Kathy's POV
"Grabe yung nangyari kay Jelai diba? sino kaya may gawa non?"
"Naku, grabe na talaga ang mundo ngayon. Hindi na sila natatakot sa diyos, for sure isang walang konsensya ang may gawa non"
"Shh tama na nga yang pag-uusap niyo tungkol sa kaniya, kinikilabutan ako e."
Abala ako sa pagtitipa ng laptop nang marinig ko ang usapan ng tatlong estudyante, malapit lang ito sa kinauupuan ko. Andito ako ngayon sa Hide-out kainan, isa itong madalas tambayan ng mga estudyante malapit lang kasi ito sa school, sa likod lang nito. Busy'ng busy naman kasi ako sa paggawa ng kwento ko. Medyo hindi nga lang ako makafocus ngayon dahil topic nila ang pagkapatay ni Jelai, maraming natuwa pero marami ding natakot.
Sino kaya ang may gawa non sa kaniya? Parang nong isang araw lang nakikita ko siyang nakikipaglaplapan kay Red, ay oo nga pala nasaan nga pala ang boyfriend niyang si Red? Hindi ko siya nakita kanina. Impossible kayang si Red ang may gawa non sa kaniya? Napailing nalang ako at natawa, ano ba tong iniisip ko. Hindi ko naman alam ang buong kwento kaya masama ang magbintang, ipaubaya kona lang yan sa mga pulis.
"Pero alam niyo guys, may nakita ako kahapon."
Hindi naman ako tsismosa pero kasi ang lakas ng boses niya ei. Hindi ko pa sila nakikita dahil nasa likod ko lang sila, kaya hindi ko sila kilala.
"Ano naman ang nakita mo?"
"Diba kahapon, hapon yun diba? magkasama tayong tatlo then nagpaalam ako kasi iihi ako—"
"Straight to the point mo nalang kasi!" hindi naman natapos nong isa magkwento kasi syempre sa magbabarkada hindi talaga mawawala ang maikli lang ang pasensya. "Pwede ba, Julia. Manahimik kana lang muna, okay? Napaka ano mo talaga ei.Ayoko nalang magkwento!" oh ayan tuloy di na nagkwento si ate.
"Ano kaba parang di mo naman kilala tong si Julia ei. Sige na, Breda. Tuloy muna yung kwento." ito naman ang tagasalo ng problema.
"Fine. Basta kapag sumingit pa yang si Julia di kona kayo kwekwentuhan ha." nahihimigan ko sa boses nito na tila naiinis sya sa isa niyang kaibigan, na si Julia. "Ganito kasi yan, so yun na nga diba—ayon may nakita ako. Si Jelai, Red and.. guess what? si nerdy!" kumunot noo ko sa narinig. I guess ang tinutukoy nilang nerdy ay si— "Ariana?"
"Yes! At alam niyo ba? galit na galit si Jelai kay nerdy kahapon, tapos itong si Red naman ay wala siyang pakealam tapos si Nerdy umiiyak siya"
"Ah siguro binubully naman ni Jelai at Red si Nerdy."
" Huy! baliw kaba? hindi mo alam yung tsismis? gf kaya ni Red si Nerdy!"
" Eh bakit sabi mo walang pakealam si Red kay Nerdy kahapon at bakit hinayaan lang niya si Jelai na saktan ang gf niya"
"Hindi niyo ba nakukuha ang gusto kong sabihin?"
Kumunot ang noo ko sa mga narinig. Nagegets ang alin? Alam ko kung bakit umiiyak si Nerd—si Ariana kahapon kasi for sure nalaman na niya ang panloloko ni Red at Jelai na pangagamit sa kaniya. Aha alam kona, napangiti ako dahil nakuha kona ang pinupunto ng babae, pero maaaring mali yon dahil wala namang makapagpapatunay na si Nerdy ba ang may gawa non kay Jelai, kasi first of all mukha namang lampa si Nerd—Ariana pala. Bakit ba nerdy ako ng nerdy e parehas naman kaming nakasalamin, hays.
"Ewan ko sa inyo! Napakaslow niyo talaga kausap." ito nalang ang huling narinig ko mula sa kanila dahil paalis na sila.
Hindi kona sila pinagtuonan ng pansin sa halip ay humarap ulit ako sa screen ng laptop ko. "Alam mo ang weird mo." halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ng mukha sa harap ko. "Bwesit ka naman! Wag mo akong gulatin kong ayaw mong masapak kita!" inis kong sabi sa kaniya at medyo pasigaw na rin yon.
Tumawa siya ng mahina. Hindi ko siya kilala. Umupo siya sa harap ko, pangdalawahan kasi ang mesa ko kaya magkaharap na kami ngayon. Cute siya, maaliwalas din ang kaniyang mukha lalo na ang pagngiti niya na lumalabas pa ang dimple niya, tapos yung haircut talaga niya ang nagdala ei. Tapos yung ilong niya matangos, tapos yung kilay niya na medyo makapal na bumagay naman sa maganda niyang mga mata habang nakatitig sakin atsaka may nakapaskil na ngisi sa kaniyang labi. "Mukhang nag-eenjoy ka sa pagdescribe sakin ha, miss alam kong napakapogi ko pero wag mo naman masyadong ipahalata na crush mo ako." sa sinabi nito ay agad akong natauhan at sinamaan siya ng tingin.
"Huy lalaki! Wag kang assuming dyan, tinitignan lang kita hindi kita dindescribe dahil wala naman akong pakealam sa pagmumukha mo, wala akong pakealam sayo. Umalis ka dyan, hindi kita kilala." masungit kong sabi at may kasamang pangtataboy ito, mas lumaki ang ngisi niya
"Talaga, bakit tumutulo laway mo" sabi niya atsaka ito tumawa. Nanlaki ang mata ko at agad na pinunasan ang bibig ko, pero wala naman akong naramdamang basa, isa lang ang ibig sabihin non. "Nadali moko don ha." naiinis kong bulong. Bakit na kasi tumingin ako sa kaniya, eh hindi naman siya gwapo. Tsk.
Pero napahawak ako sa chest ko, s**t bakit ka kumakabog? Gusto mo bang lumabas ha?
Yung puso ko! kumakabog tila gustong kumawala! Waaaaaaaahhhhhh. But no, I'm not inlove or what! this is called nervous, kasi naman first time na may gwapong lalaki na nakipag-usap sakin. Pero di naman ako bigaon, para yun lang magkakagusto na agad, ew. Para sakin wala siyang dating, he's not attractive duh
Tumingin ako sa buong paligid. Kung meron bang nagvivideo or nagpipicture, alam niyo na baka prank lang pala yon, tas mukha pa naman akong tanga kanina.
Mabuti naman at wala. Binasa ko ulit ang istorya na sinusulat ko. Habang binabasa ko ito ay napapangiwi ako, ang brutal pala ng scene dito. Pero ayos na din, para naman makulay haha.
"Matapos ang klase ng babae ay hindi niya napansin ang taong kanina pa palang nakamasid sa kaniya, dahan-dahan nitong sinusundan ang babae. Nang makarating sila sa medyo madilim ay agad na sinimulan ang masamang plano. Agad niyang dinambahan ng saksak ang babae sa likod na ikinagulat ng babae. Nanlalaki ang mata halos lumuwa ito dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman, habang ang suspect naman ay walang humpay itong tumatawa.'Masakit hindi ba? ito ang kabayaran mo dahil sa ginawa mong pagtataksil! this is called karma' ang galit na sabi ng suspect habang ang biktima niya ay nagmamakaawa ngunit wala na itong pag-asa. Sinimulan ng killer na saksakin ito ng paulit-ulit at pilit na binubuksan ang sikmura ng babae, nais niyang kunin ang puso nito at ipakain sa kaniya, iyon ang plano niya. Ngunit naudlot lang iyon sapagkat bigla siyang naalarma na parang may paparating kung kayat agad niyang binunot ang puso ng babae at sinapak sa bibig ng babae, nanghihinayang pa nga itong iwan dahil hindi pa niya naeenjoy na pagmasdan ang duguan nitong itsura—" ayos naman pala ei. Siguro kunting edit lang.
Matapos kong basahin sa isip ko ang eksina sa kwento ko ay pinatay ko na ang laptop ko at inayos kona ang mga gamit ko.