Pagsapit ng afternoon class dumiretso na kami sa gym upang mag practical exam. Kahit hindi ko gaano gusto ang sports, nairaos ko naman. This time, mas mataas si Rico sa’kin and that’s fine. Wala rin namang pakialam si mama pagdating sa sports na pinag-aaralan sa school basta hindi ako babagsak, okay na sa kanya. Mabuti nga na gano’n dahil baka lahat na ng estudyante ay pag-initan ako. “Good bye, class!” ani sir matapos niya kaming bigyan ng grado. “Good bye, Sir!” sabi rin namin. “Bihis na tayo, Silvina,” narinig ko namang sabi ni Ira na papalapit sa akin. May dala na rin siyang extra t-shirt. “Okay, wait,” ani ko at lumapit na sa dala kong bag. Pagkakuha ko ng damit ay sumunod na rin sa amin si Janel, sabay na kaming nagtungo sa girl’s restroom dito sa gym kung saan p’wedeng magpa

