Chapter 3

1446 Words
Thorin's POV Ready na ako maligo, nahubad na lahat ng saplot sa aking katawan, ng narinig ko ang Cellphone ko di tumitigil ang tunog. Dali dali akong lumabas ng di na nag abala pang magsuot ng kahit na ano. "hello Mercury , What is it now?" I answered in cold voice. "Sun details sent to your EA, and you wont believe this. There is someone na kumakalaban sayo patalikod" sagot niya sa akin "I guess nalilimutan na nila kung anu at sino ako, Mercury, make magready kayo. Isend q sa inyo ang plano, gawin niyong mabuti ang trap para sa knila. Mukhang kelangan nating manghuli ng mlalaking daga nakapasok sa ating samahan" sagot ko sa kanya ng may himig ng excitement " maeenjoy yata namen ang panghuhuli sa kanila, minamaliit nila ang kakayahan naten hahahaha" natatawang sagot ni Mercury "Then show them what they want, I want them alive. Kayo na bahala basta kahit papaano makakausap ko man lang, kahit puro galos na ok lang" saad ko sa kanya "make sure lahat ng kasabwat nila isama niyo na,. Washout all of them" " ok then wait namen signal mo kelan kame magsisimula, meron ka p bng ipapagawa?" seryosong sagot niya " wa--" napalingon ako sa may pintuan ng may biglang nabasag .Nakita ko ang pulang pula mukha ng caregiver. Halatang nagulat at naiilang na yumuko kasabay ng pagpulot sa mga pagkain natapon sa sahig " wala na, tawag ako mamaya, bye" nagmamadali kong pinatay ang celpon ko. sabay sigaw "huwag mong pulutin yan, halika rito ,bigyan mo ako ng tuwalya" asik ko sa kanya Pumunta ako sa telepono at tinawagan ang Mayordoma upang ipalinis ang kalat sa sahig Samantalang nkita ko siyang may dalang puting tuwalya iniaabot sa aken kahit nakayuko siya at di tinitingnan ang aking hubad na katawan, ang cuteee niya na sobrang pulang pula mukha hanggang tainga. Bakit pag dating sa babaeng to ramdam ko lumalambot ako. Nawawala ang pagiging leon ko. Napapangiti rin ako ng wala sa oras pag nkita ko siya. "lumapit ka rito, di ko abot" asar ko sa kniya lumayo ako hanggang sa makarating ako sa gilid ng kama. "pano mo maibibigay ng maayos kung nkayuko ka di mo makikita ang pagbibigyan mo? hahahahah" iiling iling ako habang natatawa sa caregiver na ito na animoy teenager sa pula. Lumapit siya sa aken na animoy kay sama sama ng itsura ko na khit sulyap ay ayaw akong makita. "Sir eto na po ung tuwalya niyo, gamitin niyo, para makapaglinis na po ako" nahihiyang sagot niya sa akin. Pero sa kapilyuhan ng aking isip sa halip na tuwalya abutin ko, yong kamay niya ang hinablot ko. ??? Napahiga kame sa kama, habang siya nasa ibabaw ko. Nagpupumiglas siya habang nakayakap ako sa kanya. "Sir anu po bang gingawa niyo, bitiwan niyo ako bawal po tong gingawa niyo" maluha luhang niyang saad sa akin "Ikaw tong humiga sa akin, niyakap lang kita para di ka mahulog sa sahig" nkangising sagot ko sa kanya "bitiwan niyo na po ako parang awa niyo na, Baka mawalan na ako ng trabaho pag may nakakita sa akin" nagulat ako ng makitang may luha na siya dumdaloy sa pisngi niya, kaya akoy natauhan at kaagad siyang pinakawalan. "Sorry" mahinang saad ko pero sapat ng marinig niya. Pagkatayo niya agad siyang tumakbo palabas ng silid ko, saktong dumating ang mayordoma kasma ang dalawa pang katulong para maglinis. "Sir anung ginawa ni Tere ? Pacensiya na po kayo pag sasabihan ko po siya " magalang na saad ni Manang Lyn "no need Manang wala siyang kasalanan ako ang may kasalanan diyan". "Bilisan niyo paglilinis, gusto ko wala na kayo rito pagkatapos ko maligo" cold kong saad sa kanila. Mabilis akong nagtungo sa banyo. Upang maibsan ang init ng katawan na kanina ko pa nararamdaman para akong nagliliyab sa init. Lalo na kninang nakapatong siya sa hubad kong katawan. May kung anu sa damdamin ko ang nlungkot ng maalala ko ang luha niya kanina. Mukhang kailangan ko muna umiwas sa kanya. Pagkatpos maligo I decided na sa condo ko muna ulit ako mag stay. Nagmamadali akong lumabas ng bahay nkita ko Si caregiver na nasa hardin mag didilig. Nilapitan ko siya. "Aalis muna ako, sa condo ako mag stay" Di ko maintindihan kong bakit nagpapaalam pa ako sa kanya , samantalang kahit sa parents ko di ako nagsasabi kong saan ako pupunta, kahit pa kinukulit nila ako nga mga tanong nila lalo na si Mommy. Pagkasabi ko niyon agad akong umalis sa harap niya ng di inaantay ang sagot niya. Napakamot pa ako sa ulo ko ng maalala ang ginawa kong pag papaalam sa kniya, sumilay ang ngiti sa labi ko. Hahahaha parang ang saya lang first time ko ginawa yun . Tere's POV Matapos ang mga nangyari sa silid Ni Sir Thorin na di pa rin ako makamove on. Heto na naman siya.Nagpapalam sa akin na sa condo muna stay . Nakakapag taka mga kilos niya.Ganito b talaga mga mayayaman lakas mang trip. Di p ako nkakasagot ng nag mamadali siyang umalis at sumakay n sa sasakyan niyang halata ang karangyaan. Sa tv ko lang nkikita ang ganito kagagarang sasakyan ,nkakatakot ipark sa kung saan at baka magasgasan . Hahahaha , anu ba tong naiisip ko, di naman akin pero pinagpaplanuhan ko. Nataposang buong maghapon ko na halos, wala akong gingawa. Kasi ang bilin ni Sir Thorin siya lang pedeng magutos sa akin. Kaya kahit anung pilit ko kay Manang Lyn di niya ako inuutusan. Ganun ba siya katakot dito at ayaw niya talaga suwayin kahit wala naman dito si Sir. Kaya tumutulong na lang ako kung anu ung nkita ko gingawa nila. Kakainip kung araw araw ganito. Lumipas ang isa,dalawang linggo na ganito lang palagi gawai ko. Naiinip na ako. Nakita kong naglilinis ang mga hardinero sa my poolside kaya naisipan kong tumulong. Nakilala ko na sila kasi sabay sabay kami kumain ng hapunan. "Bryan, Kuya Mike pede ba ako tumulong? " Ngiting saad ko sa knila Napatigil sila sa gingawa at agad na nilingon ako.Sabay silang ngumiti sa akin. "sigurado ka ba Tere?" nag aalangang saad ni Kuya mike "sige na kuya please wala na ako magwa sa loob" "o cge" pagpayag ni Bryan Si Bryan ay binata at halos kaedad ko lang din. Nagpahayag na siya sa akin ng damdamin niya, ngunit ng Sinabi ko sa kaniya na may asawa at anak ako, ay nalungkot siya. Ngunit di pa rin siya paawat sa pag paparamdam ng damdamin niya sa akin, sabi niya malakas daw talaga ang tama ni kupido sa kanya hahahahah "Bryan baka mapagalitan tau pag nkita ni Sir na may ginagawa Si Tere" nagalalang sabi ni kuya Mike. Matagal ng hardenero dito ai Kuya Mike kaya kilala na niya ang mga Amo niya "kuya bakit ganun na lang ang takot nio na utusan ako khit wala naman po Sir thorin dito?" may pagtatakang tanong ko sa knya "huwag na lang kayong maingay sa sasabihin ko, pero sa lahat ng anak ng amo naten Si sir thorin ang pinaka hindi mo gugustuhing magalit" saad ni Kuya Mike habang tumitingin sa paligid na animoy may mkakarinig sa amin. "nakita ko na minsang magalit yan, at sobramg takot ko di ko maigalaw mga tuhod ko" dag dag pa niya Kaya pala ganun din si Manang sa Akin. Kasi matagal na siya dito at sure ako alam niya din yun. "siguro namn po di un mgagalit wala naman po ako magawa" ngiting saad ko sa kanila. "Nagtataka nga kame kung bakit ganun Si Sir sayo tere, hehhehe baka may gusto sa iyo Si Sir. yan ang usap usap ng mga andito" ngiting asar sa akin ni Kuya mike "naku kuya mike tigilan mo yan, pamilyado na ako. May asawa at dalawang anak na po ako, miss ko na nga po sila. Kailngan ko lang tlga kumita kaya andito ako" " Ano po ba pede kong gawin, para matapos na po tau?" " halika dito Tere ikaw na lang ang magdilig dito, habang ginugupitan ko tong ibang halaman dito" masayang sabi ni Bryan. Lingid sa aming kaalaman kanina pa may nanonood sa amin sa Cctv. Umatras ako upang ayusin ang hose ngunit napatid ako sa lagayan ng tools nila kuya. Ang akala kong pagbagsak ko sa lupa.napapikit ako, ngunit napamulat ako ng may brasong nakasalo sa likod ko. Si Bryan ang mabilis na sumalo sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya,habng nakapulopot pa rin ang braso sa may bewang ko. Akmang itatayo niya ako ng may nagsalita sa may pintuan. Baritonong boses na di ko inexpect na mririnig ko ulit. "Anong nangyayari dito, oras ng trabaho at naglalandian kayo? " galit niyang sigaw. Natulala Si Kuya Mike at di nakasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD