Chapter 02

1025 Words
Kathy's POV Maaga akong gumising para magluto ng umagahan. Nagboboarding house lang ako, wala nga lang akong roommate. Napatingin ako sa salamin, inayos ko ang salamin sa mata atsaka sinuklay ang buhok kong kulot-kulot kahit siguro iparebond ko to hindi na'to iis-traight. Ang tigas pa suklayin, akala mo naman ilang years akong di naliligo pero huy naliligo ako araw-araw noh, mabango din ako di nga lang halata kasi mukha daw akong basura sus. Namumugto ang ilalim ng mata ko dahil pinuyatan ko naman ang pagsusulat ng kwento, kahit naman walang nagbabasa non desidido parin akong tapusin yon. Gusto kong may patunayan ako sa sarili ko. Hindi na ako nagtagal sa harap ng salamin, kahit naman titigan ko buong araw nag mukha ko wala paring magbabago. Mahal ko sarili ko pero di ko talaga maiwasang laitin ang mukha ko, saan ba ako pinaglihi ni mama.Kahit man lang sana yung ilong ko matangos pero hindi ei, maitim na nga ako, tapos yung buhok ko naman parang siya pa yung naiistress sa pinaggagawa ko sa buhay. Walking distance lang naman ang school na pinapasukan ko. Pachill lang ako naglalakad sa gilid ng kalsada, kahit na 15 minutes na akong late sa first subject ko. Ayoko ngang pumasok don, nakakainis kasi. Kahit naman andon ka sa loob late kalang ng ilang minuto absent kana, so total ilang minuto nalang naman matatapos na klase niya bakit pa ako maghahabol like duh "Oy pangit!" Napairap ako sa kawalan. Hindi ako lumingon sa kung sino man ang sumigaw non, bakit ako lilingon? kahit pangit ako diko parin tatanggapin na yan ang ibansag nila sakin. Alam ko naman kung sino yung sumigaw, yung bwesit na Kenneth lang naman, akala mo naman kagwapohan ei ang pandak naman. "Aba snobbish si ate hahaha" "Bro, hindi kasi pangit yan. Kathy pangalab niyan eh pwe! di bagay! hahaha" Napairap ako. Mga pangit din naman kayo ei, papansin ampota. "Hahaha mukha siyang tanga bro! tignan niyo tumatakbo siya." bobo naglalakad lang naman ako ei. Binilisan ko ang paglalakad kasi ayoko na mabwesit ako, kulang ako sa tulog kaya wag nila akong inaano dyan. Ilang beses na nila akong pinagtripan pero ang unang beses na yon ay hinayaan ko lang sila, at ito ang paulit-ulit naming engkwentro. Sa una hinayaan ko sila hanggang sa naulit ng naulit ang pantritrip nila sakin, at ngayon baka diko sila matansya. "Huy pangit tumigil ka sa paglalakad!" narinig kong sigaw ng epal pero hindi ako tumigil,ano ako tanga? "Hoy! gago kaba! ha! sabing tumigil ka ei!" Napatigil lang ako sa paglalakad dahil hinarangan ako ng dalawa niyang kasama at may humila pa sa bag ko, gosh. "Dapat sumusunod ka sa boss mo!" anito atsaka ako binatukan. Bwesit! sakit non ah.Sinamaan ko ng tingin si Kenneth Marasigan, bwesit ka talaga sa buhay ko, e kung isabit kaya kita sa flag pool! "Oh bakit lalaban ka!" maangas nitong sabi. Umiwas ako ng tingin "Bakit ba? ang aga-aga kayo ang pambungad. Nakakabadtrip tuloy" walang gana kong sabi at alam kong narinig nila yon ng malinaw, mas malinaw pa sa tubig ng iniinom natin. "Aba't! Sumasagot kana ha, anong akala mo pangit malalabanan mo kami? isa kalang pangit na walang kwenta, ikaw ang panira ng umaga!" sigaw nito sa mukha ko, napatakip ako ng ilong ko. "Ang baho ng hininga mo, hindi kaba nagtooth brush?" nandidiri kong sabi habang nakatakip parin ang ilong. Narinig kong nagtawanan ang kasama niya tapos nagbulungan pa sila. "Oo nga pre naamoy namin kanina sumisigaw kapa sa mukha namin, ang baho pre" sabi ni Johan. "Tooth brush- tooth brush din kasi kapag may time pre" segunda naman ni Aljon. Napangisi ako dahil namumula na ito sa galit at pagkahiya. "MANAHIMIK KAYO!" sigaw niya sa dalawa, napatingin ulit ako ng ilong. "At ikaw! pinahiya mo ako ngayon at sisiguraduhin kong di ka makakalabas ng eskwelahang ito nf di napupuruhan! kahit babae kapa" galit nitong sabi at dinuro-duro pa ako sa noo. "Potangina!! tumigil nga kayo!" sinigawan niya ang dalawa niyang kasama, nasindak naman ang mga ito. Napailing nalang ako habang tinatanaw sila habang papalayo sa kinaroroonan ko. Hayst, buti naman at di ako sinaktan. Paakyat na ako ng second floor, doon kasi ang room ko. Nang mabangga ako ng isang estudyante kaya nahulog ang dala kong mga libro, kainis. "Oy sorry!" si Bogart pala. Napatingin ako sa kaniya para kasi itong aligaga tapos parang takot na takot na ewan, mukha siyang tanga. Inirapan ko siya dahil hindi man lang ako tinulungan sa halip ay nilayasan lang ako, ay ganon. Umakyat na ako ng matapos kong mapulot lahat ng gamit ko. Ngunit di pa man ako nakakaabot sa classroom namin ay rinig na rinig kona ang ingay ng mga iba't -ibang section, tila may pinagkakaguluhan. Hindi ko makita dahil nakaumbok silang lahat doon. May nakita akong babae sa gilid habang nakapikit at may hawak na rosaryo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik at agad ko itong hinila palapit sakin, medyo napalakas nga lang pero wala akong pakealam. "Hey, anong meron?" agad kong tanong sa kaniya , sinamaan niya ako ng tingin at tinapik niya ng malakas ang kamay kong nakahawak sa kaniyang braso. "Ano ba! Alam mong nagdadasal yung tao ei, bastos kang babae ka." masungit nitong sabi atsaka pumikit ulit. Napakamot nalang ako sa ulo dahil naweweirduhan ako sa kaniya, alam niyang maingay dito siya magdarasal, sabog ba siya? May nakita naman akong magandang babae, sige siya kuha ng litrato. Nilapitan ko siya at agad na tinanong ."Hey you, anong meron?" nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko, yung mukha niya para siyang natakot sa mukha ko. Tinignan pa ako nito pababa at pataas. "Ah nakikita mo naman diba? nagkakagulo, malamang may nangyari." sagot niya. Napairap ako sa inis. Walang matinong sagot. Kaya naman agad akong nakipagsiksikan sa mga estudyante. Kusa naman silang lumalayo pero may halong pandidiri yung mukha nila, parang sinasabi nilang ew wag kang didikit sakin ganon. Hindi ko sila pinansin,bakit sino ba sila? Matapos kong makipagsiksikan ay natuklasan kona nga ang pangyayari. Si Jelai, duguan. Wakwak ang kaniyang tiyan, at may nakasapak na kulay pula sa kaniyang bibig, isa lang ang nasa isip ko. Isa itong murder, may pumatay kay Jelai!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD