Chapter 1
Kinakabahan si Faith na hindi mawari, paano na lang kung mabuko siya ng asawa ng kanyang kakambal? Kailangan niyang magpanggap dahil sa pabor na hiningi ng kakambal niyang si Hope. Alam niyang labag din iyon sa kalooban ng kapatid pero kailangan nilang gawin dahil sa utang na loob.
“You listen, huwag na huwag mong ibubuking ang kapatid mo, do you understand?” paalala sa kanya ng kanyang ama.
Nakayuko si Faith sabay tango. Isang tahimik na dalaga si Faith at ang tangi niyang kasama ay kanyang mga libro. Ngunit hindi niya akalain na ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa pabor na hiningi sa kanya ng kanyang kapatid at mga magulang, pero alam niyang mahahalata siya ni Orson.
Kailangang makipagkita ni Hope sa boyfriend nitong mayaman na si Takushi, isang Hapon na ginamit lang din ng kanyang kapatid para mabayaran ang malaking utang ng kanilang mga magulang na puro lulong sa Casino.
Mula sa kotse ng ama ay umibis si Faith. Nanginginig ang kanyang tuhod. Pinagmamasdan niya ang malawak na mansion ng mga Gokongwei. This is it, kahapon lang ikinasal sina Hope at Orson. At siya, bilang kapalit ni Hope ang papapel sa honeymoon. Napayakap si Faith sa sarili. She can’t, but she need to do it. Para sa utang na kailangan nilang mabayaran.
Dios ko, tulungan niyo po sana ako. Alang-alang sa mga magulang ko.
Pinipigilan ni Faith na huwag mapaluha. Nag-aalala rin siya sa kanyang kapatid, alam niyang hindi rin nito kayang gawin iyon, hindi niya akalaing silang magkapatid pa ang gagamitin ng mga itinuturing nilang mga magulang na magbayad sa malaking pagkaka-utang ng mga ito sa Casino.
Pumasok siya sa loob ng mansion. Nagulat siya nang makita ang naghihintay na si Orson. “Nasaan si Hope, at bakit ikaw ang ipinadala ng mga magulang mo dito?”
Napayuko si Faith. Sinasabi na nga ba, hindi nila maloloko si Orson. Alam niya na mahal na mahal nito ang kanyang kakambal. At kilalang-kilala na nito si Hope. Humugot ng malalim na hininga si Faith at hinarap ang lalaki.
“May pinuntahang importanteng tao si Hope, at-’’
“Bullsh-t!” malutong na mura ni Orson at napaigtad si Faith. Biglang binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Napangiwi pa siya nang matamaan ng bubo gang kanyang isang paa. Napansin niya ang pagdurugo niyon.
Lihim na naawa si Orson nang mapansin ang munting dugo sa isang paa ni Faith. Sh-t! Mabilis na nilapitan niya ang dalaga at pinangko ito na ikinagulat ng dalaga. Pansin niya ang ilang butil sa mga mata nito, hudyat na impit itong napaluha.
“I’m sorry, I just can’t believe it, hindi ko akalaing hindi ko pala makakasama ang tanging babaeng minahal ko, then you came, I’m so disappointed. Bakit ka pumayag, Faith?”
Hindi makatingin ng diretso si Faith sa mga nangungusap na mga mata ng binata. Bagkus ay iniwas niya ang tingin. Nakonsensya siya sa mga pangyayari. Paano nga ba niya sasabihin sa binata na hindi ito kailan man minahal ng kanyang kapatid. Kung alam lang sana nito kung gaano niya ito kamahal. Lihim siyang nasaktan nang mapansin ang kalungkutan sa mga mata ng binata.
“Ayokong sagutin ang tanong mo, please…,” pakiusap ni Faith, naninikip ang kanyang dibdib at tila ba may bikig sa kanyang lalamunan.
“Kailangan kong gawin ito para sa utang ng mga magulang ko, itataya ko ang dangal ko, Orson. Please, be gentle for our first night,” pakiusap ni Faith sa binata.
