Chapter 3- Unang Pagseselos

1218 Words
       Maaga silang umalis ni James para mamasyal sa Liliw, Laguna. Naisip din kasi nilang magsimba bago mamasyal.         Nagulat pa siya ng dumating ito na nakakotse. Samantalang kahapon ay nag commute lang daw ito papunta sa kanila at hiniram daw ng kapatid nito ang kotseng naipundar nito mula sa pagtratrabaho sa Manila.         "Akalain mo un noh..."         "Ang alin?" Tanong sa kanya ni James habang seryoso itong nagmamaneho ng kotse.         "Ito..” Ituro niya ang loob ng sasakyan nito. “Nakapagpundar ka agad ng sariling sasakyan mula sa pagtratrabaho mo sa Manila."         "Ah yun ba, medyo nasuwertihan lang na malaki ang sahod ko sa pinagtratrabahuhan ko ngayon."         "So...puwede ka na pa lang mag-asawa ah. Malaki na pala ang sahod mo sa trabaho mo ngayon, patapos na rin si Gigi ng college di'ba?" Ang tinutukoy niya ay ang bunsong kapatid nito na pinag-aaral mismo nito. Ang kuya naman nito ay may sarili na ring pamilya.         "Oo nga eh, kaso yung mapapangasawa ko mukhang siya ang hindi pa handa." Makahulugan nitong sagot sa kanya.         Alam naman niyang siya ang pinatatamaan nito sa sinabi nitong gusto nitong pakasalan at hindi pa handa.Literal na hindi pa talaga siya handa sa mga ganoong bagay emotionally. Bata pa siya para sa mga ganoong bagay, at marami pa siyang gustong gawin sa buhay bago niya pasukin ang buhay may asawa.         "Hmmmp, baka naman kasi yung mapapangasawa mo ay marami pang gustong gawin sa buhay. Huwag mong apurahin," komento niya.         "Hindi ko naman siya inaapura, hihintayin ko siya hanggang sa maging ready na siya." Nakangiti nitong sagot sa kanya. At natawa na lang sila pareho sa huli.         Pagkasimba nila ay kumain muna sila ng umagahan. May nakita silang isang maliit na kainan kaya niyaya siya ni James na kumain muna bago sila mamasyal. Umorder sila ng tig isang order ng okoy at pancit lucban. Pati ang special espasol na ginagawa ring ng kanyang nanay ay umorder din si James.         "May gusto ka pa bang kainin?" tanong sa kanya ni James ng matapos itong kumain at sinisipsip na lang ang mango juice na inumin nito.         "Wala na, ang bigat kaya sa tiyan ng mga inorder mo."         "Mamaya na lang tayo bumili ng maiiuwe sa bahay nyo after nating mamasyal."         "Nakuh, yan ang h'wag mo nang gagawin at hindi na ako sasama sayo sa pamamasyal sa susunod." Reklamo niya. Hindi sa ayaw niyang uwian ang kanyang mga magulang, kaya lang ay hindi niya ugali ang magpabili ng magpabili kapag kasama niya ito. Maliban na lang sa pagkaen nilang dalawa na parati  siyang nililibre nito.         "Bakit naman? Gusto ko lang uwian si Nanay Kristina at matagal ko rin silang hindi nakikita."         "Huwag na okay..." saway niya muli kay James .         "Okay, kung ayaw mo sa ibang araw ko na lang sila dadalhan ng pagkain."         "Tsssk, kulet mo." At binato niya si James ng isang manipis na bilog ng tissue na mabilis naman nitong nasalo.         "Let's go?" yaya nito sa kanya. Tumango na lang siya at saka sumunod kay James pagkatapos nitong bayaran ang kanilang kinain.         Ang huli nilang pinasyalan ay ang pamilihan ng mga sapatos at mga sandals. Maraming magaganda at iba't ibang uri ng mga pangyapak ang makikita sa mismong pamilihan ng Liliw.         "Cassandra, ito bagay sa paa mo." Tinanggal ni James ang isang sandals sa kahon at saka ito lumuhod para itapat ito sa paa niya.         "Huy, ano ka ba!? Tumayo ka nga dyan." bulong niya kay James. Para itong nag propropose sa itsura nito na ang isusuot sa kanya ay hindi singsing kung hindi sandals!         "Bakit?"         "Parang tong ano...tumayo ka nga dyan." Pinipigilan niya ang matawa at baka mabatukan niya ng todo si James dahil sa ginagawa nito.           "Isukat mo na kasi." Hinawakan pa ni James ang binti niya na bahagya niyang ikinakiliti.             At wala na nga siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto nito at medyo pinagtitinginan na sila ng ibang mga mamimili sa lugar na iyon.             "Miss, isuot muna kaya. Nangawit na ang boyfriend mo oh." Tudyo ng isa sa mga taong nanunuod sa kanila. Dahil doon ay napilitan na nga siyang hubarin ang suot niyang dollshoes para isukat ang binibigay ni James na sandals.             Para namang sinukat sa paa niya ang pinili nitong sandals para sa kanya at halos saktong sakto sa paa niya ang sukat. Nagngitian ang ilan sa mga taong nakakita sa  kanila na para bang siya si Cinderella na sa wakas ay nahanap na ng prinsipe para isuot ang nawawala niyang pangyapak.             "Bagay na bagay sa paa mo ah. Maputi at makinis kaya bumagay ang kulay cream na color ng sandals." May paghangang sabi sa kanya ni James. Napangiti na lang siya at tila alam na alam nito ang kulay na gusto niya.             "Bibilin mo ba talaga ito?" Paninigurado niya kay James.  Tinulungan pa siya nitong ibalik ang sandals na sinukat niya sa kahon.          "Oo naman. Wala ka na bang bibilhin na iba? Si Nanay Lenny kaya? Bilhan natin, saka si Tatay Efren? Pati si Erica, bilhan din natin." Suhestiyon ni James.         "James ano ba ang sabi ko sayo?" Paalala niya rito.         "Oo na po." At pinisil pa siya sa pisngi ni James na ikinagulat niya.         Niyaya siya nitong bayaran na ang napili nitong sandals sa kanya. At habang palinga linga siya sa paligid ng shop ay may isang bulto ng katawan na parang pamilyar sa kanya. Hindi siya maaring magkamali.         Renzo Sebastian?         Bakit nandito ang lalakeng iyon? Baka naman nagkakamali lang siya. Pero ng humarap na ito sa gawi nila habang may kausap ito sa cellphone ay napagtanto niyang totoo ang hula niya.         Nagtama pa ang kanilang mga mata ng tumingin ito sa gawi nila ni James. May mga crew ng shop na nakabantay dito at may hawak na  dalawang kahon ng sapatos ang mga ito.         Napatulala siya ng hindi ito nagbabawi ng tingin sa kanya. May kausap ito sa cellphone pero ramdam niyang sa kanya nakasentro ang mga mata nito at parang may kung anong gusto ipaliwanag ang mga titig nito sa kanya. Hindi na niya kinaya ang mga titig nito kaya siya na ang unang nagbawi ng tingin, tinalikuran na niya ito. Pagharap naman niya kay James ay saktong hawak na nito ang binayaran nitong sandals para sa kanya.         "Tara na." Yaya ni James sa kanya at kinuha pa nito ang isa niyang kamay para hawakan. Minsan ay ginagawa sa kanya iyon ni James,  nahihiya naman siyang sawayin ito. Bilang magkaibigan naman sila at matagal na niya itong kakilala.         Habang hawak ni James ang kanyang isang kamay ng palabas na sila ng shop ay nakita pa niyang dumilim ang awra ni Renzo. Hindi na lang niya ito pinansin at kinakausap siya ni James na hindi rin niya masyadong maintindihan dahil sa presensiya ni Renzo na nagpakaba na naman sa kanya.         Hindi  niya maipaliwanag ang kakaibang kaba niya ng makita niya si Renzo sa lugar na iyon, alam naman niyang wala siyang ginawang masama para magalit ito pero...bakit ganoon? Parang ang laki ng kasalanan niya dito dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, sa kanila ni James, kung nakakamatay nga lang ang masamang tingin nito ay malamang na bumulagta na silang dalawa. Nagpatuloy na sila ni James sa paglakad hanggang sa pagbuksan siya nito ng pinto ng kotse, doon ay nakita niyang muli na nakatitig pa rin si Renzo sa kanila ni James.          Anong problema ng lalakeng iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD