May kakaibang kaba ang nararamdaman ni Cassandra habang diretso at titig na titig si Renzo sa kanya. Para tuloy siyang lalong nanginig sa ginaw dahil bukod sa ang lakas ng aircon ng kotse nito ay walang tigil ang panginginig ng katawan niya.
Hindi na siya nahintay ni Renzo at nagsalita na ito.
"Cassandra..." tawag nito sa pangalan niya. Patuloy pa rin ito sa paghawak sa kanyang pisngi at saka ito muling nagsalita. "I like you, I really like you..." Hindi niya magawang tanggalin ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi, parang may malakas na puwersa na pumipigil sa kanya para gawin ang bagay na iyon.
Ano ba ang nangyayari sa kanya? Dapat wala siyang nararamdaman sa mga sinasabi sa kanya ni Renzo. Ni hindi siya dapat maapektuhan ng sobra dahil sa presensiya nito. Pero sa huli ay nanatili siyang nakatingin at tinatantiya ang mga nangyayari sa kanilang dalawa sa loob ng kotse iyon.
Kasing lakas ng ulan sa labas ang kabang nararamdaman niya habang nanatilingin nakahawak sa kanyang mukha ang isang kamay ni Renzo at banayad nitong hinihimas ang makinis at maputi niyang mukha.
"S-sir...Pa...pasensya na po kayo." Nauutal niyang sambit dito at hinawakan niya ang pulsuhan nito para tanggalin ang nakahawak na kamay nito sa kanyang mukha.
"Bakit ka humihingi ng dispensa?" Nakunot ang noo ni Renzo pagkatapos niyang sabihin ang bagay na iyon. Marahil ay natapakan niya ang ego nito kaya naramdaman niya ang biglang pag-iba ng boses nito. Wala naman siyang balak na saktan ang damdamin nito at isa lamang siyang simpleng babaeng hindi kailan man nararapat na mapalapit dito.
"M-mali po ang mga nangyayari sa atin ngayon sir...At hindi po ako handa sa mga pinagtapat ninyo." Diretsa niyang sagot dito, maski siya ay hindi niya maintindihan ang sarili niya ng mga oras na iyon. Ang nararamdaman niya, iniisip niya at maging kung gaano niya hinangad na maging malapit sa isang Renzo Sebastian pero alam niyang hindi dapat. Iyon ang isang bagay na hindi dapat mangyari sa pagitan nilang dalawa.
"I know, hindi naman kita inaapura. Handa akong maghintay na matutunan mo rin akong mahalin...Cassandra. I"m more than willing to wait until that day that you finally with me. "
Sobra-sobra na ang mga naririnig niya mula kay Renzo at hindi na niya kaya pang salubungin ang mga mata nitong nakatunghay pa rin sa kanya. At unti-unti ay naramdaman niya ang paghina ng ulan sa labas, naging visible na rin ang daan na tinatahak nila. Hindi katulad ng mga nararamdaman niya ngayon na malabo at wala siyang nakikitang liwanag.
Aminin man niya o hindi, walang patutunguhan ang pakikipaglapit niya kay Renzo kahit gustuhin man niyang makasama ito. Ang unang-unang magiging issue sa kanila ay ang estado ng kanilang mga buhay. At hindi niya kakayanin kung pati ang mga magulang niya ay madamay dahil sa pinagtapat sa kanya ni Renzo. Mahal niya ang kanyang pamilya, at hindi niya kakayanin kung madadamay ito dahil sa mga sinabi ni Renzo sa kanya. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana at naging hudyat iyon para maintindihan ni Renzo ang gusto niyang mangyari.
Narinig na lang niya itong bumuntong hininga at kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang lungkot sa mukha nito ng simulan na nitong paandarin ang kotseng sinasakyan nila.
Habang binabagtas nila ang daan pauwe ng kanilang bahay ay hindi na niya muli pang narinig si Renzo na nagsalita. Siya naman ay tahimik lang na nakikiramdam. Hanggang sa naaninag na niya ang tarangkahan ng kanilang bahay at dahil doon ay bahagya ng gumaan ang nararamdaman niyang kaba kanina pa.
"We're here." Tinanggal ni Renzo ang seatbelt nito at akma itong bababa ng sasakyan nito ng bigla naman siyang maalarma.
"Ok-kay na po ako Sir dito. Kaya ko na pong maglakad mag-isa malapit naman na ang bahay namin." Alangan ko pang tinuro ang bahay namin na ilang metro lang ang layo sa tarangkahan namin. "Pakisoli na lang po kay Ate Sarah ang payong na hiniram ko." Dumukwang pa siya para abutin ang basket na dala niya sa backseat ng kotse ni Renzo.
"You better bring this umbrella, baka mabasa ka ng ulan." May pag-aalala ang tinig ni Renzo ng sabihin nito ang mga bagay na iyon sa kanya pero mas naramdaman niya ang lungkot sa boses nito. Binaliwala na lang niya ang isiping iyon at para matapos na ang lahat at makababa na siya ng tuluyan sa kotse nito ay pasimple niyang inabot ang payong na hawak nito. Bumaba siya ng kotse nito na hindi niya nililingon si Renzo. Maging ang pagpapasalamat dito sa pagkakahatid nito sa kanya ay nakalimutan na niyang gawin. Halos katitila lang ng ulan ng marating nila ang bahay ng kanyang mga magulang, pero binuksan pa rin niya ang payong ni Sarah at baka bigla pang lumabas ng kotse si Renzo kung makita nitong hindi niya ginamit ang payong na ibinigay nito.
Pagkababa niya ng kotse nito ay alam niyang patuloy pa rin ito sa pagtitig sa kanya. Ramdam niya iyon, natatakot naman siyang lingunin ito at makita ang ekspresyon ng mukha nito kaya nagpatuloy na lang siyang naglakad papasok ng kanilang tarangkahan na hindi niya tinitingnan ang kanyang pinanggalingan. Pagkasara niya ng pinto nila ay narinig pa niyang umandar na ang kotse ni Renzo at saka ito umalis. Napahawak na lang siya ng mahigpit sa basket na dala niya. At mas pinili na lang niyang dumeretso na sa kanyang kuwarto at magkulong doon upang pagnilayan ang mga nangyari sa maghapon niya na talagang hindi kapani-paniwala!
Nagpalit agad siya ng basang damit na suot niya at mahirap ng dapuan ng sipon. Pagkatapos ay napaupo siya saglit sa gilit ng kanyang higaan. Muli ay nagbalik ang mga pinag-usapan nila ni Renzo sa loob ng kotse nito. Bakit ba parang ang dali lang para rito ang sabihin ang mga bagay na iyon sa kanya? Hindi ba nito naisip na mali ang lahat ng sinabi at nararamdaman nito para sa kanya? Samantalang siya ay kulang na lang ay panawan siya ng urirat dahil sa mga sinabi nito. Napatitig siya sa yero ng kanyang silid at napabuntong hininga. Maling-mali ang pagtuunan pa niya ng oras at pansin ang mga sinabi ni Renzo Sebastian sa kanya, dahil unang-una wala itong maidudulot na maganda sa kanya at sa kanyang pamilya. Baka nga gulo pa ang dalin nito sa buhay niya kung patuloy niyang iisipin ang mga bagay na iyon.
Tumigil ka Canssandra, hindi ang katulad ni Renzo Sebastian ang nababagay sa iyo…naiintindihan mo? Huwag kang magpaapekto sa lahat ng mga pinagtapat niya dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan. Tandaan mong mabuti yan! Kausap niya sa sarili, at hindi niya namalayan na naigupo pala siya ng antok at tuluyan na siyang nakatulog pagkatapos.
Kinabukasan ay tanghali na siyang nagising. Halos madaling araw na ata siyang nakatulog sa kakaisip sa sinabi ni Renzo sa kanya. Kahit anong waglit niya sa mga bagay na iyon na pinagtapat nito sa kanya ay paulit-ulit namang rumerihistro sa utak niya ang mga sinabi nito. Maging ang nga mata nitong mapupungay na nakatitig sa kanya ay hindi rin mawala sa kanyang isipan. Alam naman niyang may posibilidad na pinaglalaruan lang siya nito at hindi ito tapat sa mga nararamdaman nito para sa kanya lalo na at mahirap lang siya. Baka iniisip nito na ganoon siya katanga para maniwala agad sa mga sinasabi nito sa kanya. At pagkatapos ay paasahin at masasaktan lang siya sa huli. Napailing na lang siya pagkatapos niyang maisip ang mga ito.
"Cassandra! Lumabas ka nga ng kuwarto mo at may naghahanap sayo!" Narinig niyang sigaw naman sa kanya ng kanyang Nanay. Normal na nitong ginagawa ang ganoong pagtawag sa kanya.
"Opo nandyan na Nay!" Ipinusod na lang muna niya ang hanggang balikad niyang buhok. At nagmamadali na siyang lumabas ng kanyang kuwarto.
Napahinto siya sa ginagawa niyang pagpupusod ng kaniyang buhok ng madatnan niya ang isang kumpol ng pulang rosas sa upuang kawayan nila. Katabi naman ng bulaklak ay isang basket ng mga prutas na pawang mga sariwa.
"Anak..." tawag sa kanya ng kanyang Tatay ng makita siyang nakatayo sa labas ng pinto ng kanyang kuwarto. Napatingin sa kanya ang kanyang Nanay at kapatid na si Erica, maging ang lalakeng naghatid ng kung ano-ano sa bahay nila ng umagang iyon ay napatingin din sa kanya.
"K-kanino po nanggaling ang mga iyan?" Takang tanong niya sa kanyang Tatay at Nanay na siyang unang nakakita ng mga iyon. Maging si Erica ay nakita niyang nagniningning ang mga mata sa mga bagay na nasa harapan nito, parang ito ang binigyan ng mga bulaklak dahil sa asta nito.
"Kay sir Renzo po galing ang mga iyan." Sagot ng isang unipormadong lalake na halatang tauhan ng mga Sebastian dahil may tatak pa na malaking RS ang tshirt nito na ang ibig sabihin ay Ramon Sebastian. Napalingon muna siya sa gawi ng kanyang mga magulang bago muling tinanong ang taong sumagot sa tanong niya. Tiningnan niya ang reaksyon ng kanyang mga magulang at obvious na hindi nagustuhan ng mga ito ang bagay na nasa harapan nila.
"P-ooo? Bakit naman po siya magpapadala ng mga ganyan dito sa bahay?" Kunwari ay wala pa siyang alam sa tunay na pakay ni Renzo sa kanya. Wala siyang lakas ng loob para ipagtapat sa pamilya niya ang lahat ng mga pinag-usapan nila ni Renzo kahapon.
"Basta po pinadala lang sa amin iyan ni sir Renzo. At mahigpit niya rin pong bilin ay kainin nyo raw po ang mga padala niyang prutas." Napangiwi siya sa huling sinabi nito. Para lang siyang may sakit na kailangang kumain ng prutas ganon? Napatango na lang siya pagkatapos at walang ano-ano ay nagpaalam na ang lalakeng inutusan ni Renzo na magdala ng mga prutas at bulaklak sa kanilang bahay. Pagkatapos nitong umalis ay wala naman sa loob niya na basahin ang card na nakalagay sa bulaklak, naunahan tuloy siya ni Erica sa pagbasa nito.
"Happy morning Cassandra, I hope you feel better after seeing these roses... RENZO."
Napalingon na lang siya sa gawi ni Erica pagkatapos nitong basahin ang nakasulat sa card. Tinakbo niya ang kinaroroonan ni nito at saka niya kinuha ang card. Pahablot niyang kinuha sa kapatid niya ang card na ikinatawa nito ng malakas.
"Akin na nga iyan, ikaw talaga Erica!" Saway niya sa nakababata niyang kapatid. Nakita pa niyang bumungisngis ito pagkatapos. Inirapan na lang niya ito pagkakuha niya sa card at bulaklak na bigay ni Renzo.
"Nay…Tay tingnan nyo po si ate oh..." at ito pa talaga ang may ganang magsumbong sa mga magulang nila? Pinndilatan niya ng mata si Erica na ikinatahimik naman nito.
"Cassandra, mag-usap nga tayong dalawa sa labas." Mayamaya ay sabi sa kanya ng kanyang Tatay, at parang alam na niya ang gusto nitong pag-usapan nilang mag-ama…kinabahan siya bigla. Sinenyasan naman siya ng kanyang ina na sumunod na sa kanyang Tatay na nauna ng lumabas sa pinto nila patungo sa likod bahay nila.
****
"Ano ang ibig sabihin ng mga bulaklak at prutas na galing sa Renzo Sebastian na yan, anak?" Agad ay tanong sa kanya nito, pagkaupong-pagkaupo nila sa upuang kahoy na nakatayo sa isang kubo sa likod bahay nila.
"Tay’, wala po kaming relasyon ni Sir Renzo. Ang totoo po ay..." Nag-aalinlangan pa siya kung makakaya niyang sabihin sa kanyang mga magulang ang lahat ng sinabi sa kanya ni Renzo kagabi. Pero higit niyang di kakayanin kung pag-iisipan siya ng masama ng mga magulang niya pati ang kanyang mga kapatid."M-matagal na po niyang akong gustong makilala at maging kaibigan." Panimula niya. At para siyang nauumid kung sasabihin na ba niya ang totoo sa kanyang ama o hindi?
"Gusto ka niyang maging kaibigan? Bakit daw? Marami naman siyang mayayamang kakilala na puwede niyang maging kaibigan,bakit ang isang katulad mo ang ninanais niyang kaibiganin?" Halatang hindi makapaniwala ang kanyang Tatay sa sinabi niyang rason. Halata rin na hindi nito gusto ang pagdadala ng pagkain at bulaklak ni Renzo sa bahay nila. Napayuko siya saglit dahil wala siyang malamang sabihin sa kanyang Tatay dahil tama naman ang lahat ng sinasabi nito sa kanya. Ang puso lang niya ang pilit na lumalaban sa mga katotohanang iyon.
"Tay...wala po talaga kaming ginagawang masama." Naiiyak na siya. Ang pakiramdam niya kasi ay para siyang isang batang nahuling may ginawang kapilyuhan at pilit na pinapaamin sa ginawa niyang kasalanan.
"Siguruhin mo lang na nagsasabi ka ng katotohanan Cassandra. Alam mo naman ang estado ng buhay natin hindi ba? Mahirap lang tayo at napakadali para sa mga taong mayayaman at maykaya na paglaruan tayong mga dukha." Pagpapaalala nito sa kanya. Hindi naman nawaglit sa isip niya ang katotohanang iyon. Kaya ganoon na lang ang pagpipigil niya na maging malapit kay Renzo, dahil sa estado ng kanilang buhay.
"Opo Tay," sagot niya. Hindi pa rin niya matingnan ng diretso ang kanyang Tatay, natatakot siyang makita ang anomang emosyong sa mga mata nito.
"At simula ngayon, ang kuya mo muna ang magdadala ng mga gatas sa bahay ng mga Sebatian, huwag ka nang pupunta roon kahit kailan. Naiintindihan mo ba Cassandra?" Maawtoridad na pahayag ng kanyang ama sa kanya. Napatango na lang siya sa nais nitong mangyari dahil alam naman niyang walang ibang ninais ang kanilang ama para sa kanila kung hindi ang makakabuti sa kanilang pamilya.
Naiwan siyang nag-iisa sa kubong kinaroroonan niya. Pilit pa rin niyang inuunawa ang lahat ng mga nangyayari sa kanya, ang pinagtapat ni Renzo sa nararamdaman nito sa kanya. At ang kasalukuyan nilang katayuan sa buhay. Lahat ng iyong ang nagpapagulo sa kanyang isipan.
Matuling lumipas ang isang lingo at nagulat pa si Cassandra ng makita na naman niya si James sa kanilang bahay. Nakasakay ito sa kotseng ginamit nila papuntang Liliw. Sa bahay pala nila ito dumeretso galing ng Manila.
"Ano naman ang ginagawa mo dito, aber?" Mataray niyang bungad na tanong kay James. Alam naman niyang kabisado na nito ang paraan ng pakikipag-usap niya dito sa tuwing magkasama sila. Naupo siya pagdaka sa tabi nito.
"Ano pa, eh di umaakyat ng ligaw!" Nakakaloko nitong sagot sa kanya. Pati ang kanyang Nanay ay napatawa rin ng marinig nito ang sagot ni James.
"Mukha mo! Maglubay ka nga." Saway niya kunwari kay James. Nakita niyang tumayo ang kanyang ina para magpaalam na magluluto muna ng kanilang pananghalian. Hinawakan pa nito sa balikat si James.
"Maiwan ko muna kayong dalawa dyan at ako'y magluluto muna ng ating pananghalian."
"Sige po Nay’ Lenny. Pakidamihan po ang kanin at malakas pong kumain si Cassandra." Asar pa nito sa kanya.
"Ako talaga ang malakas kumain ha?" Nakangisi niyang tanong kay James. Nakita niyang may kinuha ito mula sa gilid ng upuan nito.
"Para sa'yo." Abot nito sa kanya. Paborito niya ang dala nitong donut kaya akma niya agad na kukunin ang box na dala nito ng bigla namang bawiin nito ang box at saka nakangising tumungin sa kanya.
"Kiss muna." Biro nito sa kanya Sa sobrang asar niya ay nahampas niya ito sa balikat at saka sila nagtawanang dalawa. Mula sa sinaryong iyon ay nakita nilang biglang sumilip si Erica sa pinto ng kanilang bahay. At nang makita niya ang taong nasa likod nito ang nagpawala ng ngiti sa kanyang labi.
Renzo Sebastian?!
"Ate! May bisita tayo." Excited na hiyaw sa kanya ni Erica. Nagkatinginan sila ni James at nakita niyang iniluwang pa ni Erica ang pinto nila para tuluyang itong makapasok sa loob ng kanilang bahay. Nagtama ang kanilang mga mata saglit at siya na ang kusang nag-iwas dito ng tingin. Ibinaling na lang niya sa ibang panig ang kanyang mata. Ngunit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagdilim ng tingin ni Renzo ng makita nito na magkatabi sila ni James sa upuan. Hindi na lang niya pinansin ang ginawi nito.
"Erica bakit ba---" Sunod nilang narinig ang boses ng kanilang Nanay na lumabas mula sa maliit nilang kusina. At hindi nito naituloy ang sasabihin ng mapagtanto nito kung sino ang nasa loob ng kanilang bahay.
Nakita niyang lumapit si Renzo at bumati sa kanyang ina, saka ito nagmano. Pagkatapos ay pinaupo nito si Renzo at tinawag ang kanilang Tatay na nasa likod bahay nila.
Magkatabi sila ni James na nakaupo sa kawayang upuan nila. Si Renzo naman ay nasa dulong bahagi ng isa pang upuan na katapat ng kanilang inuupan. Kita niya ang manaka-naka nitong pagsulyap sa kanya. Pinipilit na lang niyang maging normal ang lahat sa harapan nito maging sa harapan ng mga taong kasama nila ng mga oras na iyon. Hindi kasi niya gustong mahalata ng kanyang mga magulang ang kabang nararamdaman niya sa tuwing kaharap at kasama niya si Renzo.
Minsan din niyang nakikita ang masamang pagtitig ni Renzo kay James. Ayaw na lang niya itong pansinin lalo na at hindi iyon makakatulong sa kanya para maibsan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Habang nakaupo sila ay pasimple niyang pinagmamasdan ang kabuuan ni Renzo. Nakasuot ito ng gray cotton long sleeve at maong pants, muli na naman siyang humanga rito dahil sa galing nitong magdala ng suot na damit. Napansin din niya na dahil sa tangkad nito ay naging parang isang mini chair ang inuupang nitong silya na gawa rin sa kawayan.
"Bakit mo naman kami gustong tulungan sir Renzo?" Untag ng kanyang Tatay kay Renzo ng ipagtapat nito ang dahilan ng pagpunta nito sa kanilang tahanan.
"Gusto po ni Papa na matulungan kayo sampu ng mga magsasaka para mailagay sa pangalan ninyo ang papel ng lupa na sinasaka ninyo." sagot ni Renzo sa kanyang Tatay.
"Pero…wala po kaming pera para ayusin ang sinasabi ninyong papel sir..." Reklamo ng kanyang Tatay. Totoo naman na wala silang ganoong kalaking pera para maayos ang titulo ng lupang sinasaka ng kanilang pamilya. Dati pa nais ng kanyang ama na magkaroon ng papel ang lupa nila para maging legal ang pagmamay-ari nila sa lupang namana pa ng kanyang Tatay sa yumaong ama nito.
"Wala po kayong dapat na intindihin sa gastos Tay’ Efren. Tutulungan po namin kayo na maayos ang lahat sa DAR. At kapag maayos na ang tungkol sa ownership ng mga lupa ninyo kasama ang taong nagsasaka dito sa lugar natin ay gusto po ni Papa na makipagpartnership sa inyo. Maaari po namin kayong pahiramin ng mapupuhunan sa pagtatanim sa ganon ay makakaani kayo ng malaki." Nagulat man ay naisip niyang my punto naman si Renzo sa nais nitong mangyari.
At katulad niya ay parang naliwanagan ang kanyang mga magulang sa mga sinabi ni Renzo at naging interesado ang mga ito bigla sa proseso ng papel ng kanilang lupa.
Matapos na maipaliwanag ni Renzo sa kanila ang lahat ay nagyaya ang kanyang Tatay na sa kanila na ito kumain ng tanghalian kasama sila. Inutusan pa ng kanyang Nanay si Erica na mamitas ng saging sa likod bahay nila para makain nila na panghimagas.
Renzo Third POV
Napansin ko kung gaano kalapit sa pamilya ni Cassandra si James, and it really makes me jealous! Nagpunta ako sa bahay nila Cassandra para sana makita ito bukod sa gusto kong makausap ang mga magulang nito para sa pag-aayos ng papel ng lupa ng mga ito. Masaya akong makita ito pero bigla na lang napalitan ng galit at selos ang pagkasabik ko ng malaman kong kasama nito si James sa loob ng bahay. Maging kung gaano kasaya si Cassandra ng madatnan ko ito kasama ng lalakeng iyon ay lubusan kong ikinalungkot. That time, I wanted to hug her, kiss her and tell to her family that I really wanted their daughter to be my wife…soon.
Napansin ko rin kung paano titigan ni James si Cassandra everytime na may itatanong ito sa dalaga. That looks makes me feel pissed! Wala naman itong karapatan para gawin ang bagay na iyon kay Cassandra. They don’t even have any relationship! At naniniwala akong hindi nagsisinungaling si Cassandra ng sabihin nito sa akin na hindi nito boyfriend si James, because she belongs to me, alone. At hindi ako makakapayag na makuha sa akin ni James si Cassandra , I made sure of that!
Madalas kong titigan si Cassandra just to send her my thoughts na hindi ko gusto na makita ito kasama ang ibang lalake kahit na sinabi nito sa akin na kaibigan lang nito si James. I never wanted to see her with that man, hindi ko kayang makita na masaya ito kasama ang ibang lalake...I feel like dying. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ito at maging ang pagmamahal nito. Hindi ako titigil until I gets her, and be my wife and mother of my children. I love her…at ngayon pa lang ako nagselos ng ganito katindi na kulang na lang ay ingudngod ko ang lalakeng iyon sa lupa para layuan na nito si Cassandra. And again, I gave her a warning look that she’s only mine, na dapat itong lumayo sa mga lalakeng nagpaparamdam dito bago ako tuluyang makalimot at maiuwe ko siya ng hindi oras sa aming bahay…huwag lang itong malapitan ng James na’yun!