“I’m sorry, but I can’t. Don’t worry, magbibigay ako ng pera sa mga magulang niyo. Pero kailangan mong sabihin sa akin kung nasaan ang kapatid mo, kailangan ko siyang makita at makasama, Faith.”
Parang sinaksak si Faith ng makailang ulit. Ano bang meron sa kapatid niya na wala siya, para mahalin din siya ni Orson? Pinipigilan niya ang mapaluha. It hurts big time. Para bang ang hirap huminga. Hanggang kailan ba siya magmamahal na may katugon din na pagmamahal?
“Nasa Japan si Hope, kasalukuyan niyang kina-tagpo ang boyfriend niyang Hapon,” sagot niya sa binata.
“Your lying. Tell me that you lie, Faith!”
Napansin ni Faith ang pag-igting ng panga ng binata. Gusto niya iyong haplusin kahit man lang sa pamamagitan niyon ay maibsan ang pag-aalala nito para sa kanyang kapatid.
“I’m not, I’m just stating the fact,” sagot ni Faith sa binata.
Maingat na inilapag ni Orson si Faith sa malambot na couch, tumayo siya para kunin ang medicine kit, nang makabalik na siya sa kinaroroonan ng dalaga binigay niya dito ang medicine kit na dala.
“Aling Dana, ihatid niyo mamaya si Faith sa may guest room.”
“Yes, sir.”
“I need to go upstairs. Good night, maaga pa ako bukas.”
Tahimik na napatango si Faith. Nagdurugo ang kanyang puso. Hanggang kailan ba siya magmamahal ng lihim sa lalaking iniibig? How she wishes, siya na lang si Hope. Matapang, matalino, maganda at sexy. While her on the other side, isang simpleng dalaga na hindi mahilig sa makeup. Lip balm at polbo ay okay na iyon sa kanya. She wears a formal dresses na hindi mo masasabing manang siyang tingnan, but she was too formal. Unlike her twin, kung manamit ay halos lumuwa na pati kaluluwa nito. Hope, is classy, elegant and sophisticated. Kaya nga maraming mga lalaking nahuhumaling sa taglay nitong kagandahan.
Pagkatapos na malagyan ng band-aid ang kanyang sugat, agad na tinawag ni Faith ang isang katulong para samahan siya sa guest room. Ngumiti siya dito at saka ito tumalima at dinala siya sa malawak na guest room.
Namangha si Faith sa kinaroroonan niyang guest room. Lumapit siya sa malaking kama at sumampa roon. She inhaled and feel the moment. Feel niya para siyang nakawala sa isang hawla. Bumangon siya at in-open ang malaking flatscreen TV, eksaktong narinig niya ang balita na labis na nagpagimbal sa kanya. Muntik ng himatayin si Faith nang malaman, na ang sinakyang eroplano ni Hope kasama ang boyfriend nitong Hapon ay nag-crashed, at walang natirang buhay ayon sa balita, lahat ng sakay ay patay, Napuno ng hinagpis ang puso ni Hope.
No! Dios ko, kung kalooban niyo po ito, wala na po akong magagawa.
Tumayo si Faith at mabilis na lumabas ng guest room para tawagin si Orson. Ngunit hindi niya alam kung nasaan ang kwarto nito, mabuti na lamang at nakita niya si Aling Dana.
“Aling Dana, nasaan po ang kwarto ni Orson?”
“Dito po ma’am,” iminuwestra ng katulong ang kwarto ng binata. Agad namang tinungo iyon ni Faith at kumatok ng malakas.
Inis na napabalikwas ng bangon si Orson, damn it! Sino bang nanggugulo na kumatok sa kanyang pintuan. Inis na tumayo siya mula sa sariling kama at binuksan ang sariling pintuan, bumungad sa kanya ang lumuluhang si Faith, what the!
“Hey, what happened?”
“Open your TV, you need to watch the – news,” pinipilit ni Faith na ayusin ang pagsasalita, damn. Ramdam niya na parang pinipiga ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.