Kathy's POV
It's been one week na matapos ang murder na naganap sa school, postponed ang klase gustong-gusto ko naman dahil may time ako na makapagpost sa internet at para ituloy ang naumpisahan kong story.
Medyo mahirap siya kasi nawawala talaga ako sa susunod na mangyayari, hindi kona alam ang susunod na mangyayari. Actually, kagabi pa ako nag-iisip kong anong sunod kong isusulat dito. Yun na ei, alam kona pero kapag isusulat ko naman bigla-bigla nalang ako nabla-blackout at iyon ang nakakainis.
Nakatitig ako sa screen ng laptop. Hindi kona alam kong paano ko uumpisahan ang chapter 2. Meron na nga akong reader pero kundi palang mga 100 plus palang naman ei. But still, ginaganahan ako hehe. Habang iniisip ko na may nagbabasa ng gawa ko namomotivate ulit ako magsulat, kumbaga sila ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap ngayon. Ito ang gusto ko.
Habang ako sa pagtitipa ay bigla namang may kumatok sa pintuan na tinutuluyan ko. Napabuntong-hininga nalang ako dahil tinatamad pa naman ako tumayo para magbuksan kung sino man yon, pero no choice ei.
Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang mukha ng landlady namin, teka maniningil ba siya? "Kathy, gusto mo ba ng may kasama dyan? pasensya kana, Kathy. Wala na kasing ibang bakante dito, kaya dyan nalang siya sa iyo." ngumiti ako, akala ko naman maniningil naman siya, kababayad ko nga lang nong nakaraang linggo e.
" Ah oo naman, Aunti. Naku, ayos lang naman sakin" masaya kong sabi, kahit ang totoo ay ayaw ko. Wala naman akong karapatang magreklamo, dahil unang-una nakikiupahan lang ako.
" Kung ganon mamayang hapon siya darating dito, sinabi ko naman sa kaniya na dito ang magiging kwarto niya. Ikaw na ang bahala sa kaniya ha" nakangiti sabi ni Aunti Gorna, landlady. "Uhm sige po" tugon ko.
"Sige alis na ako ha, pasensya na sa abala." pagkatapos nyang sabihin yon ay nagpaalam na siya. Sinirado kona ang pintuan at napabuntong-hininga ulit.Kailangan ko na siguro mag-ayos muna dito, nakakahiya naman sa magiging roommate ko kapag madumi dito, sabihin pa niyang dugyot ako.
Inayos ko ang nasa kabilang bed, dito kasi sa tinutuluyan ko ay pangdalawahan, pero dalawa ang double deck, nagwalis ako at maayos na binuhusan ang cr. Inayos ko din ang mga damitan ko, matapos kong magtupi ay kumuha ako ng towel atsaka pumasok nasa cr. Maliligo lang ako.
Ilang minuto din ang tinagal ko sa cr bago ako lumabas. Nagbihis at nagpulbos lang ako, dito lang naman ako sa loob e. Pagkatapos ay tinuon ko ulit ang atensiyon ko sa pagtitipa ng aking laptop. Naisipan kong magbrowse muna sa f*******:, atsaka bisitahin ang dummy acc ko.
Napapangiti ako dahil marami ang nag-cocomment tapos marami na din ang nashe-share at like. Napapangiti ako habang binabasa ang komento nila sa chapter 1 ko, marami din namang nakarelate sa kwento ko atsaka marami din ang nainis, pero sabi nila maganda daw.
'what if tutuhanin natin to?'
Nakuha ng pansin ko ang isang comment, isa itong dummy acc sure ako. Dark Red kasi ang pangalan niya tapos black din ang profile, tinignan ko timeline niya wala namang ibang post o status doon na nakalagay.
Medyo creepy siya, at anong sinasabi niya na tutuhanin, sabog ba to?
Maya-maya pa ay may nagnotif, isang message.
"Ang galing, masyado akong nag-enjoy don :)" nabasa kong message, pero ang nakapagtataka lang kasi diko alam ang pangalan niya, wala naman kasing nakalagay. At saan naman niya nakuha ang number ko?!
"Who are you?" sagot ko.
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pang reply, kaya napaisip ako. Baka naman papansin lang to', o di kaya'y wrong message ganon. Pinatay kona ang cellphone ko at humiga ako. Siguro itutulog ko muna ito hanggang dumating yung bago kong roommate.
----
Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang may kumakatok. Ayoko pa nga sanang bumangon pero ang kulit kasi talaga ei.
"Tao po!"
Napairap nalang ako at binuksan ang pintuan. Humikab pa ako "Hello, ako ang bago mong roommate"
Umayos ako ng tayo at pinagmasdan siya. Maliit siya pero maganda naman, mahaba ang buhok at mukhang may lahi. "Ah ikaw pala. Pasok ka" niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan para maipasok niya ang kaniyang mga gamit.
Pumasok ako sa cr para umihi. "Taga St. Luise ka din ba nag-aaral?" narinig kong tanong ng roommate ko.
"Oum" walang gana kong tugon. Tumayo ako at hinila pataas ang panty at short ko. Binuhusan ko ang bowl pagkatapos ay lumabas na.
Nakita ko siyang abala sa pag-aayos ng gamit niya. Tinitignan ko lang siya habang nag-aayos, hindi ko ugaling tumulong lalo na pagdating sa mga gamit, baka mamaya may mawala pa dyan ako pa ang sisihin. Kaya hinayaan ko lang siya dyan.
"Ah nga pala ako si Kristina Sandoval." nakangiti niyang pakilala sa sarili, ang hyper niya kung titignan."Ikaw anong pangalan mo? Wag ka mag-alala mabait naman ako tapos masipag din ako kaya wag ka mag-alala hindi ako dugyot kasama" dagdag pa nitong sabi. Tumango ako dahil hindi ko naman iniisip na tamad siya or dugyot siya. "Ikaw anong pangalan mo?"
"Kathy" maikli kong sabi. "Ahhhh" tanging nasabi nalang niya. Agad akong bumalik muli sa pagkakahiga, kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook muna. Hindi na ako makababalik sa pagtulog ko kahit inaantok pa buong pagkatao ko.
"Nga pala pwede ba akong gumamit ng cr? naiihi na kasi ako e." narinig ko muli siyang nagsalita. Napairap nalang ako sa kawalan, "Malamang. Alam namang ipagdadamot ko pa yan sayo?" hindi kona mapigilan na sungitan siya. Ang engot naman kasi niya ei, pati pagcr ipapaalam pa.
"Ay sorry nagtatanong lang naman e" nakita ko siyang kumamot muna sa ulo nito bago ito pumasok sa cr.
Hindi naman siya nagtagal sa loob, paglabas niya ay nakatube nalang siya. Kaya pinanlakihan ko siya ng mata, napansin naman niya yun. "Ay sorry, sanay kasi akong nakatube kapag nasa bahay lang ei, i hope you don't mind." nakangiti niyang sabi. Ako naman ay napaiwas ng tingin, maganda ang hubog ng kaniyang katawan pati ang hinaharap niya malaman, samantalang sakin? medyo okay naman, may laman din pero di kagaya sa kaniya na halos di na magkasiya ang tube sakanya.
"Ay oo—"
Magsasalita pa sana siya ay agad akong sumabat. "Hey miss—err what's your name again?" naiinis kong sabi habang nakakunot-noo.
"U-uhm Kristina”
"Oh right, Kristina. Look, ayoko ng may kumakausap sakin. Ayoko ng madaming tanong, lahat ng makita mo dito sa loob ay pagmamay-ari na natin, dahil kaboardmate na tayo. At isa pa, ayoko ng madaldal, maingay at ayoko ng pakealam. Naintindihan mo ba?" nakataas-kilay kong sabi, tumango-tango naman ito na parang isang batang paslit na pinagsasabihan.
"Aye aye master!" sumaludo pa ang gago.
Hindi kona siya pinansin, pumikit nalang ako. Mas gugustuhin ko pang matulog keysa makipag-usap sakanya. Hindi ko kasi feel na okay siya kasama, parang may something na bumabalot sa kaniya na hindi ko maintindihan, or paranoid lang ako o di kaya'y naapektuhan na ako kakawattpad. Siguro nga, at sana sundin niya lahat ng sinabi ko. Ayoko kasing may makaalam na nagsusulat ako ng on-going story, gusto ko lang sabihin kapag completed na yon.