Chapter 20

1035 Words

FRIDAH'S POV: Nawala ang ngiti sa aking labi, nang makita ang galit na mukha ni Kuya Aidan. What's with him? "Saan ka galing?" Tanong niya sa baritonong boses. "Nag-gala lang kami ng mga frie-," hindi ko na natapos ang aking sasabihin, nang bigla niyang haklitin ang palapulsuhan ko at hinila patungo sa unit niya. "Sabihin mo nga sa akin, kung saan ka galing?!" Malakas na sigaw niya, nang makapasok kami sa loob ng unit niya. "Kumain lang sa restaurant," Nakayuko kong sagot. "Sinungaling!" BIgla akong nahintatakutan sa sobrang lakas ng sigaw niya. Tila kinurot ang puso ko nang masilip na namumula ang kan'yang mga mata at tumutulo na ang ilang butil ng luha niya sa mga pisngi. Matapang ako simula pa noon, ngunit pagdating kay Kuya Aidan ay parang nakakalas lahat ng inipon kong tapang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD