Nandito kami ngayon sa field, katatapos lang ng flag ceremony. Hindi muna kami bumalik sa classroom dahil sa panibagong announcement kung saan magsisimula na ang kauna-unahang program na gaganapin dito sa school kung saan kaming mga 4th year high school ang magpe-perform. As usual, ipinaliwanag ang guidelines para sa bawat section. Ang bawat section ay kailangan mag present ng sayaw, dula, o kanta na ipe-present mismo sa araw ng program na ang topic ay tungkol sa kasaysayan ng bansa o kulturang dapat payabungin. Pagbalik namin sa classroom ay nagsimula na kaming mag meeting kasama si sir na aming adviser. “May naiisip na ba kayong performance na nais niyong ibahagi?” panimula niya. Kaagad ko namang tinaas ang kamay ko, nang tawagin ako ni sir ay tumayo na ako. “Dance would be better,”

