FRIAH'S POV: Pagmulat ng aking mga mata ay ang mahimbing na Kuya Aidan ang aking nabungaran, habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa aking beywang. What the heck?! Ano 'yun, nanaginip lamang ba ako? God, parang totoong-totoo at si Fridah? Gosh, parang 'di ako makapaniwala sa nangyari sa akin. Nananayo ang akong mga balahibo. Hindi naman siguro gawa-gawa lang iyon ng aking isip. At bakit ko naman napapanaginipan ang gano'ng bagay. Akala ko pa naman ay natuklasan ko na talaga na wala akong split personality, iyon pala ay pinaasa lang ako ng aking panaginip. Nang maalala at maisip ko ang phoenix sa aking silid ay mabilis akong bumangon. Mabilis ang hakbang ko patungo sa aking silid, para lang matingnan ang bagay na iyon. Alam ko iyon talaga ang dahilan, e. Iyon ang naging susi namin

