aking mga magulang. Maging ako ay nawala ng bahagya ang kaba sa aking dibdib. Wala kasi akong alam kung saan kami mamasyal ni Renzo. Pero nagtiwala naman ang mga magulang ko na walang mangyayaring masama sa akin, kaya sapat na iyon para pagkatiwalaan ko rin ito na magiging maayos ang pamamasyal namin ng araw na iyon. Habang nasa biyahe kami ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Alam ko pa naman ang lugar na tinatahak namin kaya panatag pa ang ak

