Nang matapos kong kainin ang lasagna na binigay ni Renzo sa akin ay sunod naman nitong inabot ang isang pineapple juice. "Salamat." "Pagkatapos nating kumain ay ipapasyal kita sa baba, marami kang makikitang mga prutas at gulay doon." Nakangiti si Renzo ng sabihin iyon sa akin. Napatango na lang din ako bilang sagot sa sinabi nito. Hindi pa rin ako komportable na kasama ko siya, kahit na wala naman akong nakikita o napapansin na kakaiba sa kilos nito. Parang normal nga lang kami na nagkikita araw-araw kung kausapin at tingnan niya ako. Samantalang ako naman ay hindi ko mapigil ang kabahan sa tuwing makikita nitong nakakatitig ako sa kanya. Ilalagay ko na sana ang baso ng juice sa tray kahit na may kahalati pa itong laman dahil busog na ako, nang aksiden

