Kathy's POV
Sa halip na inaasikaso ko ang paggawa ng story ay mas inuuna kopa ang walang mga kwentang bagay. Andito ako at hinihintay sila Bogart sa isang mabahong building, isa itong lugar na pinagbabawalan ng may-ari ng paaralan na puntahan ng mga estudyante, pero heto ako sinisira ang rules.
Habang naghihintay ako ay may narinig akong kaluskos. Nanliliit ang mga mata ko, balak pa ata akong tirahin patalikod ei. Pinakiramdaman ko ang buong paligid ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay nawala na ang kaluskos.
Inayos ko ang buhok kong natatabunan ang isa kong mata. Nasaan naba sila?
Habang naghihintay ako ay bigla nalang akong napadapa, dahil biglang may umatake sa likuran ko.
Napadaing ako dahil inulit naman niya akong paluin sa batok ko, unti-unti na akong nanghihina. At lumalabo na din ang mga mata ko, kung kaya't diko namalayan ay nakahiga na ako sa damuhan.
"Tabunan ang mukha niya" iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.
___________
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko,grabe ang bigat ng pakiramdam ko. Nilibot ko ang patingin, sa una ay malabo pa hanggang sa unti-unti itong naging malinaw. Napatayo ako at biglang naalarma nang mapagtanto kong wala ako sa aking silid. Natahimik ako ng ilang sandali, ay pakshet naman may kumidnap pala sakin. San ba nila ako dinala at ang dilim tas mabaho pa dito, nakakainis di man lang ako nilagay may bed man lang sus.
Kahit sumasakit pa ang ulo ko dahil sa pagkakapalo nito kanina ay sinikap kong marating ang pintuan. Gagantihan ko talaga sila Bogart kapag sa oras na makalabas ako dito potangina naman.
Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakahawak ako sa pader, medyo may liwanag naman kaya nagsumikap akong makarating sa may maliwanag na area.
"Potangina ang sakit ng ulo!" napahawak nalang ako sa sintunado ko parang mawawasak ang ulo ko sa sobrang sakit. "Potangina mo talaga Bogart san mo ba ako dinala."
Teka san ba ang exit nito, kanina pa ako palakad-lakad dito e.
Habang naglalakad ako ay may nahihimigan akong boses, tama boses ng mga tao. Sinundan ko ang boses kung saan nanggaling.
Unti-unting lumilinaw sa pandinig ko ang mga nagsisigawang mga tao, para silang mga preso na gustong makawala sa kanilang hawla. Mas lumapit pa ako, hanggang sa makarating ako sa pinagmumulan ng ingay. Kaya pala ang ingay nila.
Isa itong malaking arena, maraming mga tao ang naririto at mukha silang masayang-masaya habang pinapanood sa gitna ang dalawang naglalaban na halos magpatayan na, halos magkulay pula na din ang entabladong kinaroroonan nila.
Anong klaseng lugar ito? ngayon ko nalaman na may lugar pala sa totoong buhay? shet sa w*****d ko lang to nababasa at ngayon nasa harapan kona, omygoodddd!
Alam kong mga delikadong tao ang naririto pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nasisiyahan sa napapanood ko. Nakiupo ako sa gilid ng lalaking nakasumbrero hindi ko makita ang mukha niya, siguro pamisteryuso epek din siya. Shet talaga sobrang shet! isusulat koto sa story ko. Exciting hehe.
Napapangiti ako sa hindi malamang dahilan.
"ang astig!"
"Ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo na hindi natatakot sa nakikita mo"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, "Bakit ka nandito at paano napunta ang gaya mo sa lugar na ito?" nakayuko lang siya at hindi ko makita ang mukha, kaya hindi ako sure kung ako ba kausap niya o ano.
"Excuse me? ako ba kausap mo?" naninigurado kong tanong sa kaniya habang ang isang daliri ay nakaturo sa mukha ko.
"May tao paba dito?"
"Meron, nakikita mo naman diba? ang dami nila oh halos lahat okyupado na ang seat, bulag kaba or what duh. Obviously?" napairap pa ako sa kawalan at hindi na siya pinansin.
"Tsk hindi ka dapat nandito" sabi niya pero diko nalang pinansin ulit, bahala siya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo, nais kong lumipat. Gusto ko sa pinakaharap para makita ko kung ano ang nangyayari hehe. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya agad akong bumaba at hindi ko pinansin ang tingin ng ilan sa akin.
Nakiupo ako sa tabi ng isang lalaki na halos tumalon na sa sobrang tuwa, para siyang adik besh. Pero napatigil siya dahil umupo ako sa pwesto niya, sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ganyan ka makatingin?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.
"Upuan ko yan ei! bat ka nang-aagaw?!" malakas niyang sabi, malakas talaga siya magsalita kasi kapag mahina diko marinig, malakas kasi ang hiyawan ng mga taong nandito. "Eh kasi umalis kana sa pwesto mo ei" pabalik ko ding sigaw. Inirapan ko siya at tinuon ang atensiyon ko sa panonood.
Hindi naman din siya nakipagtalo. Sa halip ay umupo siya sa tabi ko, sinamaan pa niya ako ng tingin. "Mang-aagaw hmp!" narinig kong sabi niya.
Natapos ang laban,nakikihiyaw din ako kahit diko naman kilala kung sino ang naglalaban. Maya-maya pa ay nag-announce ang mc kung sino ang susunod na round.
"Are you excited?! grabe hindi ito pangkaraniwang laban lang, isa itong bagong salta na hinamon ang 25 class." malakas na sabi ng mc, at naghiyawan naman sila. Pero itong katabi ko ay natahimik, "Tsk. Ang mayabang na yan"
"Let's welcome, Borgssss vs. Kathy the pangit!"
Nanlalaki ang makita ko dahil sa nakikita ko. Si Bogart lang naman ang nakikita ko ngayon sa entablado at ano daw? kathy the pangit? wtf!?
Tumayo ako sa kinatatayuan ko at agad na sinigaw ang pangalan ni Bogart. Hindi ko alam pero biglang tumahimik ang buong arena, lahat sila nakatuon ang atemsiyon sakin, grabe nakakahiya. Para akong artista na pinagtitinginan nila hehe.
"Oh andyan ka pala pangit, halika at maglaro tayo" sabi ni Bogart na may malaking ngising nakapaskil sa kaniyang labi. May hawak itong latigo at winawasiwas pa niya ito sa hangin. "Anong trip mo" asar naman.
Agad akong lumapit at buong tapang na pumunta sa entablado. Hindi naman siguro ako dito mapapatay ei, baka palabas lang to.
"Hoy epal! hanggang dito ba naman!" pumamewang ako sa harapan niya, hindi naman talaga ako takot sa kaniya ayoko lang magkarecord sa school pero ngayon, "Mukhang dito ko nga maibubuhos ang inis na nararamdaman ko sayo" nakangisi kong sabi. Hindi ko alam pero wala akong nararamdamang takot , ang tanging nasa isip ko lang ay gulpihin si Bogart.