HE'S A HOT JERK
01 : Jerk Of My Life
Rhobelyn P.O.V
NANGYARI ang lahat nang maging partner kami sa laboratory class. Parati nalang siyang ganiyan na umaasa sa akin, sana 'yung crush ko nalang sana e.
Sapagkat pabigat talaga iyan, tapos gusto niya siya pa ang nasusunod.
Siya nga pala si Axel Borja — ang napili sa akin ng tadhana sabi pa nga ng teacher namin. Eck! Eww! To be honest aminado ako na masaya ako noong malaman ko na siya ang naging partner ko kasi medyo guwapo nga siya kaso nang kalaunan na? Ay hambog naman! Kung bakit ba kasi siya pa? Siya pa! Ang dami namang iba!
Nakatingin ako sa kanya ngayon habang ako bitbit ang project namin tapos siya binibitbit 'yung hinaharap niyong babaeng nilalandi niya. Naiinis na talaga ako.
“Kung gusto mo matapos natin 'yan sumunod kalang sa gusto ko.” Salita niya pa ng maangas sa akin.
T*nginaaa diba? Mapapamura ka sa inis. So ako pa ang maga-adjust for him? F*ck!
Inakbayan niya ako noong bumalik naman siya nang makita niya akong hirap na hirap na sa pagdadala ng materyales sa project namin, pinapauna na niya ang girlfriend niya sa house nila.
Masaya na sana ako, ang kaso loko-loko hindi parin naman pala tutulong.
Kabuwisit talaga!
---
NASA Bahay na niya kami noon, nang habang ako nag-iisip kung ano ang gagawin at sisimulan para sa proyektong pinapagawa sa amin. Ay siya itong nasa isang gilid lang nakikita ng inosente kung pag iisip at naririnig ng tainga ko na nakikipag- landian. Ang hassle talaga niyang buwesit na iyan!
“Baby, doon nalang tayo sa kuwarto mo.” Pagyayaya pa ng Gf nya sa kanya na tigang na tigang na kay Axel.
Wuka! Makakapaghantay naman 'yang bataan diba?
“Mauna kana baby tutulungan ko lang siya.”
Wait. Sandali lang? Tama ba ang narinig ko sa conversation nila?
“Okay baby ko, bilisan mo.” Salita pa ng babae na napapataas nalang ang kilay ko sa kanilang dalawa. Nilapitan ako ni Axel tapos 'yung babae dumiretso na sa kuwarto niya.
Actually alam ko na talaga ang bahay nila Axel since palagian akong narito to guide him sa mabuti kaso wala e dimunyu talaga iyang si Axel.
Biglaan siyang tumabi sa akin noon sabay akbay. Parang nagpapa-cute siya sa akin. Minasa-masahe niya pa 'yung magkabilaang balikat ko.
Baliw na talaga siya.
Nang maya-maya pa ay. “Bukas na natin tapusin iyan. Okay?” bulong niya sa akin saka ako mabilis na umiwas, lumayo ng konti, at tumingin sa kaniya.
“Ano?! Anong bukas ka diyan?! Sira kaba?!” sigaw ko.
“E, baka mawalan ng gana sa akin si Celine kapag tinulungan pa kita diyan. Mapapatagal pa iyan e!”
Hmp! So parang magiging kasalanan ko pa?
Napakunot noo ako.
“Alam mo, pabigat ka talaga!” inis ko na sigaw.
“Pasensya na,” dikit niya pa sa akin.
Inirapan ko siya pero lumapit lang siya sa akin para kuhanin ang sempatya ko. “Magbihis ka nga mo muna, nakakadiri iyang pawis mo!” sigaw ko. Ang lagkit lagkit! Dikit siya nang dikit. Tse!
“Bakit ayaw mo ba makita ang abs ko?” nakakaloko niyang tanong. Like wow?! Ang kapal din ng mukha a.
“Abs ka diyan. Pwe! Madami na akong nakitang ganiyan sa mga idol kong korean sa magazine.” Saad ko. Dahil totoo namang mas yummy pa sila at ang lilinis sa katawan tignan. Hindi katulad ni Axel na maganda nga ang katawan pero puno naman ng laway ng iba. Yuck!
Napatawa siya. “Hahaha! Jutay ang mga iyon.”
Napatingin ako sa kanya. Gago siya! Sige sabihin niya iyon sa korean fans dudumugin talaga siya.
Nanlaki mga mata ko talaga doon. “Ang kapal naman ng mukha mo para siraan ang mga idol ko, bakit nakita mo na ba? Kung makapag- akusa ang animal!”
“Hoy, Axel! Para sabihin ko sa iyo mas gusto ko nalang tignan ang litrato nila kesa naman sa iyo, lumayo layo ka nga sa akin.”
Natawa pa siya.
“Pero nakahawak kana ng abs at dibdib ng lalake?”
Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niyang iyon na sumunod. Medyo kinabahan na ako.
Pati pa yata ako papatusin ng animal na ito!
“Bastos!” sabe ko, agad kong kinuha 'yung note ko atsaka ako dali- daling tumayo.
Bigla naman niyang hinila 'yung damit ko na nakapag pabalik naman sa akin ng upo saka pa siya napatingin sa akin.
“Hoy. Axel! Anong tingin iyan?” tanong ko sa kanya nang magpapungay pa siya ng mata.
