SHAYNE: LUMIPAS ANG mga araw na nanatili si Niel sa hospital. Hindi naman siya sumusuway sa naging usapan namin. Kapag nakaharap sa amin si Nathan ay maayos kami at naglalambingan para sa anak namin.. Pero kapag tulog na ito o nakatalikod ay alam na nito kung saan ilugar ang sarili. Napapanguso ako habang nakahalukipkip na nakamata sa malayo. Masaya ako kapag nakikita si Nathan na napakasaya niyang magkasundo kami ni Niel. Pero nagu-guilty din ako na para naming niloloko ang anak naming maayos na kami ng ama nito. Kahit ang totoo ay hindi pa. "Shayne?" napalingon ako dito na kanina pa pala niya ako pinagmamasdan habang ang lalim ng iniisip ko. "May kailangan ka?" casual kong tanong na nag-iwas kaagad ng tingin sa mga mata nitong mapupungay. Tila nakikiusap lagi ang mga iyon sa akin la

