Chapter 12- I really missed you

1975 Words

      Lumipas ang ilang araw at hindi na nagpakita si James sa kanya. Malamang na lumuwas na naman ito sa Manila. Talagang natiis siya nitong hindi man lang kausapin bago bumalik sa trabaho nito. Hindi pa naman siya sanay na  galit ito sa kanya. Palagi silang nag-aasaran pero kahit kailan ay hindi sila nag-away ng katulad ng huli nilang kita. Pati si Renzo ay hindi napapadpad sa kanilang bahay, kaya medyo tahimik ang mundo niya. At sinabihan naman niya ito na huwag madalas pupunta ng bahay nila para hindi sila mapansin ng kanyang mga magulang.         "Cassandra, nagpapadala si sir Renzo ng gatas sa bahay nila ngayon araw! Heto at isasalin ko na lang sa mga bote." Hiyaw sa kanya ng kanyang Nanay. Bigla naman siyang nakaramdam ng saya dahil sa wakas ay makikita na muli niya si Renzo.     

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD