CHAPTER 1

1906 Words
Chapter 1 SINADYANG kapalan ni Cassandra ang pagpahid ng pulang lipstick sa kanyang makipot na labi, sa dalawang put-apat siyang nabubuhay sa mundong ibabaw ay ngayon lang niya nagawang mag-lipstick na halos limang doble sa ordinaryong pagpahid niya ng lipstick sa labi dati. Sinadya pa niyang lagyan ng eye liner ang gilid ng mata niya at blush on ang pisngi niya. Halos makita na rin ang n*****s niya at makita ang singit niya dahil sa suot niyang dress. May apat na pulgada naman ang takong ng sandals niya. Habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin nakikita ni Cassandra ang malaking pagbabago ng pananamit at itsura niya. Para tuloy siyang babae na lumalabas lang tuwing sasapit ng gabi upang maghanap ng customer. "Humanda ka Vincent, makikita mo kung sino ang babaing iniwan mo," wika niya habang nakaharap sa salamin. Ilang saglit pa nakarinig na siya ng katok mula sa pintuan ng apartment na inuupahan niya, kinuha niya ang maliit na pouch niya na naglalaman ng cellphone, wallet, at makeup na ginagamit niya. "Oh? Mabuti maaga kang dumating Luz." Wika niya nang pagbuksan niya ito ng pintuan. Makailang beses namang pinasadahan ng tingin siya ni Luz bago ito nagsalita. "Sino ang kaharap ko ngayon?" Hindi makapaniwala na tanong ni Luz. Inikot niya ang eyeballs niya."Si Cassandra ito Gaga!" Muli siyang pinasadahan ng tingin at parang umurong ang dila ni Luz dahil sa malaking pagbabago ni Cassandra. "Lasing na siguro ako, tinamaan yata ako sa ininom kong whisky kanina." Kinapa ni Luz ang ulo niya na parang animoy hilong-hilo sa nakikita. Huminga ng malalim si Cassandra pagkatapos nauna itong lumabas ng apartment at iniwan ang kaibigan na nakatayo sa harap ng pintuan ng bahay niya. "Cassy! Wait!" Naririnig niyang sigaw ni Luz. Huminto naman si Cassandra at hinintay ang kaibigan. "Gising ka na sa kahibangan mo?" Umirap pa ito. "Yes! I can't imagine na malaki ang transformation mo dahil sa paghihiwalay niyo ni Vincent." "Ngayon ko lang ito gagawin dahil gusto kong makita ang itsura ni Vincent mamaya." Pumalakpak si Luz dahil sa sinabi ni Cassandra. "Ganyan nga! Pakita mo sa malibog mong ex-boyfriend mo na hindi siya kawalan, tingnan lang natin kung hindi siya maglaway sa 'yo." "Ngayon lang ito Luz, ngayon ko lang gagawin 'to." Sabi pa ni Cassandra. Sumakay sila sa kotse ni Luz. Isa kasing Manager ng banko si Luz. Si Luz ang pinakamatalik niyang kaibigan, college pa lang sila magkaibigan sila hanggang sa lumuwas sila ng Manila at magtrabaho. Isang manager ng banko si Luz samantalang siya ay assistant secretary sa isang kilalang kumpanya sa manila. "Ngayon mo lang gagawin Cassy at hinding-hindi ito makakalimutan ng malibog mong ex-boyfriend ang gabing ito dahil siguradong pagsisihan niya na iniwan ka." Wika ni Luz. Tumango si Cassandra at nag-aksayang ituon na lang ang pansin sa kalsada. Nasa loob na kasi siya ng kotse ni Luz at si Luz ang nagmamaneho hindi kasi nito magamit ang kotse dahil coding siya ngayong araw. "Nandito na tayo." Sambit ni Luz nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng isang disco bar. Kitang-kita na nila ang labas pasok na mga tao sa loob ng bar. Napansin rin nila ang kotse ni Vincent nang mag park sila ng kotse kung kaya't labis-labis ang nararamdamang galit ni Cassandra nang mapagtanto niyang naroon sa loob ng disco bar ang Ex-boyfriend niya. Muli niyang pinatungan ng lipstick ang labi niya upang mas lalong maging pula. Nilagyan ng blush ang pisngi at halos ipaligo nito ang pabango sa katawan. "Let's go, Luz!" Sabi nito. Pagkatapos nauna na itong lumabas ng kotse. "Be ready, Cassy." Paalala ni Luz kay Cassadra. "Handang-handa na ako." "Good." Taas ang noo silang pumasok sa loob ng disco bar. Hindi pa sila nakakapasok marami nang mga lalaking ang nagpapansin sa kanilang dalawa. Ilang beses rin may sumipol sa kanila at nagsasabing sexy. Ngunit ang hindi inaasahan ni Cassandra ay ang lalaking sumunod sa kanya at hinawakan ang matambok niyang pwet. "Bastos ka!" Sabay sampal niya rito. "Nagsuot-suot ka ng ganyang damit tapos ayaw mong magpabastos," sagot ng lalaki. "Eh, Gago ka palang unggoy ka, eh!" Wika ni Luz. Hinubad ni Luz ang sandals niya at pinukpok sa lalaki. Napasigaw naman sa sakit ang lalaki kung kaya't galit na galit itong humarap kay Luz. Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Luz. "Bitawan mo ako!" sigaw ni Luz. Hinubad rin ni Cassandra ang suot niyang sandals na may apat na pulgada ang taas at buong lakas niya itong inihampas sa ulo ng lalaki. Nabitawan naman ng lalaki si Luz. "Tara takbo!" sigaw ni Cassandra kay Luz. Ngunit bago pa siya makatakbo nahagip ng lalaki ang buhok niya at hinila ito papalapit sa lalaki. "Bwiset kang babae ka!" Nanggagalaiting sabi ng lalaki. "Bitawan mo siya!" Sigaw naman ni Luz. Nagpupumiglas si Cassandra ngunit sadya itong malakas kumpara sa kanilang dalawa. Pareho silang sinabunutan ng lalaki. Sa lakas ng ingay nilang dalawa wala kahit isang naglakas na loob na tulungan silang dalawa. "Let them go!" "Sino ka-ugh!" Tumilapon ang lalaki dahil sa malakas na sipa ng lalaki. "Are you okay, Miss. Shorty?" tanong ng lalaking tumulong. Hindi naman makapagsalita si Cassandra nang harap-harapan niyang makita ang itsura ng lalaking tumulong siya he's totally like Greek God Apollo. Tall dark and handsome may maamo siyang mukha. Singkit ang mata niya at matangos na ilong hazel brown ang kulay ng mata niya. Higit anim na dipa ang taas ng lalaki dahilan para tingalain ni Cassandra. Hindi rin nakaligtas sa mata ni Cassandra ang matipunong katawan ng lalaki. "S-Shorty- Me?" Nauutal na sagot ni Cassandra. Inilahad nito ang kamay niya at ngumiti kay Cassandra. "Sumabay na kayo sa 'kin para hindi na kayo bastusin sa loob." Tumango si Cassandra. "Okay lang ba sa 'yo?" Tanong niya. Matamis ang naging ngiti ng lalaki kay Cassandra. "My pleasure is mine lalo na at sobrang gandang babae ang kasama ko." "Ah- excuse me Mr. Chinito sasamahan mo ba kaming dalawa?" tanong ni Luz. "Sure." Inalalayan si Cassandra ng lalaki papasok sa loob ng disco bar. "Safe kayo rito," wika ng lalaking tumulong sa kanilang dalawa. Dahil sa nalanghap niya ang amoy ng alak at sigarilyo sa loob ng bar. Hindi niya halos marinig ang sinasabi ng lalaking kapre na tumulong sa kanya. "Cassy, kinakausap ka ni Mr. Chinito." Siniko siya ni Luz upang marinig ang sinasabi nito. "Ulitin mo nga ang sinasabi mo?" Tanong ni Cassandra sa lalaking kapre. Nang yumuko ang lalaki at inilapat nito ang bibig sa tainga ni Cassandra nakaramdam ito ng kilabot at tumayo ang balahibo nito sa balat. "You're safe here," bulong nito. "Thank you," mahinang tugon ni Cassandra. "Cassy, ang guwapo ng lalaking tumulong sa atin," wika ni Luz, nang makaali ang lalaki. She sighed. "Um-order na lang tayo bigla akong nauhaw," aniya. Um-order si Luz ng alak at ininom nila iyong dalawa. Mula sa kinatatayuan nila Cassandra at Luz natanaw nila si Vincent ang ex-boyfriend ni Cassandra. Nakangisi ito kay Cassandra habang nakapalupot sa babaing kasama nito bukod do'n ipanapapakita nito sa kaniya ang lambingan ng mga ito. "Gago talaga ang ex-boyfriend mo," wika ni Luz habang tinutungga ang alak at nakatanaw kay Vincent. Lasing na rin ito dahil sa dami ng nainom na alak, bago pa nito sinundo si Cassandra uminom na ito ng alak sa party na pinuntahan niya. Saglit siyang natigilan at tumingin sa ex-boyfriend niya. "Tss… watch me my dear." Tinungga niya ang huling patak ng boteng hawak niya at pagkatapos pumunta siya sa gitna kung saan may sumasayaw at may kumakantang banda sa stage. Gumigiling-giling siya sa mga lalaking nais siyang makaparehong sumayaw. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ng ex-boyfriend niyang nag-aapoy sa galit. "Woah! Party! Party!" Sigaw pa niya habang gumigiling siya sa gitna. Dulot na rin ang alak na nainom niya kaya nawala ang hiya niya. "Guys, let's play a game." Huminto ang nakakaindak na kanta at nagsibalikan sa kani-kanilang table ang mga tao nasa gitna kanina. "Lasing ka na nga Cassy, umuwi na tayo," wika ni Luz nang nasa table na silang dalawa. Ngumisi si Cassandra. "Mukhang ako lang yata ang uuwing mag-isa." Sabay tingin nito sa lalaking katabi ni Luz. No… ihahatid ka namin bago kami pumunta ng langit." Malanding sabi ni Luz na animoy kinikiliti dahil sa tawa nito. Liberated si Luz at iyon ang hindi nakuha ni Cassandra sa kaibigan kahit mahilig ito makipag-fling sa ibang boys hindi naman ito ginaya ni Cassandra kahit na nga matalik silang magkaibigan. "I need three girls who have the confidence to stand here on stage!" narinig nilang sabi. Napatulala si Cassandra nang makita niya ang lalaking tumulong sa kanila kanina ay nasa stage at isa pala itong miyembro ng banda na kanina pa tumugtog. Hindi niya napansin marahil sa kalasingan. May ngiting namutawi sa labi niya pagkatapos muli niyang ininom ang alak ng kaibigan niya pagkatapos tumayo siya. "Me! Count me in!" sigaw niya. Lahat ng mga tingin ay nakatuon kay Cassandra maging ang tingin ng lalaking kapre ay nakatitig sa kanya. "Woah! May isang hot and sexy beautiful girl ang matapang." Sabi pa ng lalaki. May dalawang babae ang muling tumaas at matapang na umakyat sa stage. Pagkatapos naghiyawan na ang loob ng disco bar. Nanatiling nakatitig kay Cassandra ang lalaking tumulong sa kanila hanggang sa maka-akyat siya ng stage. "Okay! Ang game natin ay body shot sa umbok na dibdib." Naghiyawan muli ang paligid. "Sino ang mga lalaking gustong sumali?" wika ng emcee. "Me!" Napatitig si Cassandra nang nagsalita ang lalaking kapre na tumulong sa kanya at miyembro ng banda. Napalunok si Cassandra tumabi ito sa kanya nakaramdam siya ng panlalamig ng kamay ngunit nang tumingin siya sa ibaba ng stage nakita niya ang ex-boyfriend niyang nakatingin. Watch me, my dear Ex. Pagkatapos makapili ng dalawa pang lalaki na magbo-body shot naman sa dalawang babae. Binigyan ng tig-iisang shot glass ang tatlo, pagkatapos binasa naman ni Cassandra at ng dalawang babae ng katas ng lemon ang dibdib nila. "Okay! Ready!" Muling naghiyawan ang paligid. Humarap naman sa mga tatlong babae ang mga lalaking may hawak na alak. "In a count of one...two.. three!" Mabilis na tinungga ng lalaking tumulong kay Cassandra ang alak at pagkatapos hinimod ang katas ng lemon sa dibdib niya. She moan kahit hindi naman dapat nakaramdam siya ng kiliti at init ng katawan lalo na at hindi nito inaalis ang labi sa maumbok niyang dibdib. "Times up!" sigaw ng Emcee. Bumuga ng malakas na hangin si Cassandra nang i-angat ng lalaki ang mukha nito mula sa dibdib niya, pakiramdam kasi niya naubusan siya ng hininga dahil sa pagpipigil. She felt lust for the man "s**t!" wika ng lalaki. Hinila si Cassandra sa likod ng stage pagkatapos siniil siya ng halik ng lalaking nag-body shot sa kaniya. Hindi naman siya tumutol bagkus ay tumugon siya sa halik ng lalaki. "Brad! Mamaya mo siya papakin hindi pa tapos ang session natin." May panghihinayang na inihinto ng lalaking ang pakikipaghalikan kay Cassandra. "Stay here. I will be back at 1:00 am," sabay halik nito kay Cassandra sa labi. Napakagat labi si Cassandra at ngumiti. Mistula naman itong pang-akit sa lalaki kung kaya't humirit pa ito ng halik kay Cassandra bago ito umalis. "I will eat you later. Please stay!" bulong nito kay Cassandra. "Sure! Eat me babe, I am sweet like chocolate." wala sa wisyong tugon ni Cassandra. Wala na ito sa sarili dahil sa kalasingan kaya nanatili ito sa kinauupuan niya at nakatulog ito bago pa matapos ang gig ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD