bc

IKAW LANG ANG MAMAHALIN [SHAYNE CASTAÑEDA SERIES2]

book_age18+
1.6K
FOLLOW
11.5K
READ
HE
opposites attract
arranged marriage
arrogant
badboy
doctor
heir/heiress
drama
bxg
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

SHAYNE and NIEL story:

Niel was forced to marry a woman he didn't love but hated the most. Si Shayne Castañeda na sana ay hipag niya. Pero dahil sa malagim na aksidente, namatay ang kakambal niya at nobya dahil kay Shayne. That's why he hates her the most. Shayne lost her memory, habang si Daeniel na nobyo nito ay inihabilin siya kay Nathaniel bago ito namahinga. Because of that promise, Niel was forced to marry his sister-in-law. Pero kaya nga bang magtiis ni Shayne sa piling nito kung araw-araw siyang dinudurog at pinapahirapan ni Niel sa sarili nilang tahanan?

chap-preview
Free preview
Prologue
EXCITED si Shayne na pinuntahan ang kasintahan nito sa condo. Ngayong araw ang unang anniversary ng kanilang relasyon. Dala ang pasalubong nitong chocolate cake na siya mismo ang nag-bake para sa nobyo. She wants everything to be perfect on this day. Dahil ito ang first anniversary nila ng kanyang kasintahan. Napapakagat ito ng ibabang labing pikitmatang pumasok sa unit ng binata. Hindi rin maintindihan ni Shayne kung bakit sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso! Na tila may negatibong bagay ang nagpaparamdam sa kanya. Pero pilit nitong iniwaglit sa isipan at tumuloy pa rin. Napangiti ito na hindi naka-lock ang pintuan. Kaya naman nagtuloy-tuloy na ito sa pagpasok. Kinikilig ito at excited na makita ang kanyang nobyo. Lalo na't sinadya niyang hindi na muna magparamdam dito para pasabikin ang binata. “Baby–” Natigilan ito at nanigas sa kinatatayuan na mabungaran sa sala ang dalawang pares na kapwa hubo’t-hubad! Napaawang siya ng labi na parang pinipiga ang puso at sunod-sunod na tumulo ang butil-butil niyang luha habang nakamata sa dalawa! Nakatayo ang lalake sa likuran ng babae, habang ang babae naman ay nakatalikod sa binata amd they are having intimate s*x! Nahimasmasan si Shayne at nabitan ang cake na dala! Puno ng galit na sinugod ang dalawang pares na natigilan din na napalingon sa kanya! "Hayop ka! Manloloko ka! Manloloko ka! Bakit ngayon pa?!" sigaw nitong kaagad sinugod ang dalawang natuod din sa kinatatayuan at nagulat na makita ito! “Malandi kang babae ka! Mang-aagaw!” galit niyang sigaw na naiduro ang dalagang ngayon ay nalilitong palipat-lipat ng tingin sa binata at sa sumulpot na dalaga! Galit na galit itong hinablot ang mahabang buhok ng dalagang katalik ng kasintahan! Puno ng gigil na mahigpit na sinabunutan ang dalagang hubad pa at dumadaing! “Ouch! Ano ba?! Get off me! Sino ka ba?!” daing ng dalaga na magkakasunod na sinampal ni Shayne sa pisngi! “Who am I?! Ako lang naman ang nobya nitong lalakeng tinuwaran mo! Dito ka pa talaga nagkalat sa condo namin?! Ang kapal ng mukha mo!” galit na sigaw ni Shayne sa pagmumukha nito! Natauhan naman ang binata na marahas na hinablot sa braso si Shayne, dahilan para mabitawan nito ang dalagang hubad pa rin at sapo ang pisngi na namula sa pagsampal ni Shayne dito! "Damn you! Who do you think you are to slap my girlfriend, huh!?" buong-buo ang boses na bulyaw ng binata ditong namutla, nanigas at natigilan! Lumarawan ang kirot sa mga mata ni Shayne pero hindi siya nagpatinag. Matapang na sinalubong ang mga mata ng nobyo at malakas itong sinampal! Sa lakas ng pagkakasampal niya sa binata ay tumagilid ang mukha nito! "Girlfriend!? Damn you! Ako ang girlfriend mo dito! It's our first anniversary today pero ito ang isasalubong mo sa akin!? Ang kapal ng pagmumukha mo!" gigil na gigil nitong bulyaw sa kasintahan na napakurap-kurap. Natigilan pa ang binata na mapatitig ditong pulang-pula na ang magandang mukha at nagliliyab sa galit ang mga mata! “Teka–ikaw si Sha–” "How dare you! Dinala-dala mo ako dito at gan'to lang pala ang malalaman ko! Magsama kayong dalawa!" bulyaw din ng isang dalaga sa binatang kasimtahan na kaagad isinuot ang dress nito! Namilog ang mga mata ng binata na nataranta. Kaagad na inabot ang towel na ipinulupot sa baywang dahil hubo't-hubad pa rin ito! "Alena, wait! Babe, please, let me explain! I don't know who is she. Please, don't leave! Hwag mo naman akong iwan," paghabol nito sa kasintahan na nag-walk-out kaya napahabol sa kanila si Shayne! "Ang kapal naman ng mukha mong harap-harapan akong itanggi sa babaeng 'yan!" asik ni Shayne ditong hinablot sa braso ang binata. "Pwede ba, Ms? Tantanan mo ako! Hindi nga kasi kita kilala at lalong-lalo ng hindi kita kasintahan!" bulyaw ng binata dito na kaagad sinundan ang kasintahang lumabas na ng unit! Nagkahabulan silang tatlo hanggang parking lot. Siya namang pagdating ng isang binata na kamukhang-kamukha ng isang binata na pinag-aawayan ng dalawang dalaga! Nagulat pa ito na makilala ang dalagang umiiyak na tumatakbo na kanyang sinalubong! "Alena? What a surprised?! Kasama mo ba si Nathaniel?" bulalas ni Daeniel na napakalapad ng ngiti. Natigilan naman si Alena. Napatitig sa binata at para siyang namalikmata na nakikita ang nobyo nito pero iba ang kabuoan! Napalis naman ang ngiti ni Daeniel na mapasuri ditong sabog-sabog ang buhok at umiiyak. "M-mark Daeniel?" utal nitong sambit na ikinatango ng binatang bagong dating. "A huh.” "Daeniel!” bulalas nito na makilala ang binata, ang kakambal ng kasintahan nito! “He cheated on me, Daeniel. May girlfriend pala siya dito,” umiiyak na pagsusumbong nito na niyakap ang binata. “Huh? Si Nathaniel, may ibang girlfriend dito?” nakatulalang tanong ni Daeniel na niyakap ito pabalik at hinagod-hagod sa likuran. “Oo, dumating ‘yong babae niya sa unit mo. Anniversary daw nila ngayon. Matagal na niya akong niloloko,” pagsusumbong pa ni Alena habang umiiyak sa balikat ni Daeniel na namilog ang mga mata! “Sandali– baka si Shayne iyon, Alena. You must be mistaken, malamang si Shayne iyon dahil anniversary namin ngayon! Baka napagkamalhan kayo ng nobya ko at hindi nakilala si Nathaniel!” bulalas ni Daeniel dito na natigilan din at dahan-dahang napakalas sa binata. “W-what? G-girlfriend mo iyong sumulpot sa condo mo?” utal na tanong ni Alena dito na tumangong napahawi sa buhok. Hindi namalayan ng dalawa ang kotseng humaharurot na ikinalingon nila dito! Akmang itutulak ni Daeniel ang dalaga pero huli na! Umangat silang dalawa sa ere at malakas na bumagsak sa semento! Sa lakas ng pagbagsak nila, umagos kaagad ang dugo sa kanilang ulo at dilat ang mga matang nanigas at nanghina! Siya namang pagdating nila Shayne at Nathaniel sa parking lot na nagtatalo pa rin! “Pwede ba, Ms, bumalik ka na lang doon at baka mapatulan na kita!” galit na sigaw ni Nathaniel dito. “Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit sa ating dalawa?! How dare you, Daeniel–” Natigilan silang dalawa na malingunan ang dalawang tao na nakahandusay sa parking lot at kapwa naliligo sa dugo! "Alena!?" "Daeniel!?" Panabay nilang bulalas na tinakbo ang kanya-kanyang kasintahang nag-aagaw buhay na! "Fvck, bro!? Babe!?" bulalas ni Nathaniel na napasabunot sa ulo at hindi malaman kung sino ang unang sasaklolohan sa kapatid at kasintahan nito! "Baby? Oh my God! W-what's happening?" nanginginig ang boses na bulalas ni Shayne. Namumutla ito na makilala ang nobyo niya na ngayon ay naliligo sa sariling dugo! Nanginginig ang buong katawan nito. Nanghinang napaluhod sa tabi ni Daeniel na akmang hahawakan ito nang hablutin ni Nathaniel ang kanyang braso! “This is all your fault! Ikaw ang dahilan ng kaguluhang ito!” galit na sigaw ni Nathaniel dito na hinatak siya patayo saka itinulak! Muntik pang mapaupo si Shayne sa lakas ng pagkakatulak ni Nathaniel sa kanya! Puno ng galit ang mga mata ng binata na kulang na lang ay paslangin na siya nito! "Ipagdasal mong mabubuhay ang kapatid at girlfriend ko, Shayne. Pasalamat ka at hindi ako nananakit ng babae! Pero oras na may mawala sa kanila? Ikaw ang kauna-unahang makakatikim kung paano ako magparusa!" madiing pagbabanta nito kay Shayne na natutulala sa mga nangyayari. Hindi naman nagtagal ay dumating ang ambulance na tinawagan ni Nathaniel. Puno pa rin ng galit ang mga mata nito at nagpipigil lang sugurin si Shayne. “S-sandali, sasama ako!” bulalas ni Shayne nang akmang isasara na ang pintuan ng ambulance. Nag-igting ang panga ni Nathaniel na matalim ang tinging ipinupukol sa dalaga. “No, Shayne. You're not coming with us!” madiing sikmat ni Nathaniel na tinabig ang kamay nito at isinarado na ang ambulance! “N-no,” nanginginig na usal ni Shayne na nanlambot ang mga tuhod at napaluhod. Napahagulhol itong nakamata sa ambulance na lumabas na ng parking lot. Puno ng takot at pag-aalala ang puso at isipan nito na naiisip ang nobyo niyang nag-aagaw buhay! “D-daeniel,” usal nito na nagpahid ng luha. Pilit itong tumayo na nagtungo sa kanyang kotse. Damang-dama niya ang panginginig ng buong katawan sa mga nangyari! Nangangatal ang kamay na in-start nito ang engine ng sasakyan at mabilis na pinaharurut ang kotse palabas. Tuliro at lumilipad ang isipan ni Shayne habang mabilis na nagmamaneho. Sinusundan kasi nito ang ambulance dahil hindi niya alam kung saan dadalhin ni Nathaniel ang kapatid nito. Panay ang pag-overtake ni Shayne sa mga nakakasabayan sa daan. Hanggang sa namalayan na lamang nito ang truck na makakasalubong niya at huli na para umiwas siya! ***** PARANG matatakasan ng bait si Nathaniel habang nakatitig sa dalawang katawang natatabingan ng puting tela dito sa morgue ng hospital na pinagdalhan sa kakambal at kasintahan. Dead on arrival ang kasintahan nito habang naghihingalo ang kakambal at pinapangako siya ng isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan. Pero dahil mahal na mahal nito ang kakambal at nag-aagaw buhay na ito ay pikitmata nitong tinanggap ang pakiusap ng kakambal niya. Ang alagaan, ingatan, protektahan, mahalin, pasayahin at tuparin ang pangako nitong kasal. . . sa kasintahan niyang si Shayne Castañeda. Ang nakababatang kapatid ng bayaw nilang si Alp Jhanlo, Castañeda–asawa ng Ate Mikay nila. Napasabunot sa ulo si Nathaniel na umagos ang masaganang luha sa mga mata. Para na siyang mababaliw sa mga nangyari. Kung paanong sa isang iglap, nawala ang pinakamamahal niyang babae at ang kanyang kakambal! "Humanda ka sa akin, Shayne Castañeda. Siguraduhin kong. . . magiging miserable ka sa piling ko. Mark my words. Pagsisisihan mong. . . nakilala mo pa ako,” piping usal nito na puno ng galit ang mga nanlilisik niyang mata na iniisip si Shayne!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.1K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook