Thorin POV
Ang gaan ng pakiramdam ko .
Hindi ko mapigilan ang mapangiti, hahaha, Ganito yung kapatid ko ng maging sila nung Girlfriend niya eh
Naalala ko pa nga nahuli ko siyang naiiling na tumatawa , ang weird niya at parang sinasapian . Ngumingiti mag isa.
Kahit inaasar ko na wala lang sa kanya nakangiti pa din. Pero nung mga nakaraan mag aaway na kame pag nagsimula na namen siya asarin
Ganito pala yung feeling niya. Ang gaan na parang gusto ko lang ngumiti ,,hahahah parang baliw lang
Kinailangan kong magpaalam saglit kay Tere.
May code red ang Galaxy Empire.
Ang mafia group na pinamumunuan ng aming pamilya.
Kahit ayoko pa sanang umalis sa tabi ng mahal ko.
2 days ago pa dapat tong meeting pero pinacacancel ko dahil abala nga ako sa Mahal ko.
Mukhang importante na talaga na makadalo ako. Si Daddy na mismo ang nag Code Red.
Matagal ng hindi nakikialam Si Daddy mula ng ako ang mamahala sa samahan ngunit Di na kinaya ng mga kasamahan ko ang katigasan ko kaya humingi na sila ng back up kay Daddy, seryosong usapin na to pag ganun.
-flashback-
"pinatawag ko kayong lahat sa meeting na ito, Para formal kong ipapakilala sa inyo sa bagong henerasyon ng ating organisasyon" Seryosong pahayag Ni Daddy
"Galaxy Empire,"
"Formal kong ipinakikilala sa inyo ang ating Bagong Emperor codename Sun
ang Aking Panganay na Anak Thorin"
palakpakan ang mga kasapin sa pagpapahayag ng aking Ama.
"Kasama ang kanyang mga napiling Generals
Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, Neptune at Pluto " lahat ng Generals ko ay may takip sa mukha at nakahide ang identity tanging ako at si Daddy lamang ang nakakakilala sa kanilang pagkatao.
Pinili ko sila base sa kakayahan nila. Ang Code name nila ay base sa special skills nila.
-end of flashback-
Nagmamadali akong pumunta sa aming main hide out para matapos na agad ang meeting para makabalik agad ako sa condo ko.
Ngayon lang nangyaring gusto ko lage pauwi sa condo. Kadalasan andun lang ako pag patulog na ako dahil sa kalasingan.
Pagpasok ko pa lang sa hide out, nakita ko ang mga taong nagmamadali sa mga galawan nila mukhang seryosong usapin nga ito. Abalang abala ang lahat ng nkakasalubong ko.
Derecho sa main conference room andun lahat ng May katungkulan sa grupo kasama ang mga Generals ko.
Nagulat silang lahat sa pagpasok ko. kabilang ang Daddy kong nasa pinaksentro ng mahabang mesa.
"Simulan na natin ang meeting na ito at ng matapos na agad" nag mamadali kong saad. na ikikunot noo nilang lahat
" Tila busy ka talaga at nagmamadali ka pa na tapusin at di pa nga nasisimulang meeting na. ito" may seryosong saad ni Ama
Napapangiti naman ang iba sa malamig na saad ni Daddy.
"Nais kong malaman tungkol saan ang pagpupulong na ito at mukhang seryoso ang lahat"
" Naisend ko na po sa inyo Sun ang details tungkol dito" mahinahong saad Ni Mars
" huwag mong sabihin na sa Sobrang abala mo di mo man lang nabasa ang tungkol dito?" taas kilay na kilay at himig pagalit na Si Daddy
" Yun lang bang lahat ang issue ngayon? " ngiting tanong ko sa kanila. Lahat naman sila ay nagtataka sa inaasta ko.
"Kung ganun, wala na ba kayong idadag dag,, dahil kung wala na tapos na ang meeting ma ito" kalmadong saad ko sa knila.
Ngunit bigla hinampas ni Daddy ng malakas ang mesa at galit na tumingin sa akin
" Thor Martin hindi na ako natutuwa sa inaasal mo . Ilang araw na kaming nagiisip ng paraan para dito at ikaw na walang pakialam dadating ngaun at sasabihing yun lang ba.at tatapusin ang meeting na ito ng wala man lang ginagawa ." Galit na saad Ni Daddy
" Ok Dad tinapos ko ang problemang sinasabi mo nung oras na Sinend sa akin ang details. Tinapos ko na. kaya huwag kang mag alala. " ngiting saad ko sa kanya habang ang lahat ay nagtataka sa sinsabi ko.
Lingid sa kaalaman ng lahat may isang taksil sa Grupo namin at iyon ay nahuli ko na. Di ko lang pinangalan at inaantay kong ung trap ko sa kanya ang magreveal sa kanya. Nauna ko ng inalis ang mga galamay niya siya na lang at ilang tauhan niya ang natitira.
"ok ,ok " taas kamay kong sabi
" para malinawan na ang lahat, Douglas lock the door. Call the security outside and secure the whole area."
" Uranus ready na ba mga ipanatawag ko sayo" ngiting kong lingon kay Uranus
" all set Sun nkapwesto na sila" tugon niya
" mercury here open this " binigay ko ang maliit na chip kay Mercury na naglalaman ng mga ebidesya ko.
"Now everyone let's all watch and youll see kung sino ang may pakana nitong walang kakwenta kwentang meeting na ito, sinsayang mo lang ang oras ko," Pag paparininig ko pa kay Mr. Valdez kasama ang galamay niya na Si Sandra.
Sa gilid ng aking mata nkikita ko ang pag kabalisa ni Sandra habang si Mr. Valdez naman ay kampante pa rin.
Tila may iba pang alas ang lalaking ito kaya di naapektuhan sa sinabi ko.
Nagiisip pa ako ng maari niyang alas laban sa samahan.
Nagulat ang lahat sa mga napapanood nila. Bigla namutla Si Sandra sa nkitang laman ng video.
Lahat silay napatingin sa gawi ni Mr. valdez at sandra.
Tumayo ang aking Ama at dinuro Si mr. Valdez
" ikaw pala ang traydor, tsskkk , di ko akalain na ikaw pa ang sisira sa samahang tumulong sayo maabot kung anung meron ka ngayon". di makapniwalang saad ni Ama namumula na rin siya at halatang nagpipigil ng galit.
"oo ako nga, dahil sa tagal ko ng nagsisilbi sa samahang ito wala man lang kayong pagpapahalaga sa mga ngawa ko. inalok kita ng Family emertion , inalok ko na ang anak ko para sa anak mong Si thorin pero tinanggihan mo. Ang sakim mo sa kapangyarihan. "
" nung henerasyon pa lang naten mas magaling na ako sayo pero ikaw pa rin ang pinili na mamuno kasi ikaw ang anak ng pinuno natin" may himig tampo saad ni Mr. Valdez.
"at ngayon anak mo namumuno gusto ko lang na anak ko mapangsawa niya para naman magkaroon ako ng konteng kapangyarihan di mo pa pinahintulutan" galit n dagdag p Ni mr Valdez.
" takot ka na mkuha ko pwesto niyo kaya di mo kame hinayaan na makapasok sa pamilya niyo, pwes sinisigurado ko sa yo sa ginawa ko .magsisiklab ang gulo sa samahang iniingatan mo." malademonyong saad pa niya
" Hintayin mo ang resulta niyon hahahahahah" malakas na tawa niya ang pumunos silid
Tumatawa Si Mr Valdez na animoy wala na sa Sarili.
Samantalang si Sandra ay tahimik na lumuluha sa kinauupuan niya. Walang tinig na lumulabas sa knya halata sa kaniya ang takot.
Alam ng lahat kung anu kaparusahan na naghihintay sa mga taksil.
Ngunit ano pa nga ba ang masamang ginawa ng gaya Ni Mr. Valdez sa aming samahan na maaring magdulot ng kaguluhan .
Napapaisip ang lahat kung anu pa nga ba ang kasamaang nagawa nito, ng hindi namin agad nalaman.
Naparusuhan ang dalawa ngunit di pala sila binabawian ng buhay sapagkat kailangan pa nming malaman ang sikretong kasaaman nila.
Kakapagod ang araw na ito, kailangan ko ng magmadaling umuwi nagiintay Si Maria My loves.
Kinikilig akong isipin ang nangyari sa amin kaninang umaga.
Sana ay salubungin niya ako ng yakap hahahha nangiti ako isiping yun.
Pasakay na ako ng kotse ko ng may umakbay sa akin Si mercury pala .
" Bro mukhang may tama ka ah tssk tskk". ngising saad niya.
"ibang senyales na yan" dagdag pa niya.
" mind your own f***king business" asik ko sa kanya.
At iniwan ko na siya.
Basta excited na akong makauwi.