Cassandra POV Palagi akong tinitext ni Renzo simula ng ibili niya ako ng bagong cellphone para magamit ko. Sinabihan ko siya na puro text na lang muna ang gawin naming para hindi ako mapansin ng aking mga magulang na may katawagan. "Ate, ang ganda naman ng cellphone mo? Kailan ka pa nakabili n’yan? Astig ah." Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ng aking nakakabatang kapatid na si Erica mula sa aking likuran. Nasa likod bahay ako at nakaupo sa kubo. "A-hh...ikaw pala. O-oo, nakabili na ako ng cellphone." Kinakabahan kong sagot dito. Bakit ba kasi hindi ko naramdaman na nasa tabi ko ang madaldal kong kapatid? Tiyak na isusumbong na naman ako nito sa mga magulang namim na naka binili na ako ng cellphone kuno. "Buti ka pa nakabili na ng magandang cellp

