Kathy's POV
Nagising ako sa init na tumatama sa buong mukha ko. s**t, ang sakit ng ulo ko.
"Goodmorning!"
Hindi ko palang namumulat ang mata ko ay boses na niya ang bumungad. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Haynaku, ang aga-aga nagsusungit ka naman. Btw, bilisan mo at baka malate ka sa klase mo. Nakapagluto na din ako ng pagkain mo, itlog lang atsaka karne norte yun eh." sabi niya habang abala ito sa pag-lalagay ng kolorete sa kaniyang mukha. May pasmile-smile pa ito sa salaming hawak niya. "Omaygosh, excited na ako. Alam mo bang first day of school ko ngayon sa school na pinapasukan mo? Sana magka-klase tayo noh" pangdadaldal niya.
Aga-aga nagbubunganga na, ano ba naman tong babaeng to. Naghilamos ako ng mukha at nagsandok ako ng kanin, inulam ko ang niluto niya.
"Hihintayin kita kasi alam mo naman bago lang ako sa school, baka kasi maligaw ako e." narinig kong sabi niya, ang dami pa niyang sinasabi pero hindi ko siya sinasagot bahala siya.
Mabilis akong kumilos, nakapag-uniform na din ako tapos sinuot kona ang salamin ko.
"Aw nagsusuot ka pala ng salamin? alam mo mas bagay sayo yung walang salamin, tapos nakatali ang buhok mo" sabi nito.
"Alam mo ikaw, ano bang pinag-usapan natin kahapon? diba sabi ko wag mo akong kakausapin? bakit mo ako kinakausap" masungit kong sabi sa kaniya. Nagpuot naman siya, "Eh kasi wala naman akong ibang kilala dito kundi ikaw lang ei" mahina niyang sabi pero narinig ko naman, nakayuko siya tapos pinaglalaruan ang mga daliri niya, tsk para talagang bata.
"Osya, pwede mo akong kausapin kapag tayong dalawa lang, pero kapag nasa school tayo wag mo akong lalapitan, titignan o kakausapin man lang, ayokong may makaalam na lumalapit ka sakin"
Napangiti siya pero agad din iyon napalitan ng pagtataka. "Wag ka ng magtanong kong bakit" inunahan kona bago pa siya magsalita.
"Okayed po!"
____
Papasok na kami ng gate ng matanaw ko sa di kalayuan ang grupo nila Bogart na naghihintay sa dati nilang tambayan, sa ilalim ng acacia. Tsk, talagang ako naman ang inaabangan ng mga to'
"Mauna kana" sabi ko kay Kristina, "May pupuntahan lang ako" dagdag kong sabi at agad na umalis sa likuran niya.
Wala naman talaga akong pupuntahang iba, gusto ko kasing paalisin muna sila Bogart.
Nakikita ko namang naglalakad si Kristina, tila manghang-mangha pa itong tumitingin sa kaniyang paligid. Dahil sa katangahan niya at hindi niya tinitignan ang dinadaanan niya ay hindi napansin na pinatid siya ni Aljon, isa sa kasamahan ni Bogart. Nagsitawanan naman ang tatlong itlog, napairap nalang ako dahil hindi pa tumatayo si Kristina. Lampa, balak pa atang umiyak e.
Napapailing akong lumabas sa kinakukublihan ko. Nakita kong tumayo si Kristina pero agad din itong natumba, ang clumsy naman!
"Hoy lampa! bagong student kaba? bago ka sana pumasok dito at nagtraining ka muna! hahahaha"
"Sayang maganda ka pa naman sana."
Nakapamulsa akong naglalakad palapit sa kanila, wala namang isa sa kanila ang nakapansin sa paglapit ko sa kanila dahil abala sila sa panggagago kay Kristina.
"Hoy" tawag ko sa kanilang tatlo, tumingin din naman sila. Galit si Bogart habang nakatingin sakin, atsaka ako nito tinuro."Hoy ka din! pangit bakit ngayon kalang?"
"Bakit ko naman sasabihin sayo?" pamanuyang tugon ko. Mas lalo niya itong ikinagalit. Pagkatapos ay tumingin siya kay Kristina na nakatayo na ngayon habang pinapagpagan ang kaniyang tuhod na may bahid ng lupa. Bumuntong-hininga ako, ayoko sanang makialam pero ewan ko ba at bakit ako nandito ngayon, dapat nga hinayaan ko nalang para siya na ang bagong target ng tatlong mga itlog na to.
"Aba't kaibigan mo ba'to?" hindi ako sumagot.
Nakatitig lang ako sa kaniya. "Itigil muna to Bogart wala ka namang kwenta ih. Napakaimmature mo! College kana tapos kong umasta ka parang highschool lang." napapailing kong sabi.
"At sino ka naman at anong karapatan mo para pagsabihan ako ng ganiyan! humanda ka, magtutuos tayo." masama ang titig nito at may kinuha sa kaniyang bulsa. Isa itong maliit na piraso, inabot niya sakin pero hindi ko kinuha "Kunin mo! ito lamang ang tanging daan para tigilan kona kayo, lalo kana..newbie!" sabi nito.
Kunot-noo kong tinanggap ang inabot niya, pangisi-ngisi ito tila. "Puntahan mo ang lugar na yan at siguraduhin mong susulpot ka, nahuli man o hindi. Wag kang magkakamali, pangit."
Napailing ako at nginisian siya. "Payts!" pagtanggap ko sa hamon niya. Akala ba niya masisindak ako sa kaniya? ako ata to si Kathy, the simple but mysterious chariz.
Umalis na sila sa harapan namin. Pagkaalis na pagkaalis nila ay agad na yumakap sakin si Kristina, nagulat ako kaya hindi ko siya agad natulak. "Thankyou for saving me" sabi niya.
Tinulak ko siya ng mahina. "Ang oa mo, para yun lang ei" kibit-balikat kong sabi atsaka siya tinalikuran. Binulsa ko ang binigay ni Bogart, mukhang exciting ito ha.
"Uhm ano ang binigay niya? at ano ang ibig sabihin niya?" narinig kong tanong niya, nasa likuran ko lang siya. "Baka mapahamak ka dyan, kapag napahamak ka dyan ako ang may kasalanan waaaaahhhh alam mo bang dadalhin ko ang konsensiyang iyon habang buhay ko? alam mo bang mabilis akong makonsensya, paano kapag ka napahamak ka dyan—"
"Andito na tayo" nagsalita ako dahil hindi kona matiis ang kadaldalan niya. "Wag mo akong kakausapin kapag nasa classroom, wag mo akong lalapitan pagtapos ng klase at mas lalong wag mo akong tatabihan sa klase." iyon lang ang sinabi ko at ako na ang naunang pumasok sa loob. Hindi kona kailangan marinig ang kaniyang sagot, sapat nang sabihin ko sa kaniya ang ayaw ko.
Pagpasok ko sa loob ay napatingin sila sakin, tapos natawa. Napairap ako sa kawalan, kala mo naman kay ganda-ganda ei.
Sunod na pumasok si Kristina. Agad akong nagtungo sa pwesto ko, napansin kong iba ang tingin sa akin ni Yuhan, madadaanan ko siya at sakto namang nakita kong balak niya akong patirin kaya hindi ako dumaan sa tabi niya.
"Tsk"
Pagkaupo ko ay karamihan sa mga lalaki kong kaklase ay napapatitig sila kay Kristina tapos yung iba ay papansin, nakatingin siya sakin pero hinayaan ko nalang atleast hindi siya sakin tumabi.