Gabi na nang maihatid ako ni Luiz sa bahay, hindi naman kami nagpabasa sa dagat kaya nakauwi kami ng maayos. Balak pa nga niyang lumusong kami ngunit pinigilan ko na siya dahil mahihirapan talaga kaming umuwi kapag nag swimming pa kami. Pagbaba ko sa motor ay ninakawan niya na naman ako ng halik, nakakailan na siya. Wala pa ngang kami pero parang doon na rin ang punta namin, sana nga… “Ehem.” Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita si tito na kakalabas lang sa gate, napaubo pa siya para lang kunin ang atensyon namin. “Anong oras na, Silvina?” seryosong sabi niya kaya napalunok ako dahil sa kaba. “Pasensya na po, Tito,” sabi ko naman at tumango siya saka ibinaling ang tingin kay Luiz. “Who are you?” tanong niya kay Luiz. “Sir, I’m Vincent. Manliligaw ni Silvina,” diretso n

