Chapter 9

1263 Words
Carlos POV Mabilis lumipas ang panahon. Tatlonh buwan ang mabilis na lumipas at di man lang tumatawag ang asawa ko. Nag aalala na kame sa kanya miss na rin siya ng mga bata. Hindi naman siya pumapalya sa pag papadala ng pera. Nung minsan pa nga ay nagpapackage siya para sa mga bata. Nakakapagtampo kasi kahit isang panyo para sa akin ay hindi man lang niya ako naalala. Pero hindi yon talaga ang pinagiisip ko, ni hindi man lang niya magawang tumawag. Kahit sulat ay wala. Malaki ang pinadala niya sa amin, sa unang buwan pa lang niya dun naisipan ko magbukas ng tindahan at kompleto may mga gulay at prutas. May mga karne at isda rin. Yung padala niya ng mga sunod na buwan ay hindi ko na nabawasan kasi kasiya naman sa amin ng mga bata ang kita namin sa tindahan. Nkakatuwa ang mga anak namin kay babait at tinutulungan ako sa pagtitinda. Nalilibang sila at mukhang masaya naman sa araw araw. Pagdating ng gabi nagtatanong sila tungkol sa kanilang ina. Nalulungkot ako na mkitang malungkot sila. Wala naman akong magawa kundi ang mag antay sa tawag niya. Tuwang tuwa ang mga bata sa mga pinadala ng kanilang ina, halatang mamahalin lahat mula sa mga damit , sapatos, laruan at gamit sa school, kompleto may kwintas pa. May dumating din na dalawang babaeng nkaitim sakay ng magarang sasakyan na nagpapakilala na staff sa isang private school sa bayan at sinundo kameng mag aama at dinala sa school. Enenroll daw ng asawa ko ang mga bata, hindi lang sa academics , pati sa mga extra skills gaya ng dancing, swimming , playing instruments at martial arts . Nagnining ning ang mata ng mga bata sa nalaman nila. Nakikita kong npakasaya nila. " Papa ang galing talaga , gusto ko talagang pumasok sa dance lesson at saka gusto ko matuto magpiano" ngiting saad ng panganay namen na si Carla "Papa gusto ko matuto tuntok ng malakas " natawa naman ako sa tinuran ng bunso namen na 3 years old pa lang, nauutal pa ng konte ngunit alam na niya ang gusto niya Nag aalala na talaga ako sa Asawa ko. Nakakatampo na talaga nagawa niya lahat ito pero bakit di man lang niya kami matawagan. Parang may mali. Nagdududa na talaga ako. "teka lang mam kelan niyo nakausap ang Asawa ko para maenroll ang mga bata dito? " takang tanong ko Sa babaeng nakaitim na di man lang nagpakilala " Naku sir asawa niyo na lang po kausapin niyo ,tauhan lang po kami. Kami na rin po ang magsusundo at maghahatid sa mga bata sa bahay niyo, Ito po ang schedule nila." sabay abot sa akin ng brown envelop. Wala akong nagawa kundi abuyin ang envelop na ibinigay nila. Bago umuwi ng bahay, idinaan pa nila kami sa isang restaurant at pinakain kami, Tuwang tuwa na naman ang mga bata First time namin pumasok sa ganito. Masasarap ang pagkain sila na din ang nagbayad. Puro katanungan talaga ang isipan ko sa lahat ng ito. Madaming nag abroad na taga dun sa lugar namen pero hindi ganito ang nararanasan at saka nkakausap nila palage sa telepono. Kinakabahan na ako, baka kung anu na ibig sabihin nito. Asan na ba talaga ang asawa ko, sana nasa maayos siya, Dasal ko sa Aking isipan. Tere Pov Naisipan kong hanapin sa mga gamit ko ang mga numero na pede kong mkausap ang mag aama ko. Miss ko na talaga sila. Una kong tinawagan ng cellphone number ng pinsan ni Carlos. -ring-ring- " Hello clarise Si ate Tere mo to." "Hello Te kumusta kana , ang yaman mo na te . Siguro laki sahod mo jan , bigtime ka na ha?" tuwang sagot niya sa akin , Nagtataka ako sa mga sinabi niyaanung ibig niyang sabihin. " Anung sinasabi mo jan? " takang tanong ko sa kanya "aba bigtime ka na enenroll mo ung dalawa sa private school ha, with driver pa. Katatampo ka nga nagpapackage ng gamit nung dalawang bata di mo man lang siningitan ng kahit lipstick o chocolate para sa akin." himig tampo niyang saad " Huh ,anung package? " Nagtataka ako at nagiisip kasi wala naman akong pinadala ,tanging pera lang nung una at ikalawang buwan lang pinadala ko. "Pede ko bang makausap si Kuya Carlos mo at ang mga bata miss ko na sila". " ay bumili na pala Si kuya ng Cellphone. Ibigay ko sayo number niya. Wala din sila dito, di pa nabalik may sumundo kanina sa knila papunta sa school nung mga bata. Di mo tanda anu ka ba ikaw daw nag enroll sa knila doon" pahayag pa ni Clarise Naguguluhan na ako, ako daw ang mga gumawa nun pero bakit di ko alam. Wala pa ng ako nagagawa para sa kanila kasi mula ng magtrabaho ako di naman ako nakakalabas ng mansyo lalo na ngayon andito ako sa condo. Haizzt. Miss ko na sila. "Sige Clarise ibigay mo ba number ni Carlos," "**********50, yan po ate, basta ate ha sa sunod na papackage mo huwag mo na kame kalimutan ha ,ingat ka jan Bye paalis din ako punta ako sa bff ko" paalam niya. excited akong dinial ang numero na binigay niya. -ring-ring- "hello sino to?" boses ni Carlos Di agad ako nakasalita. Naririnig ko naguusap ang dalawang bata. Bigla naginit ang sulok ng mata ko. Miss ko na sila "Hello Caloy, Si tere ito kumusta na kayo ng mga bata, miss ko na kayo" nangingilid na ang luha ko " Miss ka na rin namen Mahal, eto kasama ko ang mga bata kumusta ka na bakit ngaun ka lang tumawag? " Nag aalalang tinig ni Carlos "Pasensiya na kayo sobrang busy lang sa trabaho, kayo kumusta maayos ba ang mga bata, pede ko ba sila makausap?" excited kong tanobg sa kanya " Hello mama miss ka na namen kelan ka ba uuwi dami na nating tinda tapos salamat pala mama Papasok na kmi sa malawak na school atay dance lesson pa at magpapiano ako" tuwang tuwa saad ng panganay namen. " heyow mama ako din papasok na mag aaral na ako tuntok lakas" pag mamalaki naman ng bunso nameng nauutal pa. "Mama salamat pala sa mga pinadala mo ang gaganda lahat pati ung kwintas ang ganda po" inaagaw ang cellphone sa kapatid. Nagulat ako sa sinabi ng panganay ko , natakot ako bigla . si Sir pala ang may gawa ng lahat ngunit bakit ba talaga niya gingawa ang lahat ng ito. Saka ko na iisipin yun. Sobrang saya ko miss na miss ko na sila. Kahit nagtataka ako sa nangyayari natutuwa ako at masaya naman mga anak ko. " Wow ang gagaling naman ng mga baby nmen, galingan niyo mga anak, enjoy kayo at magbabait kay papa ha. Miss na miss ko na kayo, Mahal na mahal ko kayo tandaan niyo yan. Lahat gagawin ni mama para sa inyo.". lumuluha na ko at diko mapigilan ang kalungkutan " Hello Caloy mahal, ingat kayo diyan ha, tatawag na lang ulit ako pag nakahanap ulit ako tiyempo" " basta mag iingat ka Diyan mahal ko, iintayin namin ang pagbabalik mo. Love you" malambing na saad ni Carlos " love you mama" sabay na sabi ng dalawang bata "Mahal ko kayo , ingat kayo babye" paalam ko sa knila Malungkot na ako matapos naming mag usap, tinapos ko na usapan namin, sobrang sikip sa dibdib na miss ko na sila na di ko man lang sila mayakap di ko rin masabi kelan ako uwi o kung mkakauwi pa ba ako. Kailangan kong kausapin Si Sir tungkol sa lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD