Halos manghina si Cassandra nang bitawan ni Renzo ang kanyang mga labi pero nanatili pa ring nakahawak ang kamay nito sa kanyang likuran. Titig na titig sila sa isa't-isa. Tila hindi sila parehong makapaniwala sa naganap sa kanilang dalawa sa saglit na minuto na lumipas. Nadama niya na parang may gusto itong sabihin pero nasa mga mata nito ang pag-aalinlangan. "Cassandra..." bulong ni Renzo sa kanya. Tila ba naging isang magandang himno iyon sa kanyang pandinig. "Mahal kita..." Muli namang tumayo ang mga balahibo niya sa sunod nitong sinambit malapit sa kanyang tainga. Kaunti na lang at para na naman siyang mahihilo sa bisig nito. "I want to hear from your lips that you also love me, babe." muli nitong bulong sa kanya. Para siyang unti-unting nan

