FRIDAH'S POV: "Ang ganda-ganda mo naman," sambit sa akin ng makeup artist na si Desiree, habang inaayusan niya ako. Kasalukuyan akong nasa isang go see for a mini test shoot for content. Paano ako napunta rito? Syempre, lahat ng ito ay kagagawan ni Eina. Isang photographer daw ang next target namin. Kaya heto ako, imbes na nasa University ay nandito ako for a shoot. "Siguradong mapipili ka niya mamaya," chika sa akin ni China, na baklang assistant ni Desiree. "Talaga? Baka naman binobola mo lang ako? Tapos, hindi ako matanggap," sabay kagat ko ng aking labi. "Your beauty is like poison, alluring men with just one glance." she crouched a bit, para maibulong iyon sa aking tainga. "Tingnan mo ang ilang model dito, walang inatupag kung 'di ang tumingin sa'yo." Tumawa pa siya ng nakakaloko

