Napatayo siya ng tuwid ng maramdaman niya ang pagdampi ng kamay ni Renzo sa kanyang braso. At dahan-dahan niya itong nilingon. Nagtama ang kanilang mga mata at doon siya nakaramdam ng muling pagkatakot, pagkatakot na baka hindi njya kayanin ang sobrang pagkakalapit nila ni Renzo at tuluyan siya nitong masukol.
"S-sir..."
"Ihahatid na kita, malakas ang ulan sa labas." Sa pagkakataong iyon ay malumanay na ang boses nito ng magsalita ito muli. Muli siyang napatitig sa mga mata nitong parang malamlam ngunit kaakit-akit. Hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kanyang braso habang patuloy ito sa pagtitig sa kanya. Hindi na niya kinaya at nagsalita na siya.
"H-huwag na po sir, kaya ko naman pong umuwe mag-isa." Pagdadahilan niya. Hindi na niya kayang magtagal sa isang lugar na sila lang ang magkasama. Pakiramdam niya ay magkakasala siya kapag hindi niya iniwas ang kanyang sarili sa panganay na anak ni Sir Ramon.
"No, I insist. Wait I just get the key. Wait for me here. Okay?" Bilin nito sa kanya at mabilis itong lumakad papasok sa isa pang kuwarto. Sinamantala naman niya ang pagkakataong iyon para makatakas dito. Pagkalabas nito ng pinto ay siya naman niyang takbo papalabas para tunguhin ang kusina.
"Oh Cassandra, bakit parang nagmamadali ka?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Sarah ng madatnan niya ito sa kusina at kasalukuyang nagluluto.
"Okay lang ako, puwede ba akong makahiram ng payong sa iyo? Nagmamadali na kasi ako at umuulan na." Pagdadahilan niya sa kanyang pinsan.
Iniabot naman nito sa kanya ang isang folding na payong. Nagpaalam na siya kay Sarah at mabilis siyang naglakad papalayo sa bahay ng mga Sebastian. Totoong malakas ang ulan at halos mabasa ang laykayan ng kanyang damit ng ulan. Ngunit ang mas ikinagulat niya ay isang malakas na busina mula sa isang kotse sa kanyang likuran. At nang lingunin niya ang pinanggalingan nito ay napatulala naman siya sa ilalim ng malakas na ulan.
Sinundan pala siya ni Renzo? Iniluwang pa nito ang bintana ng kotse nito ng maabutan siya nitong naglalakad papalabas ng malaking gate ng bahay nito. Alangan niyang sinalubong ang mga titig nito. Nahiya siya dahil umalis siya na hindi nagpapaalam dito. Sinabihan pa naman siya nito na hintayin niya ito at kukuhanin lang ang susi ng kotse nito.
"Get in the car! Ang lakas ng ulan ihahatid na kita." Utos nito sa kanya. Dahil sa malakas ang ulan ay medyo malakas ang pagkakasabi nito sa kanya ng mga bagay na iyon. Muli ay para naman siyang isang daga na walang mapuntahan matapos mahuli ng pusa. Paano ba ang gagawin niya para lang hindi na mag krus ang landas nila ng lalakeng ito?
Para namang nainip si Renzo sa pagsakay niya sa kotse nito kaya muli itong nagsalita.
"Cassandra, please get in the car! Mababasa ka ng ulan." Muli ay pakiusap nito sa kanya, at wala na nga siyang nagawa ng buksan nito ang pinto ng passeger's seat ng kotse nito pagkatapos ay pinasakay siya nito ng pilit.
Pagsakay niya sa kotse nito ay agad nitong kinuha ang basket na dala niya at inilagay ito sa backseat ng kotse nito. Pagkatapos ay may kinuha itong towel mula sa isang maliit na compartment at inabot sa kanya.
Hindi niya agad inabot ang bimpo at napatingin lang siya kay Renzo ng mga sandaling iyon kaya binitawan nito ang hawak nitong manubela at ito ang nagpahid ng basa sa braso at balikat niya. Muli ay nanglaki naman ang kanyang mga mata sa ginawa nito sa kanya. Bakit ba nito kailangan gawin ang mga ganoong bagay sa kanya? Lalo lang tuloy siyang naguguluhan pati ang puso niya ay nalilito na rin sa dapat niyang maramdaman para rito.
Hindi siya nakatagal sa ginagawa nitong pagpunas sa kanyang katawan kaya alangan niyang kinuha ang bimpo sa kamay nito.
"A-ako na lang po sir, kaya ko na po ito." Mahina niyang paliwanag kay Renzo. Kita naman niya ang pagkagulat nito sa kanyang ginawa at sinabi. Habang pinupunasan niya nag kanyang katawan ng bimpo ay kita niya ang paninitig ni Renzo sa kanya. Hindi ata ito kumukurap man lang. Pati ang damit niya bahagya niyang pinunasan ang laylayan at nabasa ito dahil sa lakas ng ulan. Na conscious tuloy siya dahil hindi niya alam kung ano ang iniisip nito habang nakatitig sa kanya.
Nang tuluyan na niyang matuyo ang tubig ulan sa katawan niya ay pinaandar na ni Renzo ang kotse nito at tuluyan na silang umalis. Napansin niya ang paggalaw ng adams apple nito ng bawiin na nito ang pagkakatitig sa kanya.
Dahil sa lakas ng ulan ay unti-unting nagbagal si Renzo sa pagmamaneho. Talaga naman hindi nila makita ang kanilang dinaraan sa lakas ng ulan. Naisip nga niya na kung hindi siya nito sinundan ay malamang na basang-basa na siguro siya sa lakas ng ulan ng hapong iyon at parang basang sisiw ang itsura niya ngayon.
"Pwede bang huminto muna tayo saglit, Cassandra? Medyo malakas kasi ang ulan, baka maaksidente pa tayo." Pagpapaalam nito sa kanya. Napatango na lang siya at sino ba naman siya para magreklamo, siya na nga lang ang hinatid nito kahit malakas ang ulan.
Iginilid nga ni Renzo ang kotseng sinasakyan nila sa isang gilid ng highway. Nagtanggal pa ito ng seatbelt pagkatapos pero siya ay nanatili lang na nakasuot ang sa kanya. Baka mamaya ay mahirapan naman siyang isuot ito, mahirap na.
Kunwari ay pinupunasan pa rin niya ang nabasang damit niya dahil sa ulan. Pero ang totoo ay kinakabahan na naman siya at alam niyang manaka-naka ay tinitingnan siya ni Renzo.
"Sorry if I was being rude to you." Mayamaya ay narinig niyang sabi ni Renzo. Nakatitig ito sa kanya ng sabihin iyon. Napaangat naman ang mukha niya para salubungin ang mga mata.
"P-po?" Alangan niyang tanong kay Renzo. Naintindihan naman niya ang sinabi nito kaso ay hindi maliwanag sa kanya ang dahilan nito kung bakit ito kailangang mag sorry sa kanya.
"I can"t just believe sa sinabi mong magkaibigan lang kayo ng lalakeng kasama mo sa Liliw. Its too obvious that he likes you that's why he is doing that kind of..." sinadya nitong putulin ang sasabihin nito saka saglit na tumingin sa labas ng bintana.
Kailangan na niyang tanungin si Renzo kung ano ba ang mali sa pagsama niya kay James at sa paghawak sa kamay niya na ikinagagalit din nito. Sino ba ito para magalit sa kanya kung makita man siya na may kasamang lalake? Magkaano-ano ba sila?
"S-sir pasensya na po, p-pero...hindi ko po maintindihan kung bakit kailangan nyo pang tanungin ang tungkol sa amin ni James. Totoong matalik ko siyang kaibigan, at sa tingin ko wala namang mali sa ginagawa namin. Bakit nyo po ba kailangang magalit tungkol doon?" Hindi na niya natiis at tinanong na niya ito once and for all. Gusto na niyang maliwanagan sa mga nangyayari sa kanilang dalawa.
"B-because I like you! At nagseselos ako." Diretsang pahayag ni Renzo sa kanya. Nagulantang siya sa sinabi nito at parang mas naging magulo ang lahat sa kanilang dalawa dahil sa sinabi nito. Hindi naman siya nagkami ng nadinig sa sinabi nito at kahit na malakas ang ulan ay dinig pa rin niya ng maayos ang boses nito dahil malapit lang sila sa isa’t isa. At talagang hindi siya makapaniwala sa sinabi nito kanina lang, paanong nagkagusto ito sa kanya? At nagselos daw ito kay James? Hindi siya kumilos oh ano pa man pagkatapos nitong magsalita at talagang hindi niya alam ang dapat niyang sabihin. Hindi rin niya alam kung nagsasabi ito ng totoo sa tunay nitong damdamin sa kanya. Baka sinasabi lang nito ang mga bagay na iyon para mapaglaruan siya nito. At iyon ang hindi niya mapapayagan!Dahil bas a mahirap lang siya at mayaman ito kaya ang buong akala nito ay maloloko siya nito agad-agad? Pagkatapos ay ano? Paglalaruan lang siya nito lalo na ang kanyang damdamin, doon niya biglang naisip ang bilin ng kanyang Tatay tungkol sa paglayo nilang pamilya sa mga Sebastian. Dahil hindi nila ito kauri oh kapantay ng estado sa buhay.
"Cassandra...please believe me. I know that what's happening between us is so fast, pero maniwala ka sana sa mga sinasabi ko sayo. Ako rin ay hindi makapaniwala na magkakagusto ako sayo ng ganito. Simula noong nakikita kitang nagpupunta sa bahay para maghatid ng mga gatas ay lihim kitang inaabangan. Nahihiya akong lapitan ka that's why I chose to watch you leaving in our house that you didn't know. At noong muntik na kitang mabundol sa kalsada? Palihim kitang pupuntahan sa bahay ninyo that time, at nagalit lang ako sayo ng oras na iyon dahil hindi ka nag-iingat. Paano kung naaksidente ka, at may nangyaring masama sayo? Pati ang pagdating ng lalakeng iyon sa bahay nyo para sunduin ka ay nakita ko. That's why sinundan ko kayo sa Liliw para masiguro kong walang ibang gagawin ang lalakeng iyon sayo. But things makes harder for me, para akong mababaliw simula ng malaman ko na may boyfriend ka na pala, at iyon nga ang kasama mo sa Liliw sa pamamasyal." May himig ng lungkot ang boses ni Renzo ng sabihin sa kanya harap-harapan ang mga bagay na narinig niya mula rito. Parang totoo ang lahat ng emosyon na nakikita niya dito ng mga oras na iyon, walang halong pagpapanggap.
Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya, naguguluhan…at parang isang panaginip ang mga nangayayari sa kanilang dalawa ni Renzo.. Ang ibig pa lang sabihin ay matagal na siyang sinusubaybayan nito? Bakit hindi niya nahalata iyon noong mga nagpupunta siya sa bahay nito? Pero bigla niyang naalala na sa tuwing makikita niya itong may kausap sa cellphone kapag dumadating siya sa bahay ng mga magulang nito ay kunwaring may kinakausap ito sa cellphone pero sa kanya naman nakatitig? Isa kaya iyon sa mga araw na inaantabayan nito ang pagdating niya katulad ng sinabi nito sa kanya? Napatingin siya saglit sa harap ng sasakyan at tinimbang ang mga nalaman at narinig niya mula kay Renzo.
Nanatili siyang tahimik at hindi halos makatingin kay Renzo. Mahirap magsalita at maski ang damdamin niya ay hindi niya alam ang tunay na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Kulang na lang ay pahintuin na niya ang ulan para lang makababa na sa kotse nito at para ba siyang pinitpit na luya sa kinauupuan niya sa sobrang lagkit ng titig nito sa kanya.
"Say anything Cassandra... I said I love you and I'm true to my words." Muli niya itong nilingon at nagtama ang kanilang mga mata.
"S-sir, naguguluhan po ako sa lahat ng mga sinasabi nyo. A-at hindi ko alam ang dapat kong sabihin."
"I know, but I want you to promise me that you will believe me whatever happens." Hinimas pa nito ang kanyang pisngi gamit ang malaki nitong kamay. At siya naman ay lalong nanglamig dahil sa sobrang emosyon na nakikita niya sa mga mata nito. Unang beses niya itong matitigan ng diretso sa mga mata at doon niya nakita ang sensiridad sa mga sinasabi nito. Puno ng pagsuyo ang bawat pagdampi ng kamay nito sa kanyang maamong mukha. Lalong lumakas ang kaba ng dibdib niya, mas malakas ngayon kaysa kanina na sinabi nitong mahal siya nito ng harap-harapan.