Natatakot na ako, grabe 'yung tingin niya nakangiti pa.
“Maganda ka rin pala talaga?” saad niya.
“Uy, ano iyan? Tumahimik ka!”
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko pagkatapos hinila niya papunta sa dibdib niya nang mapapikit ako.
Sabay sigaw.
“WHAAAAhhhhhhhh!!!”
---
NANG mabilis naman niyang tinakpan ng isa niyang kamay 'yung bibig ko. Aba walang hiya ito a?!
Nilawayan ko nga 'yung kamay niya. Saka naman siya mabilis na napabitaw din, noong ang sama ng tingin niya sa akin.
“Yuck! Kadiri ka naman, Rhobelyn. Ang baboy!”
Galit na siya saaken niyan? Tsk! Habang ako ito gusto ko na siya suntukin sa mukha e. Mabilis akong napatayo, na hawak ko pa pala ang note ko.
“Sandali naman Rhobelyn, oh?!” salita niya.
“Oh! Ayan tapusin mo iyan mag-isa mo! Maniyak!” sigaw ko sabay hagis ng note sa kanya.
Napapunas pa ako ng bibig ko. “Kadiri ka din, ang alat ng kamay mo!” inis ko na salita sa kanya.
Imbles na nagalit siya noong umalis ako patawa-tawa pa siya.
Dimunyu talaga.
Subukan niya pa ulitin iyon, hindi ako mag-aatumiling basagin 'yung itlog niya.
Agad naman akong nagmadali na lumabas ng bahay niya habang iniisip parin 'yung ginawa niya sa kamay ko na hanggang ngayon inaalala ko parin at nararamdaman sa kamay ko 'yung laki ng dede ng an*mal!
Eeeeeehhhh!!! Nakakainis ka talaga Axel Borja! Isa kang maniyak na jerk! Buwesit ka!
Napatingin pa ako sa bintana ng kuwarto niya, nang marinig ko 'yung ungol ng babae.
“Ughhhhh!!! uhhhh!!! Baby. Uhhhhhhh!!!”
Atsaka na ako tumalikod at naglakad papalayo. Talagang inuna niya pa iyang pakikipaglampungan sa iba. Wala talagang kuwentang lalake!
Pailing-iling pa akong inaalala 'yung ginawa niya sa akin kanina.
Sinasampal ko 'yung sarili ko. ‘Rhobelyn, hindi ka puwede madala ng mga pang aakit na iyon. Kahit type mo siya noong una dapat hindi ka mahulog sa ganoong klase ng lalake.’
‘Dahil kapag nagkataon? Naku! Patay torjak kang bata ka!’
KINABUKASAN agad akong hinarap ni Axel kasama ko pa kaibigan kong si Kelly, nang harangan niya kami.
“Rhobelyn, usap naman tayo oh?” wika niya.
“Kausapin mo iyang mukha mo!” iritado ko na turan.
“Gusto ko lang makausap ka.”
“Ayaw ko! Huwag mo nga ako kakausapin.”
Humingi nalang ako ng despensa kay Kelly bago sabe ko kita nalang kami mamaya sa class. Napatalikod na ako noon at mabilis na naglakad papalayo tapos humahabol naman itong si Axel.
“Ay naku! Tigilan mo na nga ako!” sigaw ko pero ayaw niya, kaya hinayaan ko na siya. Tignan ko lang.
“Hey! Susunod ka parin ba sa akin?” saad ko noong marating ko na 'yung pupuntahan ko.
“E, bakit ba? Gusto kasi kita makausap.”
“Pupunta ako sa comport room, sama ka?” diretsahan ko na saad sa kanya. Hinuhuli ko 'yung reaction niya, nang mapakunot-noo nalang ako ng wala siyang naging reaction sa sinabi ko.
Pero maya-maya napangiti siya sabay napamewang siya. “Bakit hindi?” sagot niya noong magpa-cute pa siya sa akin.
ANO?! Nakakainis talaga siya.
“Hoy Ikaw!” dinuro-duro ko siya.
“Hindi ko gusto iyang pinaggagawa mo a. Kung inaakala mo katulad ako ng mga cheap na babaeng madadaan mo pa sa pagpapa-cute? NEVER! Hindi ako katulad ng mga babaeng nadadaan mo diyan sa itsura mo!”
Napalapit pa siya, nang mapaatras ako.
“Weh? Sa tingin ko nagsisinungaling ka. Hindi nga ba?” ang init ng hininga niya nang ibulong niya sa akin iyon.
Nagsimula na naman akong kabahan. Bihasa sa panglalandi itong lalake na ito e.
Naku! Naku, Rhobelyn!
Nanlalaki na naman 'yung mata ko nang parang niyayakap na niya ako sa pagkakaharang niya noong ikulong niya ako. Itulak ba naman ako sa dingding?
Mga galawan niya talaga e.
Bakit napunta pa kasi ako sa maniyak na lalaking ito?
“Alam ko you hate me now, but despite of that you also like me.”
Weeew! Manghuhula?
“Sabagay kapatol-patol ka naman. Maganda ka, at attractive ako sa pagiging matalino mo at kuwelang magsalita.”
Ano? Ano ba itong mga pinagsasabi niya? Baliw!
“Kumpara sa ibang babae, mas challenging ka...” Salita niya pa.
Sobra na ito. Ano kaya. Basagin ko na ba betlog niya?